Chapter 29

367 8 0
                                    

YRRAH

"Stop smiling" sita ko kay Xian na kanina pa nakangiti.

Magmula kanina ay hindi na nawala ang ngiti nito lalo na kapag tumitingin sa akin.

"Im so happy. I can't stop it" ngiting tugon ni Xian habang nilalaro ang mga daliri ko na kanina niya pa hawak.

Nandito kami ngayon sa balcony ng bahay at nakaupo habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

"I miss LEU" sabi ko bigla.

"Bakit naman?"

"Prinsesa ako dun e" natatawa kong sabi habang inaalala ang mga pagkakataon na feeling ko ay isa talaga akong prinsesa dahil sa LEU.

"Pero para sakin ay isa kang reyna. Not in LEU, but in my life"

Napangiwi ako sa sinabi ni Xian. Bakit parang ang corny ng pagkakasabi niyang yun?

"Corny ba?"

"Wag ka ng bumanat. Hindi bagay sayo" sabi ko na tinawanan lang niya.

Habang nakatingin sa langit ay may naalala akong itanong kay Xian.

"Kailan tayo aalis dito?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanya

"Xian"

"Honestly, hindi ko alam. My original plan is to stay here with you for a week. Pero ngayon hindi ko na alam kung kailan. Parang ayoko nang umalis sa islang to"

"But we need to go back"

"I know. It's just that, i don't want to stay away with you again" ani Xian at lalo pang hinigpitan ang kamay niya na nakahawak sakin.

"Magagalit si Kuya Yohan kapag nalaman niya to"

"I will talk to him, don't worry"

"How about your parents?"

"They won't say a thing. Believe me Yrrah, they are the most understanding parents ever"

Ngumiti ako sa sinabi ni Xian. Kailan ko kaya makikilala ang parents niya? Magugustuhan kaya nila ako kung sakali?

Muli kaming natahimik ni Xian kaya marahan kong isinandal ang ulo ko balikat niya nang makarandam ako ng antok.

"Inaantok na ko Xian"

"Okay. Let's sleep"

Tumayo na kami at naglakad papunta sa kwarto ko. Akala ko ay hindi ako hahayaan ni Xian na matulog mag isa, pero dahil isang gentleman si Xian ay isang halik sa noo lang ang ibinigay niya sakin bago ako pinapasok sa kwarto.

"Goodnight Yrrah"

"Goodnight" ngumiti pa ko sa kanya bago tuluyang isinara ang kwarto. At halos magtatalon ako sa kama ko dahil sa nangyari. Why so fast?!

Masyadong kang marupok Yrrah!
Ipinagluto ka lang bumigay kana agad! Hindi kaya nilagyan ng gayuma ni Xian ang niluto nito kaya napa oo ako ng wala sa oras?

Sinabunutan ko ang sarili ko habang nakasubsob ang mukha ko sa unan.

Ano na lang ang itatawag sakin? Kabit?

Naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko maiwasan na mapangiti, ngayon lang ulit ako nakarandam ng ganitong pakirandam, ang kiligin ng husto. And Xian is the only man who can make my heart flutter like this.

Sa ngayon ay hindi ko muna iisipin ang iba, si Xian muna.

Habang nandito kami sa islang ito ay kami muna. Hindi ko muna iintindihin ang ibang tao. Hahayaan ko muna ang sarili ko na maging marupok at maging masaya sa piling ni Xian.

Dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na namalayan na unti unti na akong nakatulog.

"Yrrah" boses ni Xian ang gumising sa akin kinabukasan. Halatang bagong ligo ito habang nakangiting nakadungaw sa mukha ko.

Pakirandam ko ay nanaginip ako kaya hinayaan ko ang kamay ko na hawakan ang buhok ni Xian na medyo basa pa.

"Good morning Yrrah" nakangiting sabi ni Xian na mukhang natutuwa sa ginawa kong paghawak sa buhok niya.

Kumunot ang noo ko at parang doon lang nagising ang katawang lupa ko kaya kaagad akong napabangon.

Shit! Akala ko nanaginip lang ako na nasa harapan ko si Xian.

"Let's eat. Nagluto na ako ng breakfast natin"

Tumango lang ako habang pilit na tinatakpan ang mukha kong alam ko na pulang pula na sa hiya. Ano na lang ba ang itsura ko kaninang nakita niya akong natutulog? I can not imagine, baka tulo laway pa ko.

"Hihintayin kita sa kusina" ani Xian at lumabas na.

Ako naman ay mabilis na dumiretso sa banyo at tinignan ang itsura ko. At napahinga ako ng maluwag nang makita kong wala naman akong nakitang bakas ng laway.

Pagdating ko sa kusina ay nakahanda na nga ang almusal at ako na lang ang hinihintay ni Xian.

"Good morning" nakangiti kong bati kay Xian at naupo sa tabi niya. At hindi ko na naman inasahan ang ginawa nitong biglang paghalik sa pisngi ko.

"Sana ikaw ang una kong makikita lagi sa umaga" ani Xian na hindi na ata nawala ng ngiti sa labi.

I'm speechless. Hindi naman ganito ka sweet si Xian dati. What happened to the Xian Laxamana i know? Nagugulat na lang ako bigla sa mga ginagawa niya.

Habang kumakain ay pinag usapan namin ang tungkol sa buhay ng mga school royalties ng LEU noon.

Sina Evans, Scott at Lance ay nanatiling mga kaibigan ni Xian. Sa Laxamana corporation pa nga nag trabaho si Evans bilang isang vice president.

Just like Kyle and Adrian, magkaibigan pa din kahit ilang taon na ang lumipas.

"How about you and Faye? Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung matagal na ba silang magkakilala.

"Two years ago. Kasama siya ng parents niya sa isang gathering."

"Naging kayo, pagkatapos nag proposed ka sa kanya?" Mapait kong tanong.

"No. I didn't proposed. Basta nangyari lang na kami na at engage na kami" hindi ako makapaniwala. Ganun na ba kadali ngayon ang pagpapakasal? Ni hindi man lang siya nag proposed at ikakasal na sila agad?

"Ang gulo naman nun" sabi ko habang nakakunot noo.

"Ipapaliwanag ko din sayo ang lahat. Just give me time to fix this. I will fix this, i promise" binitawan ni Xian ang hawak niyang kutsara at hinawakan ang kamay ko.

Of course I trust him. Dahil pinili kong pagkatiwalaan siya.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako susugal. Susugal na ang nakataya ay ang puso ko. At dahil nakataya na ko, wala na akong ibang magagawa kung hindi ang pagkatiwalaan ang sinasabi ni Xian.

Ang hindi ko lang alam ay kung ano na ang gagawin ko sa oras na bumalik na kami at makita namin si Faye, kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa sa oras na magkaharap harap na kami.

**

Hazlyn Styles

School Royalties (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon