Ika-Dalwampu't syam na kabanata

158 4 4
                                    

----------

       Pagsuko. Ito ba ang pagbitiw sa nakasanayan mong bagay dahil sa isang pangyayari. Alin man doon, hayaan mo sanang gawin ko ito ng bukal sa aking puso dahil kung hindi ito matatapos ngayon pareho lang tayong masasaktan.

-----------

Ika-dalwampu't syam na Kabanata

Pagsuko

Aldrin's PoV

Hinayaan muna namin ni Aren sina Wendyl at Ro sa loob ng Clinic. Naroon naman si Sister.. este si Milka para protektahan si Ro. Isa pa, hindi mapapahamak si Ro dahil narito sya sa loob ng school. Mahalaga sa amin si Ro dahil isang syang Ciltia. Oo nga't kailangan nya ng red heart pero hindi pa iyon kailangan ngayon.

Naglalakad kami ni Aren ngayon palabas ng school. Ihahatid ko lang sya hanggang gate dahil ayaw ko pang bumalik sa room para matulog. Wala akong tulog ngayong gabi pero mas mabuti na yun kaya naman kung ano pa ang mapanaginipan ko sa mga napagdaanan ko kanina.

"Hindi ka ba babalik sa dorm nyo?" tanong nya sa akin kahit hindi sya nakatingin.

"Magsisimula na rin ang klase pagkatapos ng isang oras kaya naman hindi na lang. Matutulog na lang ako sa lunch break." Sagot ko namang sa kanya.

"Hindi naman ang pagtulog mo ang inaalala ko." Sabi nya pero hindi ko makita kung saan patungo ang usapang ito. "You're hopeless." Sabi nya pa at hindi na kami nagsalita hanggang makarating kami sa gate kung saan naghihintay ang kanyang van.

Para sa akin para siyang delecate bird na nasa bird cage. Pwede mong tingnan pero hindi mo pwedenf hawakan. I like him, him and Yohan. Para akong hinihigop ng presensya niya in a way that I can pledge my knighthood but I still won't. Mahirap na, baka pagsisihan ko sa huli.

"Ikamusta mo na lang ako kay Yohan." Pahabol ko na tinaasan lang nya kamay bilang sagot na oo.

Ang hindi ko alam mayroon pa rin silang hindi pagkakaintindihan ni Yohan.

Bumalik na ako sa loob pero hindi ko akalaing may makikita pala ako bago pa ako makalayo sa pwesto ko simula pa kanina. Si Rhianna kasama ang isa sa mga kuya nya at may tatlong lalaki pa sa unahan nila. Hinawakan ng lalaking nakasuot ng pormal ang kaliwang kamay ni Rhianna at bahagyang yumuko para halikan iyon. Hindi ko naman nakita ang mukha ni Rhea dahil natatakpan iyon ng kanyang bangs.

Agad akong lumapit pero hindi pa man lang ako nakakatalong hakbang yumakap na si Rhianna dito. Napako ako sa kinatatayuan ko at pinanuod lang sila pero nagawa kong makaalis ng humiwalay yung lalaki at at hinawakan ang pisngi ng babaeng mahal ko. Akmang hahalikan nya ito kaya naman umepal na ako.

"Pvt@zg!n@!!!!!! Huwag mong mahahawakan yang babaeng mahal ko!" Galit na galit kong sigaw na ikinatingin nilang lahat.

Nagtaas ng kilay yung dalawang kasama noon hahalik kay Rhea at yung lalaki naman ay nagtataka, nagulat naman yung kuya ni Rhea at parang gustong lumapit sa akin.

"Al?" tanong nya pero tiningnan ko lang sya ng masama.

"Huwag mong ibugaw ang babaeng mahal ko sa ibang tao!" sigaw ko.

"N-Nagkakamali ka." Sagot nya pero hindi ko iyon pinakinggan. Kinuha ko ang braso ni Rhianna at ng hihikitin ko na ito ay hinikit naman nung lalaki ang braso ko.

"Miss, huwag kang mageskandalo. Babae ka at lalaki ako. Si Rhianna ay mapapangasawa ko kaya ano mang nararamdaman mo para sa kanya, balewala na lang din." Nakangisi ang hayop. Gusto ko syang bangasan pero nakita ko ang pag-iling ng ulo ng kapatid ni Rhianna.

Kung ganoon alam nya na nandito ako at si Rhianna mismo ang nagpapunta sa lalaking ito? Nakumpirma ang hinala ko ng magsalita si Rhianna.

"Al, pwede bang magusap na lang tayo mamaya." Gusto kong sumigaw at kumpirmahin ang ginagawa nya pero hindi ko na rin nagawa dahil dumating si Tiffany kasama si miss Johan.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon