"Oi iroog!" Inangat ko ang ulo ko para samaan sya ng tingin. Kanina pa sya nang gugulo sakin, hindi ako makafocus sa binabasa ko. Nandito kami sa library. Actually mag-isa talaga ako kanina mga 20 minutes matiwasay pa akong nakakabasa ngayon hindi na. Bukas na kasi yung exams namin, since last week pa ko nagsta-study. Mahirap na ayoko pa namang pumalya.
"Go away, Rendo. Wala ka bang balak mag-review?"tanong ko sa kanya bago ibinalik ang tingin ko sa notes ko.
"Hmm. Tapos na ko"
Napataas ang kilay ko sa narinig. "Talaga lang ha"may pagdududa kong sabi.
"Ouch. Nakakahurt ka naman irog. Tutungtong ba ko ng 4th year kung di ako nag aaral ng matino?"napaisip naman ako. Well, may point sya. Napatango na lang ako.
"Okay"
"May tanong pala ako"
"Shoot"maikling sabi ko.
"Kelan mo ko sasagutin?" I stop reading after hearing his question. I raised my head and stare at him. I gave him my confused look.
"Aren't we in a relationship already?" I confusedly ask him back. Pinagmasdan ko ang muka nya at mukang nagulat sya sa sinabi ko.
"W-what? Seryoso ka?"
"Huh? I'm not really good at words, Rendo."
"Kelan pa naging tayo?"tanong nya sakin. Napaisip naman ako. Kelan ba?
"Like two months ago?"di ko siguradong sagot ko sa kanya.
"Ganun na katagal?"gulat nyang tanong. Napatayo pa sya kaya maraming napatingin sa pwesto naming dalawa. Sinenyasan ko syang umupo ulit.
"Hindi tayo nakapag monthsary"parang lutang nyang sabi. Mahina akong natawa sa sinabi nya.
"Don't worry. Marami pa namang months na darating"sabi ko na lang at binalik ang atensyon ko sa pagbabasa.
-----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Blanko (Mabunga Boys Series #2)
Ficção AdolescenteEpistolary Novel Rendo Asuncion: Ako'y naba-blanko sa tuwing ika'y aking nasisilayan