Sa isang maliit na nayon nakatira ang isang masayahing babae. Rae ang pangalan nya, Rae stand for Rejoice Ave era, Haba diba, kaya nga rae nalang eh para maiksi lang astig pa.
Nag.iisang anak, sabi nila miracle child kaya nga Rejoice ang ipinangalan sa kanya saagkat nung isinilang siya sa mundong ito masayang masaya ang lahat ng kabilang sa pamilya niya.
Pinalaking may takot sa Diyos si rae, mabait at mapagmahal.
Sa pagdaan ng mga panahon nang nasa high school na si rae dumating ang malaking dagok sa buhay nila nagkasakit ang kanyang ama ng malubha kailangan itong maoperahan sa lalong madaling panahon.
Lumipas ang ilang buwan ay hinde pa din gumagaling ang kanyang ama, unti unti ng nauubos ang naipundar ng kanyang mga magulang hanggang sa napag desisyunan niyang makipag sapalaran sa maynila.
Nung una tutol ang mama niya ngunit wala din itong magawa dahil sa matinding pangangailangan nilang mag.ina.
Umalis si rae at nakapasok ng trabaho bilang isa sales lady sa isang malaking store sa maynila. Naranasan niyang hinde makakain ng umagahan pati tanghalian dahil sa trabahong pinasukan niya.
Sa gabi'y umiiyak nalang si rae gusto niyang umuwi ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa mama at papa niya.
Mga bagong karanasan ang nararansan ni rae sa murang edad ay para na siyang matanda kung mag.isip, ang katagang binibitawan sa tuwing nahihirapan siya ay "Para sa pamilya" at matinding paniniwala na ginagabayan siya ng Diyos sa bawat minuto ng kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Ikaw na ba talaga?
Historia CortaIto ay isang pangyayari kung kung saan makikita natin ang buhay ng isang babaeng naghahangad ng totoong pagmamahal sa taong matatawag niyang sa kanya talaga nakalaan at hinde bahagi lamang ng mga taong susubok sa kanya upang ipagpatuloy ang paghahan...