Marahuyong Silakbo

18 0 0
                                    

Nakita ko siya at ako'y nag-pagkawalang diwa sa mga mata niyang kumikislap sa ilalim ng buwan, puno ng lungkot at pithaya. Ang morena n'yang balat ay mamula sa ilaw ng buwan. Humaharumando ang puso ko nang unti-unting magtama ang aming mata, datapwa't hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mata sa takot na baka sa oras na makita n'ya 'ko ay tumakbo s'ya. Makakawala siya sa aking paningin at tuluyan na siyang makaalis, pabalik sa kanyang ina na sigurado'y hinahanap-hanap na siya. Ngunit hindi ko magawang pakawalan ang nagtatanging saya na ipinaramdam niya sa akin. Gusto kong maging magpakasarili ngunit kada nakikita ko ang lungkot na alam kong ako ang dahilan; mas nanaisin ko nalang magdusa mag-isa kaysa sa malayo s'ya sa pamilya n'ya.

"Morpheus." wika n'ya sa 'king pangalan. Tumigok ako, ilang libong kidlat ng kuryente ang gumapang sa'king balat. Tila'y isang asong alila sa kanyang amo, naglakad ako patungo sa kanya.

Ang matatalim niyang mata ay nakakatakot. Iniwas ko ang tingin ko sa mga 'yon. Mainit na palad ang sumakop sa aking panga, hinarap ako sa paningin ng aking kasintahan; Mahal, pasensya na kung ako'y makasarili ngunit ikaw lang ang tanging pahinga ko sa mundong magulo at ang tahimik sa aking maingay sa isipan. Fioralba, mahal. Gagawin ko ang lahat upang mapamahal ka rin sa akin tulad ng pagmamahal ko sa iyo. Pangako. Kahit na ako'y duguan at sagutan, kung ano ang ikasasaya mo'y tutuparin ko.

"Ano ang iniisip mo, hmm?" sabi ng kanyang mapupulang labi. 'Di ko nais na iwasan ang mga 'yon ngunit hindi ko mapigilang isipin na baka panaginip lang ang lahat ng ito at ang Fioralbang nakikita ko ay isang imahenasyon lamang. "Hindi ka ba sanay sa aking halik; gano'n ka na ba kasawa sa'kin?"

"Fioralba, aking buwan, hindi ko sadyang insultohin ka-"

"Subali't ang diyosa ng kagandahan ay 'di mo manlang nagawang iwasan? Anong pinagkaiba namin, sino ang mas may karapatan sa'min? Hindi ba't ako, Morpheus?" Bawat salita na kanyang binibitawan ay naging balang paulit-ulit akong natatamaan.

Hindi ko sadyang saktan si Fioralba, sa kanyang nakita na hindi ko keilan man nanaisin, maski man isipin. Hindi ko kayang saktan ang aking minamahal sapagkat ako'y mapuputulan muna ng dalawang binti at matatanggalan ng mga mata bago ko pa maisipang gawin iyon sa kanya.

"Fioralba, saktan mo ako ng paulit-ulit. Mura-murahin mo 'ko ng paulit-ulit, hindi ako tututol o aangal manlang ni isang beses. Pero h'wag mo naman ako parusahan sa gantong paraan, hindi ko kakayanin." bakas ang pagmamakaawa sa boses ko. Ikinulong ko ang kanyang kamay sa aking mga palad at lumuhod sa kanyang harapan.

"Sana ayan din ang nasa iyong isip bago mo ako traydorin sa pamamagitan ng pagtutulog sa tabi ni Aphrodite."

Umiling ako. Tunay nga na katabi ko si Aphrodite ngunit hindi kami natulog, hindi ko rin maipinta kung pa'no siya nakarating sa aking silid at kung paano siya napunta sa aking kama. Ang bruhang iyon, hindi na nakuntento kay Ares. Ang pag-ibig ko pa tuloy ang nadamay sa kanyang kalokohan. Malamang sa malamang ay nag-away na naman ang dalawa at ginawa niya iyon upang galitin ang kasintahan.

"Alam kong hindi ako ang babaeng iyong nais, ang babaeng hindi naman diyosa kundi isang mortal lamang... pero sana naman, nirerespeto mo ang damdamin ko bilang kasintahan mo. Tulad ng iyong binanggit, ako ay pinili mismo ni Selene para sa iyo. Ang ina mo, Morpheus. Sana hanggang ngayon at ako parin ang laman ng puso't isipan mo." aniya habang bahid ng kalungkutan ang kanyang itsura na kanina'y puno ng galit.

Tunay sa kanyang sinabi: si Fioralba ay regalo sa akin ng ina kong si Selene, ang diyosa ng buwan at ang diyosa na nagmahal ng mortal. Ang buwan ay unti-unti ng lumulubog, ang balat ni Fioralba'y tila kumikinang ng mas makintab pa kesa sa mga diyamentes sa palasyo. Uminit ang gilid ng aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang paghikbi sa lungkot at sakit na nararamdaman. Ang puso ko'y pinipisat at sinisira ng isang kamay. Ang imahe ni Fioralba ay dahan-dahang nagiging malabo. Ang matamis na ngiti niya'y naglaho. Palayo siya ng palayo. 'Di ko na namalayan ang paggalaw ng aking mga paa, hinahabol ko na pala ang imahe ni Fioralba. Mahal, ako ba'y iyong naririnig? Ni minsan ba'y narinig ko ang iyong matatamis na tawa, minsan ko na bang nasilayan ang ganda mo sa tuwing magbabasa ka ng aklat tungkol sa pag-ibig, nahanap mo na ba ang paborito mong putahe?

Fioralba, mahal. Ina, minamahal kong ina kahit isang saglit lamang!

Konti nalang, maabot ko na ang kamay niya. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Ang aking binti ay nanakit na at paniguradong napipinturahan na ng pasa ang aking paa ngunit wala akong paki. Bakit palayo ka ng palayo sa akin? Ang iyong imahe ay unti-unting naglalaho. Abutin mo ang aking kamay, buwan ko. Marami pa tayong tutuparin na pangarap mo, madami pa tayong ala-alang gagawin. Konti nalang, Konti nala-

At duon, unti-unting bumuhos ang aking luha. Tumingin ako sa kawalan, nanatiling nakatulala sa buwan na sigurado'y pinagtatawanan ako.

Ina, kahit isang sulyap lang, kahit sa panaginip na lamang, hindi mo ba ako pagbibigyan? Ang huling pagkikita ko kay Fioralba ay lagi akong minumulto sa gabi. Habang pumapatak ang aking mga luha ay napangiti ako, nanalo ka na Fioralba.

"Sana hindi ka na kailanman mahanap pa ng tagsibol!"

Nanalo ka na, mahal ko.

Dahil sa tuwing gabi ko na lamang naririnig ang iyong mga salita. Patuloy na kong nalunod sa kadiliman ng aking mga kasalanan. Ang pag-ibig nating naglaho na parang bula. At pati na rin ang kaisang isip na hindi na kita kailanman mayayakap at masisilayan pa. Nanalo ka na, buwan ko.

Marahuyong SilakboWhere stories live. Discover now