CHAPTER EIGHTEEN

85 32 3
                                    

LUCAS POV

Ilang araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako pinapansin ni Samantha. Kasalukuyan kaming nasa sala habang abala si Samantha sa pagtitipa sa kanyang laptop at ako ay nakaupo sa paborito kong pwesto. Napapakagat ako nang labi habang tinititigan ko ito. Fine, I'm guilty sumobra nga ata ako sa mga sinabi ko sa kanya noong nakaraan. Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang inis sa sarili. Nakaka-frustrate naman. Grabe naman magtampo ito.

C'mon Lucas! It's your fault. usal ko sa sarili habang hindi inaalis ang tingin kay Samantha. Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang lalapitan ito. Napaawang ang bibig ko ng bigla itong tumayo at bitbit ang laptop na umakyat sa 2nd floor.

I admit I miss her annoying voice.

"Aiisshh!" singhal ko sa sarili natuktok ko ang sariling kamao sa ulo ko. "Now, great!" asar kong sambit habang nakataas sa ere ang kamay. Napabuntong hininga akong napasunod kay Samantha. 

Naabutan ko itong nakadapa sa kama habang tulalang nakatitig sa laptop. Dahan-dahan akong lumapit dito at naupo sa gilid nito bahagya kong idinikit ang bibig ko sa kanyang tenga at mahinang bumulong.

"Uyy Sorry na nga." panunuyo ko dito ngunit nanatili pa ring nakatitig sa screen si Samantha. Napanguso ako nang biglang isuot niya ang earphone sa magkabilang tainga. Lumipat ako sa harap nito at direktang tumingin sa mga mata nito ngunit nanatili itong nakatitig sa laptop. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makuha ko ang atensyon niya. 

At dahil may kakayanan akong tumagos sa mga bagay ay sinubukan ko siyang gulatin nang ipinasok ko ang ulo ko sa screen ng laptop nya sabay sigaw nang..

"Bulaga!" sigaw ko ngunit wala pa din imik si Samantha at marahas na sinara ang laptop, napanguso ako sa inasal ni Samantha nang humiga ito at nagtalukbong ng kumot.

"I'm Sorry Samantha, I really do." sambit ko habang nakaluhod sa ibabaw ng kama nito. Wala akong narinig na kahit anong tugon. "Fine, Hinding-hindi na mauulit." sinserong usal ko ngunit nanatili itong nakatalukbong. Muli akong naghintay nang sagot nito halos lumipas na ang ilang minuto."Sorry sa mga nasabi ko sa'yo. aaminin ko I felt threatened and I don't know why. I don't like seeing you with other guy." napailing ako sa huling sinabi ko. Tama ba pagkakasabi ko?  It doesn't mean that I like Samantha huh. Nakakairita lang yung mga umaaligid sa kanya. I'm just protecting her. usal ko sa sarili ko.

"Lucas." rinig kong sambit ni Samantha, Bahagya akong lumapit dito at muling pinakinggan ang sasabihin nito. Inalis nito ang pagkakatalukbong at ganon na lang ang gulat ko nang nanatili itong nakapikit.

"Lucas." muling tawag nito sa akin. Napakamot ako sa ulo ko nang marinig ko itong humihilik.

"Sus. Nakatulog na pala." Tumayo ako at akmang lalabas na nang muli akong napatingin sa mahimbing na natutulog na si Samantha. Napahawak ako sa baba ko at malalim na nag-iisip. "Should I enter her dream so I can talk to her and corner her? Or should I wait her to wake up?" 

Palakad-lakad ako sa buong kwarto nito at tila nag-iisip. Nag-tatalo ang isip ko kung ano ang susundin. I can't take it anymore baka pag lalong tumagal ang tampo ni Samantha sa akin ay kalimutan na nito ang usapan namin.

Huminga muna ako nang malalim at inipon ang lahat nang konsentrasyon. Pumikit ako nang mariin at wala pa mang ilang segundo ay ramdam ko na ang pagbabago nang pakiramdam. Marahan kong idinilat ang mga mata ko, isang luntiang lugar ang bumungad sa akin. Napakaraming magagandang halaman at bulaklak sa paligid. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid upang hanapin si Samantha. 

Napatingala ako sa mga naglalakihang puno sa paligid ko.  Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang isang batis. Napukaw nang atensyon ko ang isang babaeng nakaupo sa isang tuyong kahoy. Bahagya akong napangiti sa ayos nito alam kong si Samantha ito.

The Sky Above Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon