Chapter 23

245 13 0
                                    

Lance's POV

Buo na ang desisyon ko. Ngayon ang araw na pipili ako sa pagitan ni Kate at Steph. Last night I had a very nice dream. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti pag naaalala ko ang tungkol sa panaginip ko. Nang makabalik kami ni Kate dito sa villa ay nagtungo muna ako sa vacation house. Tumawag kasi si Mike at sinabi niya na nandito na ang titulo ng lupa na nabili ko. Kailangan kong makipagkita sa representative na sinasabi ni Mike na ngayon ay nasa vacation house na tinutuluyan namin.

"Lance."

Natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Steph. Bakas sa mga mata niya na kulang siya sa tulog.

"Anong ginawa mo kagabi? Magdamag kitang hinintay dito pero hindi ka na dumating." Sabi niya. Makikita ang lungkot sa mukha niya.

"I'm sorry Steph. Ang totoo niyan may gusto sana akong sabihin sayo. You know I always want you to be happy. Mahalaga ka saakin. And I always want what's best for you. But -"

"But I'm not the one you love. Yan ba ang gusto mong sabihin Lance?"

"I'm really sorry Steph. I don't know how to make you feel better. Ang totoo niyan gusto kita pero iba ang taong mahal ko."

Damn! I am such a jerk!
I hate it when I see someone getting hurt because of me. Pero mas magiging masakit para kay Steph kung aasa lang siya sa wala. Kaya mas mabuti ng masaktan ko siya ngayon. Kasi alam kong nagsasabi ako ng totoong damdamin ko. Matanggap man niya o hindi ay buo na ang desisyon ko.

"Bakit Lance? Akala ko ba ako na ulit? Ako naman yung nauna diba? Tayo naman yung unang nagkakilala." Unti unti nang tumutulo ang luha sa mga mata niya. At dahil don nakonsensya ako.

"Ako yung una mong minahal Lance. Oo kasalanan ko na iniwan kita noon. Pero bumalik naman ako eh. Nandito na ko ulit. At narealize ko na ikaw lang talaga ang lalaking minahal ko noon hanggang ngayon." Sabi niya habang umiiyak.

"Steph una kitang minahal. At may puwang ka na sa puso ko. Inaamin ko na nasaktan ako noon dahil hindi mo pinansin ang nararamdam ko sayo. Pero Steph nakaraan na yon. I don't want to lie to you. You know you're always been my bestfriend."

"Bestfriend? Yon lang talaga ako para sayo? Isang kaibigan lang? Paano yung feelings ko Lance? Hindi na kita tinuring pa bilang isang bestfriend lang simula ng gabing hinalikan mo ako. I can't go back to just being friends Lance. I can't do that now."

"It's fine. Kung hindi mo pa matanggap sa ngayon ay ayos lang. I hope someday you will find the right guy who will love you. And that guy is not me Steph. I'm sorry."

Masakit para saakin na makita siyang ganito. Alam kong masasaktan ko siya. Pero hindi ko inakala na masasaktan din ako sa gagawin ko. Seeing her cry hurts me.

"Si Kate na ba ulit? Siya na ba ang mahal mo?"

Tumango ako. I don't know how or why I love her. She's just an ordinary girl that I recently knew. I forgot everything about her. But my heart knew who she is.

"Kate is my girlfriend. Kahit na nakalimutan ko siya hindi ko ikakaila na may nararamdaman na ako para sakanya. At first I'm just confused. Pero habang nakakasama ko siya mas lalo ko lang napapatunayan na mahal ko siya. Hindi ko gusto na saktan ka Steph. Pero sa pagitan niyong dalawa si Kate ang mahal ko at hindi ikaw."

I hate myself for hurting someone so special to me. Aaminin ko na hindi madali para kay Steph na marinig ang mga sinasabi ko. She's been hurt so many times by her own family. And now I also do the same to her.

"Nagawa ka na nga niyang iwan noon Lance. Nagmukha ka ng tanga kakahintay sakanya pero hindi siya dumating sa-"

She suddenly stop. Napahawak siya sa bibig niya habang umiiyak.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon