Ito'y simpleng tula lamang
Para sa aking mga kaibigan
Nakilala tatlong buwan na nakakaraan
Sana'y inyo ito'ng magustuhanMagsimula tayo sa umpisa
Kung saan hindi pa kayo kilala
Tamang tweet lang ng nadarama
Para mailabas ang problemaHanggang sa may makita
Kaibigang di inaakala
Tamang concern lang ba
Sa sakit na kanyang iniindaPag-aalinlangan nung umpisa
Sapagkat buhay ko'y pribado pa
Gayunpaman ito'y aking sinubukan
Kahit pa walang kasiguraduhanNagpakilala at nagkakilanlan
Kahit pa hindi ito nakasanayan
Magkaroon ng grupong kinabibilangan
Sa buhay kong makabuluhanHindi nagtagal nagkaroon ng mga aktibidad
Para masukat ang mga abilidad
Halo-halong mga kakayahan
Ang ipinapakita sa bawat araw na nagdaraanSabi nga hindi maiiwasan
Pagsubok sa ating pagkakaibigan
May darating at may lilisan
Gayunpaman wala sanang iwananTatlong buwan na ating pagkakaibigan
Mga alaala'y kaysarap pa ring balikan
Kahit pa may hindi pagkaka unawaan
Laging tandaan nandito lang palagi sa'yong likuran