Date
"Ngayon mo sabihing wala akong epekto sa 'yo."
Itinulak ko siya nang sabihin niya iyon. Habol ko ang hininga habang tinititigan siya nang masama.
"You're wrong. I don't want to offend you but your kiss feels normal. Wala namang kakaiba," sagot ko.
Hindi siya nakasagot kaya umalis na ako kaagad. Baka kung ano pang maisip niyang gawin. Kailangan ko nang makalayo sa kaniya.
Hanggang sa matapos ang party ay hindi na ulit ako ginulo ni Jordan. Siguro naman naiintindihan niya na ngayon na wala siyang mapapala sa akin. Wala naman sa itsura niya ang naghahabol sa babae.
"Amara, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpunta?" tanong ni Lucy nang lapitan ko siya sa mesa namin.
"Diyan lang. Tinawagan ko si kuya kasi magpapasundo na ako. Parang masama kasi ang pakiramdam ko ngayon," pagdadahilan ko.
Sumimangot siya. "Gano'n ba? Sayang naman. Magpagaling ka, okay?"
After fifteen minutes, I received a text from my brother. He's already outside so I just went out of the auditorium.
"Something bad happened?" he asked when he noticed my silence.
I shook my head. "Nothing. Napagod lang ako kaagad."
"You can't lie to me, Amarantha. You keep on sighing since we left the campus."
Bumuga ako nang mabigat na hininga at inis siyang nilingon. Ano bang mayroon sa mga tao ngayon at lagi nilang sinasabi na hindi ako marunong magsinungaling? Gano'n ba kahalata na nagsisinungaling ako?
"Kuya, I'm fine. Masama lang talaga ang pakiramdam ko," sagot ko.
Nagkibit-balikat siya. "Okay. I heard na nandoon din si Jordan Emerson sa party n'yo. Ginulo ka ba niya?"
"Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ko dahil napapansin ko na updated siya palagi sa nangyayari sa paligid ko.
Baka mamaya, secret fan pala siya ni Jordan. O kaya may nagre-report sa kaniya.
"Social media. Kapag isa kang celebrity, kahit saan ka magpunta malalaman 'yon ng netizen through social media," he explained.
I sighed. He's right. The moment I chose this career, para ko na ring binuksan ang buhay ko sa lahat ng tao. Mabuti nga ngayon ay hindi pa nila ako masiyadong ginugulo. Pero hindi malabong mangyari 'yon lalo na kung palaging nakasunod sa akin si Jordan.
Hindi ako nakatulog kinagabihan dahil sa tuwing pumipikit ako, naaalala ko 'yung halik ni Jordan. I tried to think of other things but I still couldn't erase that from my mind.
That bastard! How dare him do this to me? Anong karapatan niyang guluhin ang isip ko?
Those thoughts bombarded my mind every night. I wasn't able to have a good sleep because of that. At kung minsan, kahit may iba akong ginagawa ay bigla na lang akong napapahinto dahil biglang pumapasok sa isip ko 'yon.
At ang mas malala, hindi ko na siya ulit nakita mula nang gabing 'yon. Ilang buwan na ang lumipas at ngayon ang huling araw namin sa klase. Nakahinga ako nang maluwag dahil bakasyon na at sa tingin ko ay makakapagpahinga na ako nang maayos.
BINABASA MO ANG
Begging For Your Love [Isla Felice Series 2] ✓
RomanceAmarantha San Diego wants to become a professional model that's why she does not want any distraction in her life. But when she meets Jordan Emerson, an actor who's hiding something from the media, she will do her best to ignore him for the sake of...