J A S M I N E
I raised my chin and scrunched my nose when I saw men looking at me with lust-filled eyes. Sanay naman na ako sa mga tingin na 'yan pero naiinis padin ako. Wala talagang respeto ang mga lalaki, tangina. Ginagamit ang ulo na nasa gitna ng hita kesa sa ulong nasa itaas. Pare-pareho sila: Mga manggagamit.
"Hi, sexy," mapang-akit na bati sa'kin ng isang lalaki at manyak akong tinignan.
Inirapan ko siya. "Gago. Stay away from me," singhal ko at tinalikuran siya.
Naiinis talaga ako kay Belle ngayon. Alam ko naman na favorite bar namin ang Gazebo pero mas okay sana na sa bar ko nalang. At least doon, may kapangyarihan akong paalisin at i-ban 'yung mga bastos at manyak samantalang dito wala akong magawa. Tangina lang talaga.
Pagpasok ko sa VIP Lounge ng Gazebo ay si Ariel at Belle ang bumati sa'kin. Agad tumayo si Ari at bumeso sa'kin.
"Jasmine! Hi," masayang bati niya sa'kin at ngumiti naman din ako sakanya. Ariel is like my baby sister and I always spoil and protect her. Mahinhin kasi siya at inosente, kaya hindi din ako payag sa boyfriend niya kuno.
"How are you, bunso?" biro ko at sabay kaming pumunta sa table namin. I hugged Belle. "Hi, Belle."
She smiled at me. "Mas maaga ka ata kesa kay Erella," komento niya at maski ako ay natawa. We've established very long ago that I'm always the one who arrives late sa lahat ng okasyon o samahan namin.
Kumunot ang noo ko. "Saan nga ba si Erella?" tanong ko at umupo sa tabi ni Ariel.
"She's on her way," sagot ni Belle sa'kin. "Order your drink na, Jas. I'll call a waiter lang."
I nodded. "It's fine, I ordered when I passed the bartender," sabi ko sakanya at napangisi naman siya at napailing. "Asan na ba si Erella? Babaeng 'yun."
Tumawa si Ariel. "Nagsusungit ka na naman!"
I rolled my eyes. "Like I care," ani ko at tumango sa waiter na naglagay ng drink sa harapan ko. My favorite, Sex On The Beach.
"Ari, I missed you!" biglang may sumigaw kaya naman napalingon ako. Si Ariel naman ay tumakbo at lumapit kay Erella at nakangiting binati ito.
Ariel rolled her eyes playfully. "Nagkita tayo four days ago, bi," ani niya kaya natawa kami.
Erella shook her head and sat down beside Belle. She greeted us both and I just grinned at her, sipping my drink. "It's still weird na you call me 'bi' when si Belle ang may 'B' sa ating lahat," she said with a chuckle.
Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Anong gusto mo, 'Si'?" biro ko at napangiwi siya.
"No, I'm fine with 'bi'," bawi niya kaya natawa na naman kaming apat.
"I ordered martini and tequila for all of us," sabi ni Belle kaya naman tumango kami. We usually order our first choice of drink but after finishing it, we order martini and tequila dahil hindi kami masyadong tinatablan.
I leaned back and looked at Erella. "Oh, anong balita senyo?"
"Nothing much," sagot niya at nagkibit-balikat.
Belle raised a brow at Erella and chuckled. "Kwento mo si Cassie!" tudyok niya and I scoffed. I hate Cassie--Erella's step-sister--so much. Ang arte kasi tapos ang landi-landi pa niya! Mas grabe pa sa puta.
"What about her?" tanong ni Ariel at uminom ng martini niya.
"She's attempting to pass the exam," panimula ni Erella and rolled her eyes, "again." I snorted.
BINABASA MO ANG
Princess Series Two: The Bitter Bitch
RomanceThe Princess Series Book Two. Jasmine Cortez has been hurt and broken once before, and ever since then she never found love too interesting. One would say she was a bitter bitch-and she won't disagree one bit. But what happens when one guy tries to...