"Patawad"
Alam kong gasgas na ang salitang ito para sa'yo
Ngunit nais ko pa ring ipahayag at ulit-ulitin ang salitang "patawad"Patawad. Sa mga oras at araw na inaksaya ko noong ika'y nasa aking tabi.
Patawad. Sa pagpupursige mong aking isinawalang bahala.
Patawad. Hindi ko pansin ang nagsusumamo mong damdamin.
Patawad. Sa puso kong pilit sumusuway sa iyong pagsinta.
Patawad. Sa mga sakit na aking naidulot.
Patawad. Sa labis mong paghihirap.
Patawad. Ako pa ang minahal mo.
Patawad dahil manhid ako.Ramdam ko ang puso mong tumitibok, ngunit winasak ng damdamin kong pumupokpok.
Alam kong huli na ang lahat.
Batid kong pagsinta mo'y tuluyan nang naglaho dahil sa puso kong sintigas ng bato.Puso mong dating sabik na sabik,
Sa iba naibaling dahil sa bulag kong damdaminBawat pagpatak ng oras, sarili ang sinisisi
Dahil nakinig sa bulong ng isipLihim na pag-ibig, hindi naipadam
Puso ko ngayo'y, nangungulila sa dati mong pagsintaSigaw nitong damdamin, pakinggan.
Maniwala ka,
Minahal kita sa panahong hindi mo inakala.
BINABASA MO ANG
Poetries Compilation
PuisiTo those who feel love, having darkest moments, who wants to chase their dreams, seeking an inspiration and looking for hopes, this is all dedicated to you, sweetie. Language: English and Tagalog