Prologue

9 0 0
                                    

"Please, let's go manong. Please drive." Umiiyak kong sabi sa driver ng taxi na pinara ko. Nasa passenger seat ako at nakayukong iyak ng iyak.

"Where to go, Ma'am?" Sabi ni kuyang driver. Napaangat ako ng tingin sa kanya kahit napakamessy na ng mukha ko. Ang ganda kasi ng accent nya! As in. Parang nakalimutan ko yung dahilan ng pag-iyak ko nung nakita ko si Manong. Manong ba talaga? Bakit ganto? Bakit mas mukhang boss.

"Manong okay lang ba kahit ikot ka lang around metro. Kahit san lang. Kahit saan lang na pwede akong umiyak nang mag isa. Secret lang natin to ha? Hayaan mo lang ako umiyak ng umiyak." Umiiyak ko pa ring sabi sa kanya.

"Do you want to stay in a refreshing place ba o do you want a roadtrip?" Sosyal nyang pagkakasabi. Driver ba talaga sya ng taxi?

"Can I trust you? Hindi ka naman mukhang rapist or something. Ikot ka lang kuya or bandang Antipolo hanap ka ng spot don. Don't worry po I will pay your day today."

Iyak ako ng iyak ng hanggang ipark ni kuya yung sasakyan, ang ganda. Ang ganda ng tanawin. Dahil madilim dilim na halos, tanaw na tanaw ko na ang city lights ng Metro.

"Manong stay ka na lang po dito. Ako na lang po yung lalabas."

Paglabas ko napatingin ulit ako kay Manong. Really, taxi nya Land Rover? I can't believe.

Paglabas ko, umupo ako sa may upuan na sadya para siguro sa gustong mamangha kung gaano kaganda ang city lights.

Umiyak ako, umiyak ako kasi ang sakit sakit. Naalala ko nanaman kung paano ko sinayang ang mahigit apat na taon ng buhay ko sa maling lalaki. Siguro nga ang tanga tanga ko. Hindi ko alam kung bakit ganto kasakit. Dapat tanggap ko na eh, ini-expect ko na dapat to kase ilan na ba ang nagsabi at nag advice sakin? Ilang buwan na ba mula nung may nagsabi. Ganon na pala katagal. Ganon na pala katagal kong tinatanga yung sarili ko.

Nagsimula na kong kwestyunin yung self worth ko. Nararamdaman ko ding kinakain na ko ng insecurities ko.

"Who hurt you?" Gulat akong napatingin sa likod ko pati na rin kay manong, sa paraan ng pagtatanong nya at sa mismong tanong nya.

We'll Never EndWhere stories live. Discover now