Umaga na naman. Kailangan ko ulit kumilos para hindi dumapo ang kamao ng tatay ko sa akin.Dumiretso ako sa cr at naligo. Nag-iisip ako ng mga paraan para makadami ang raket ko ngayon.
Alam kong mali pero dapat ko itong gawin.
Pagkatapos kong maligo ay nag-bihis na ako. Nag-suot ako ng high-waisted na shorts at oversized na t-shirt. Magnanakaw lang naman bakit pa tayo magdadamit ng magarbo.
Nagdala ako ng kutsilyo para sa aking gagawing pagnanakaw. Tinago ko ito sa gilid ng short ko.
Paglabas ko ng kwarto maririnig mo agad ang sigawan ng nanay at tatay ko.
"Rolito! Puro ka inom wala ka ng nagawang matino! Magtrabaho ka na lang at may panggastos tayo! Puro na lang si Clara ang gumagawa ng paraan para makahanap ng pera!" pangaral ni nanay kay tatay.
"Aba't matapang ka na ngayon! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkagulo-gulo ang pamilyang 'to! Kung hindi ka lang malandi e'di sana buhay pa ang negosyo natin!" singhal na sabi ni tatay.
Sanay na ako sa mga ganiyan. Araw-araw ganiyan ang drama sa bahay. Nakakasawa.
"Nay, Tay. Una na po ako." pagpapaalam ko at lumabas na ako.
"Uy, Clara gumaganda tayo ngayon, ah" nakangising sabi ni Jason. Nadatnan ko ang mga kapit-bahay kong iskwater din.
Nasasanay na ako sa ganitong buhay, simula nang bumagsak ang negosyo namin. Dati naman ay hindi kami dito nakatira, nag-aaral nga ako sa isang private school at nakatira kami sa isang village.
Kaso nga lang ay nagulo lahat ng manlalaki si mama. Nakita ko si papa na nagsusunog ng bituka dahil lang sa nalaman niya.
Ang aming negosyo ay unti-unting bumagsak dahil sa mga bisyo ni papa. Nang malaman niya iyon ay madalas na siya sa casino at bar doon naubos lahat ng pera namin.
Nagkaron pa kami ng utang sa bangko kaya't kailangan kong tumigil sa pag-aaral dahil wala ng pambayad ng tuition.
Dati'y sikat ang aming apelyidong Amada ngunit simula nung na bankrupt ang negosyo ni papa ay nalaos na ito. Lahat ng shares ay kinuha na nila at dahil doon bumagsak ang aming kompanya.
Kinailangan naming ibenta ang bahay namin para makaraos man lang kahit kaunti. Dalawa lang kaming magkakapatid at ako ang panganay kaya't kailangan kong kumilos para hindi magaya sa akin ang aking kapatid na si Chelseah.
Naglakad ako nang kaunti para marating ang sakayang ng jeep. Sumakay ako ng jeep. Pagkasakay ko ay nag-abot na ako ng bayad. "Sa may divisoria lang po." sambit ko at rumangkada na ang sinasakyan kong jeep.
Sa aming biyahe ay nararamdaman kong may tumititig sa akin ngunit pag lumilingon ako ay wala naman. Guni-guni ko lang siguro.
Pagbaba ko ng sinakyan kong jeep sumalubong agad sakin ang ingay ng mga tao sa Divisoria.
Dito ako lagi, dito ako may trabaho. Illegal man pero wala tayong magagawa dito kami nakakakuha ng pera.
Bata pa lang ako mulat na ako sa reyalidad, kung hindi ka kikilos hindi ka kikita. Ganoon ang buhay. Sanay na ako.
Lumakad pa ako ng konti para mahanap ang aking mga kasama. "Andito na si Clara." dinig kong bulung-bulungan nila.
"Uy, Clara ayos, ah! Hindi halatang ginagawa mo ang bagay na ganito!" sabi ni Robert sa akin.
"Aba Robert! Kailangan talaga'y nag-aayos kahit na ganito lang ang meron tayo! Kindatan ko lang sila bibigay na iyan!" sagot ko sakaniya na parang nagmamayabang.
BINABASA MO ANG
Caught Up (Villaflor Series #1)
FanfictionDISCLAIMER The background I use is not mine.