Chapter 5

22 6 4
                                    

"Hez" tawag ni Mama sa akin nang nag agahan kami.

Tumingin ako sa kanya.

"Po?" Sagot ko

"Kamusta na kayo ni Yael? Pumunta yun dito kahapon. Hinanap ka, ang sabi ko'y may trabaho ka" sabi niya at nagsi tinginan naman silang lahat sakin. Naghihintay ng sagot ko.

"Hindi ba niya alam na nagta-trabaho ka?" Dagdag na tanong ni Mama

Imbis na tingnan sila, tiningnan ko nalang ang pagkain na nasa harap ko.

"Hindi" naisagot ko

"Bakit?" Si Papa naman ang nag tanong

"Nandoon pa kasi siya sa Manila noong mga nakaraang buwan. Sasabihin ko na dapat sa kanya 'yon kaso.."

Hindi ko matuloy tuloy ang paliwanag ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko at para bang ang sakit pa rin kung iku-kwento ko pa sa harap ng pamilya ko.

"Kaso?" Si Chylus naman..

Tiningnan ko siya at tiningnan ko sila Mama at Papa.

"Kaso.. Noong araw din yun ko nalaman at nakita sa dalawang mga mata ko na may kahalikan siyang ibang babae" Paliwanag ko sa kanila

Nagbaba sila ng tingin. Alam ko namang masakit pa rin yun. Pero gusto kong ipakita sa kanila na ayos lang yon. Ganon siguro talaga.

"Hez, anak" sabi ni Papa

Tumango ako. "Ano ka ba, Pa. Okay lang ako. Malalagpasan ko rin ang sakit na naramdaman ko sa kanya." Ngumiti ako at uminom ng tubig.

"Wag kang mag alala anak, kung hindi kayo para sa isa't isa.. Alam kong sa mundong ito, may nakalaan talaga na para sayo"
Sabi ni Mama na ikinatuwa kong tiningnan.

"Siguro nga, Ma" sabi ko at kumain na.

Seven thirty five ako natapos lahat lahat. Nagpaalam na ako sa pamilya ko at nagsimula ng maglakad.

Morning routine ko na talaga to eh. Para hindi na mapagastos.

Naglalakad ako nang may nag ring, at cellphone ko yon. Kaya naman kinuha ko sa bag at tiningnan ko.

Kumunot ang noo ko sa unknown number, ilang segundo kong tiningnan yon at ilang sandali'y naalala ko na sa kanya pala yong number na hindi naka saved sa contacts ko.

Huminga muna ako ng malalim at sinagot yon.

"Oh?" Sagot ko

"Wow. Hey, Hey, Miss beautiful! You mad at me?" Tanong niya

"Hindi Sir! Hindi! Masaya nga ako na tumawag ka eh." Sarkastikong sagot ko

"Really?" He chuckled

Boplaks talaga! Sino ba siya sa inaakala niya?

"Anong atin, Sir? Bakit napatawag ka?" Pang-iiba ko sa usapan dahil naiirita na naman ako.

"Hindi mo man lang tatanongin kung saan ko nakuha ang number mo?" Aniya

I rolled my eyes. "Hindi naman ako kasing boplaks mo, Sir"

"What? What do you mean by boplaks?" Tanong niya

"Wala Sir. Ang sabi ko, ikaw naman kasi ang pamangkin ng nagmamay-ari ng resort na pinagta-trabahoan ko. So, gets ko na kung saan mo nakuha" Paliwanag ko

"Ahh.. Hmm. Okay" He chuckled again

"May tanong ka pa ba Sir?"

"Saan ka na?" Aniya

Hanep! Kung maka tanong naman 'tong bakulaw na to, akala mo naman responsibilidad kong sabihin sa kanya ang mga pinag gagawa ko sa buhay.

"Papunta na sa resort, Sir" sagot ko sa kanya

LA COSTELLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon