Chapter 41: Ligaw?
Rue
WALA akong maintindihan.
'Yan ang paulit-ulit na sabi ng utak ko habang nagle-lecture si Miss Alaozon matapos kong matawag ang mga kaklase. Mabuti na lang at sumunod sa 'kin ang mga bubuyog na 'to. If they didn't, I will beat them like what I've done in my first day here in HA.
Pansin ko rin minsan napapadalas na ang pagpasok ng iba. Minsan kasi absent ang ibang bubuyog o 'di kaya nasa itaas-sa second floor natutulog.
Umugang muli ang upuan ko. Para akong nakaupo sa rocking chair ng isang matanda dahil sa ginagawa niya. Napapikit ako dahil sa inis. I know who's behind it. Kanina pa 'to. Hindi ako makapag-focus dahil sa bubuyog na nasa likuran ko. Ang kulit! Hindi ko siya kasi pinansin matapos 'yong...basta!
"Wen, palit tayo ng upuan. Please?" pakiusap kay Owen pero ang tarantado hindi ako pinansin.Namumuro na 'to ah? Hindi na nga niya ako pinakopya kanina. Ngumuso ako pero agad na ngumiti ng may naisip. Tingnan natin kung magmamatigas ka pa rito."Libre kita," sabi ko sa magic word. Alam Kong bibigay rin 'to, hindi ko siya titigilan.
Sabi ko na nga ba. Sa 'kin pa rin ang huling halakhak. Mukha siyang gripong awtomatikong napapihit sa direksyon ko. See? Magic word lang ang katapat. Libre lang malakas. Mukhang libre kasi 'tong mukha niya.
"Ano ba 'yon Rue? Libre mo 'ko ng pagkain ah? Walang bawian 'yan." Sabi niya. Excited pa ang loko. Kita mo 'to basta pagkain na ang pag-uusapan e.
"Palit nga kako tayo ng upuan." Ulit ko. Hindi na ako makapaghintay. Lipat na lipat na 'yong pwet ko sa upuan ni Owen. Ayoko na rito. Para na akong sinisindihan dito at kailangan ko ng makalipat sa lalong madaling panahon.
Tiningnan niya ako at dahan-dahang ipinihit ang ulo sa taong nasa likod ko.Rue don't looked back. Huwag! Agad siyang napalunok at umiba ang ekspresyon sa mukha niya. Nawala ang mga ngiting nakapaslak sa kanyang mukha kani-kanina lang. Ibinalik na niya ang tingin sa 'kin at ngumiti ng hilaw.
"He-he-he...kahit gusto ko ng libre mo Rue kaso...baka bigla akong maging baldado. Masira pa ang gwapo kong mukha," sabi nito habang napapakamot pa sa ulo. Sumulyap ulit ito sa likod ko sa ikalawang pagkakataon. "Sayang 'yong libre." Bulong niya pero rinig ng tenga ko 'yon.
Siniringan ko ng masamang tingin ang bubuyog na nasa likod ko. Alam kong palihim niya 'yong binantaan. Ugh! D*mn you Z. Bakit ba ayaw nilang suwayin ang kumag na 'to? Kasunod-sunod ba ang pagmumukha niya? Kahit na gwapo siya sasapakin ko talaga 'to. Kahit na...kahit na...
Bagsak ang balikat kong nilingon ang taong nakaupo sa kabila. He's my last resort para makaalis sa taenang upuan na 'to. Cyril was sitting there and doing something. Siguro naman mapapayag ko na 'to. Uto-uto pa naman 'to minsan. Kinalabit ko siya para makuha ang atensyon niya pero hindi ako pinansin. Patay malisya siyang nagsulat. Luh? Nagsusulat pala 'to?
"Uy." Kinulbit ko siyang muli but it's no use. He just ignored me.
Ano bang problema ng mga tao rito sa room namin?
Kinulbit ko siyang muli. "Cyril libre kita mamaya basta ba palit tayo ng upuan," diretsong sabi ko.
Kasing bilis ng hangin ang paglingon niya sa 'kin kaya napangisi ako.
"Sure ka?" Paninigurado nito at nakataas pa ang kilay. Sigurista rin ang isang 'to. Akala mo mabubudol kapag hindi nanigurado. Anong kala nito sa 'kin?
"Of course! Kaya sige na, dalian mo na. Palit na tayo," mabilis kong sabi sa kanya. Ayoko ng mahabang diskusyon ngayon kaya sasagot na lang ako ng diretso at hindi pabalang. Baka biglang umiba ang ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Teen Fiction(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...