MAXINE JEANA'S POV
"SHANE ANO KABA!?" galit na sigaw ni jayrold.
Hindi ko akalain na may ganon si Shane na ugali, I know ngayon lang kami nag kakilala ni Shane, pero sa ugali nya Hindi mo mahahalata na may ganon sya na ugali.
Well, hindi mo talaga masasabi base lang sa itsura. Hindi ko nga nahalata na mag kapatid yung dalawa eh, tss kung Hindi pa nasabi.
Na tahimik naman si Nicole,rhea, at sila Lucas, pero paminsan minsan napapatingin sila.parang naiintindihan na nila ang pag aaway ng mag kapatid.
'Lagi kaya silang ganito?'
"What?" singhal ni Shane.
"What? Seriously Shane? Ano nanaman yang ugali mong yan!? She's being nice Shane for god sake! Tapos ganon nalang ang sasabihin mo! Pinapahiya mo sya!" galit na medjo sigaw ni jayrold pero rinig namin. Dahil nagtitinginan narin saamin ang iba.
"A-ah, Jayrold I-it's okay, uhm,I'm fine." parang napapahiyang sabi ni Nicole.
"No, it's not fine!" giit ni jayrold
"Tama na yan, Shane jayrold," sabi ko
"That's enough! Kumakain tayo oh, kunting respeto naman sa pagkain. Hindi tayo nag punta dito para mag bangayan, nandito tayo para kumain, mag kapatid ngang naturingan lagi naman nag aaway Tss." Inis na sabat ni Lucas
'Ah lagi nga'
"Oo nga naman, kumain na tayo kanina pa yan baka matapos na ang break ma late pa tayo Hindi nanaman makapasok." sabi ni Markie
Hindi na sila nag kibuan, kumain nalang kami, Ng napatingin ako sa unahan ko nakita ko si Nicole na sinusuboan si Jayrold at masaya sila na nag uusap.
Parang kumirot sa dibdib ko ng makita ko sila, ng tumingin sa gawi ko si Jayrold dali dali akong nag baba ng tingin sa kinakain ko at Hindi na sila pinansin.
Kumain kaming pito at nag kwentohan, minsan nakikipag tawa ako kapag nag papatawa sila lalo na si Markie, most of the time tahimik ako at nakikinig sakanila, laging si Nicole ang pinag uusapan nila, o di kaya sa mga napuntahan na nilang magkakasama, feeling ko na o-op na ako.
NG MATAPOS na kaming kumain, sabay sabay parin kaming lumabas ng canteen at nag kwekwentohan.
" So, Rhea bakit kayo nag transfer dito?" biglang tanong ni Lucas, napatalon naman si Rhea sa gulat.
YOU ARE READING
Forever I Love you
RomanceDo you still love the guy who didn't want to say that he love you?