ika-tatlumpong kabanata

160 4 2
                                    

Nasa Pambabae Akong Eskwelahan

Ang pagtatapos.

---------

         Gagraduate din tayo! At sa pagkakataong magkasabay tayong grumaduate sisiguraduhin kong mas masaya pa dito o mas malapit sa kasiyahan nila ang magiging kasiyahan natin Rhea. ^___^

----------

Zen Me Ban

 

Rosalia Lynna’s PoV

Matapos ang araw na iyon, hindi na ako muli pang nakausap. Umiwas ako kay Wendly na tumagal din ng isang linggo. Hanggang sa lumipat sa room ko si Rhianna, halatang malungkot at nagsisisi. Samantalang ng magtagpo ang mata nila ni Wendyl ay agad na galit ang nakita ko sa mukha ng lalaking mahal ko.

“Bakit mo ginawa iyon! Alam mong gagawin ni Al ang lahat maprotektahan at mahalin ka lang! Ngayon lang nagmahal ang totoong Al kaya bakit! Bakit mo sya sinaktan!” Punong-puno ng emosyon ang pagkakasabi nya noon. Lahat ng naipong galit mula ng magising sya ay nakita ko sa emosyon nya.

Kahit siguro ang galit nya sa akin dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya ay naroon na rin.

“Wendyl, tama na.” Hinawakan ko ang braso nya at agad naman nyang pinalis iyon ng kabila nyang kamay. Ang bigat ng kamay nya at pakiramdam ko hindi ko madaling maigagalaw ang kamay ko dahil doon pero nagkunot lang ako ng noo na ipinapakita ang pag-aalala ko.

“Wala kang alam! Alam mo ba na hirap na hirap ngayon ang kaibigan ko! Pumunta kami dito para makita kayo tapos ano? Ganito! Masasaktan lang sya ng husto! At ikaw! Alam mong nasasaktan ang mga kaibigan mo pero wala kang ginagawa! Hindi mo ako pinansin ng buong isang linggo, hindi mo ba alam kung gaano iyon kasakit para sa akin ha?! RO!!” doon nya inilabas ang galit nya sa akin pati na rin ang pag-agos ng kanyang luha.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tumulo na rin ang aking mga luha. Ang sakit na makita ang taong mahal mo na umiiyak. Narinig kong mga lalaki lang ang nakakaramdam ng ganito dahil iyakin ang mga babae pero si Wendyl iba sya. Sya yung palagi kong napapaiyak. Naiisip ko tuloy na ako talaga ang lalaki at sya ang babae. Kung pwedeng ganoon na lang e di sana... sana.... hindi ako makakasal sa taong hindi ko naman dapat pakasalan.

“Naiintindihan ko si Rhianna!” Bulyaw ko. Agad naman akong pinigilan ni Rhianna.

“Huwag na Ro. Alam mong makakasama sa relasyon nyo yan. Huwag mo na akong gayahin pa!” Mabilis na pagkakasabi nya.

“Hindi. Kailangan nyang malaman.” sagot ko naman.

“Malaman ang ano?” tanong nya at sandali kaming natahimik.

Pinunasan ko ang aking luha bago ako tumingin sa mga mata nya. Mga matang palaging nakangiti lalo na kapag balak nya akong patawanin. Napaabilis ng mga pangyayari sa aming buhay at nabitin ako para sa taong ito pero wala na akong magagawa dahil kailangan. Kailangan nyang malaman. Kung anong gagawin nya, nasa kanya na iyon.

“Tuloy ang kasal ko... kay James Patrick.”

Walang reaksyon. Walang emosyon. Basta na lang sya tumalikod at kinuha ang maleta nya. Nakalagay na doon ang lahat ng gamit nya. Walang kahit isang natira. Lumakad sya patungo sa pintuan. Gusto ko syang pigilan. Gusto ko syang manatili sa piling ko.....

..... pero hindi gumalaw ang mga paa ko. Parang slomotion ang pagbukas at pagsara ng pintuan kasabay ng pagluhod ko sa florring ng kwarto at pagtulo muli ng mga luha ko.

Agad akong niyakap ni Rhianna. Umiiyak na rin sya. “Bakit kailangan nating masaktan ng ganito, Ro?” sabi nya habang humihikbi.

“H-Hindi ko ‘to gusto.” Iyak ko rin at nakatulog kami ng may mabigat na damdamin.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon