Thea Gonzales is in a relationship with Joshua Soriano for 1year and 3months .They love to travel and explore things together. At sa sobrang pag eexplore ay may mga bagay silang nagawa na hindi dapat- may nangyari sakanilang dalawa.
At age of 21 , nabuntis si Thea ng kanyang kasintahan. Napuno ng kaba at takot ang kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung papaano sabihin sa mga magulang niya na buntis siya kasi alam niyang madidisappoint ang mga ito sakanya. Kaya sa mga oras na yun ay naisip niyang uminom nalang ng gamot na pampalaglag ng bata na nasa sinapupunan niya.
Kasalukuyang nakahiga siya sa kanyang kuwarto at nakatulala sa kawalan habang hawak hawak ang pregnancy test at ang gamot na Mifepristone. Pinahid niya ang mga luhang nag uunahan sa pagtulo mula sa kanyang mga mata. Sorry, tanging nasabi niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo, isa isa nyang binuksan ang gamot at tinapon ito sa inidoro sabay flush ng tubig. Maya maya pa ay inayos niya ang kanyang sarili at napag desisyunang pumunta sa condo ng kasintahan para sabihin dito na buntis siya, ngunit palabas pa lamang siya sa kanyang kuwarto ng magtext ito na may importante rin daw itong sasabihin sakanya.
Papasok na siya sa lobby ng condo ng kasintahan ng makasalubong niya si Kriza, kaya huminto siya sa paglalakad at binati ito ,ngunit biglang nawala ang ngiti niya ng makitang blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sakanya sabay abot ng litrato sa harapan niya. Nagtatakang kinuha niya ito at tiningnan kung anu ang nasa
larawang yaon- isang engagement picture. Kunot noong tumingin siya dito at nag aantay ng sasabihin nito kung bakit pinakita sa kanya ang litrato. Ngunit bigla siyang nanghina ng makumpirma niya ang mga nasa isip niya sa sinabi nitong na-engaged na ang kasintahan dito, kaya bago pa man marinig ang iba pa nitong sasabihin, bago pa man tuluyang pumatak ang mga luhang knina pa namumuo sa kanyang mga mata ay tinalikuran na niya ito saka patakbong tumungo sa taxing nakaparada sa labas ng building. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay nilabas niya ang kanyang cellphone at blinock ang number ng kasintahan pagkatapos ay tinawagan ang ate niyang nasa Dubai.Pagkarating niya sa bahay nila ay agad niyang kinausap ang mga magulang niya , nagpaalam siya na gusto na niyang pumunta sa ate niya na nasa ibang bansa para magbakasyon at kung papalarin ay maghanap na rin ng trabaho doon. Tinanong din siya ng mga ito- kesyo bakit daw biglaan ang desisyon niya , pero kalaunan ay pumayag din naman ang mga ito dahil dati pa namang nakahanda ang tourist visa niya, desisyon niya nalang talaga ang hinihintay para mabilhan siya ng ticket at makaalis na ng bansa.
Pagkatapos ng pag uusap nila ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto at dumiretso ng higa sa kama saka nilabas ang cellphone
para muling tawagan ang ate niya at ibinalitang pumayag na ang kanilang mga magulang sa naging desisyon niya. Agad naman nitong naasikaso ang mga papeles na kakailanganin niya sa pag alis ng bansa kaya kinabukasan ay lumipad na siya patungong Dubai.5years later...
She decided to go back in the Philippines and stay in the country for good. Ngunit hindi niya inaasahan na sa araw mismo ng pagbabalik niya ay magkukrus ang landas nilang dalawa . Ganun na lamang ang asar niya dahil parang pinaglalaruan siya ng tadhana na kahit anung pagtatago at pag iiwas ang gawin niya ay lagi parin silang pinagtatagpo nito. Natatakot siya sa mga posibleng mangyari. What if malaman ng dating kasintahan na may anak sila? At paano kapag nalaman rin niyang hindi ito natuloy na maikasal sa iba? Is there still a chance na magkabalikan silang dalawa? Will they find their way back into love??
---------
Note: Mifepristone, also known as RU-486, is a medication typically used in combination with misoprostol to bring about an abortion during pregnancy. This combination is 97% effective during the first 63 days of pregnancy. It is also effective in the second trimester of pregnancy.
*****
This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of MY IMAGINATION or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons,living or dead,and actual events is purely coincidental.
Ang kung sino'man ang gustong gumaya, at ikopya ang aking storya. Ay HINDI KO IPINAHIHINTUL UTANG GAWIN NIYO IYON.
Plagiarism is a crime!!
©All Rights Reserved
Started: November 09,2020
- Sam_Rhaizeel -