Chapter 1

3 0 0
                                    

"Good Morning! I'm Miykal Grisha Alejo, 26 years old, Graduate of Liberal Arts Major in Museum Studies. I've been a curator for nearly Five years and I once work at the Pieces Memory-"

"Nababasa ko nga." natigilan ako after the director butted in on the midst of my introduction. 

Pinigilan ko ang umirap dahil nasa harap ako ng mga magiging future employer ko, kung sakali lang namang matanggap ako sa trabaho. Pero kung hindi lang talaga ako nagpapaka-professional ay baka hinampas ko na ang resume kong hawak hawak nya sa mukha nya ora mismo. 

On the first place Bakit sya nandito? Huling kita namin 8 years ago pa. Estudyante pa lang kami noon, Ako pagraduate na tapos sya pabagsak pa lang noon tapos ngayon ang bilis nabaliktad ng sitwasyon mukhang mas nauna pa syang naging successful, Sya na ngayon itong Interviewer ko. Hindi ko tuloy mapigilan alalahanin kung gaano kasama ang pakikitungo ko sa kanya nung okay okay pa kami.

"Sa tingin mo bakit ikaw ang deserving para sa trabahong ito?"

Nakakagigil lang dahil kung makaasta sya ay parang hindi kami magkakilala. Baka nakakalimutan nya yung nakaraan namin? Pero imbes na ipakita sa harap nya ang pang-gigigil ay kinalma ko ang sarili ko at propesyunal na hinarap ko sya kahit nangangati ang kamay kong batukan ang antipatikong kaharap.

"I appreciate the beauty of talents, They always bring out an unknown emotions to the next level, It's my way to understand a person's Sufferings or even memories. It brings out the feelings I have never known, It makes me happy knowing that the art I'm looking at is an Art made out of memory, an art made of life. Buhay at memorya ng painter ang nakapaloob sa mga bagay na ididisplay namin hindi lang basta mga pinta, mga likha. Pinapangako kong aalagaan ko ang The Album art Gallery sa abot ng aking makakaya, I'm confident that I'll do a great job of being a part of The Album Art Gallery so please hire me."

"That is what everyone says, na gusto nila ang arts kaya nag aapply sila. Ikaw na ang ika 76 na applicant na nagsabi ng mga bagay na iyan, nag usap usap ba kayo? Bakit pareparehas ang sagot nyo? Kung wala ka nang sasabihin the door is widely open, you are free to go."

Napalingon ako sa pintuang tinutukoy nya. But then I refused to go out. Kailangan ko ang trabaho, sapat na ang halos isang taong unemployed ako. With my eyes closed sinabi ko ang dahilan kung bakit kailangan ko ang trabahong ito.

"Wala na akong makain! Mamamatay na ata ako kung hindi pa ako makakahanap ng trabaho! Ubos na ang savings ko dahil isang taon na akong nabakante! Prinepressure na ako ng family ko dahil wala akong maibigay sa kanila kase wala akong trabaho! Kaya please!" pinagdaop ko ang palad ko, kulang na lang ay ang lumuhod ako sa harapan nya para mag makaawa, pero may pride naman ako kaya dapat makuntento na sila sa sigaw ng damdamin ko. "Please hire me po!" 

Binuksan ko ang isa kong mata para sumilip.

I hope it works afterall walang nakakaresist sa charm ko. Maliban nga lang sa isa, na kung minamalas ka nga naman ay sya pang nasa harap ko. Sya lang ang bukod tanging may lakas ng loob na sabihing napakapangit ko. 

Sumama ang mukha ko nang makita syang nagderetsyo na papalabas sa pintuan. Iniwan nya kami rito! Isa syang malaking Putangina! Pero sige lang, Lagot sya sa akin kapag ako ang napuno, sisiguraduhin kong ako lang naman ang magiging hadlang sa love life nya, Punyawa sya!

"Thank you, tatawagan ka na lang namin for the result." 

Bagsak ang balikat ko sa narinig ko mula sa isang interviewer. Ilang beses ko na bang narinig iyon? Napakaraminig beses na ata, hindi ko na mabilang, yung tipong isang sabi pa sa akin ng mga katagang iyon ay magiging kriminal na ako. Nakakagigil, nakakagalit.

Saan na ako pupulutin ngayon? Wala na, ito na ang pinakahuling Art Gallery na open for hiring. Gusto kong maiyak, ang sakit na ng paa ko dahil sa heels ko, dinudugo na ata ang likod ng paa ko. Kasalanan talaga to ng punyawa kong Boss eh, ah correction, ex boss pala. Kung hindi ba naman manyakis ang kumag na iyon at yayahin akong makipagsex sa kanya knowing that napakatanda na nya at may asawa't anak na Edi sana happy happy ako sa trabaho ko? Edi sana may pera pa rin ako ngayon edi sana nasustentuhan ko ang pamilya ko? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Art of LifeWhere stories live. Discover now