19.Ang laro

345 4 3
                                    

"Sino ka?Sino kayo?"

Ang unang katanungang umalpas sa namamaos na boses ni Amora.

Nakakita sa siya ng dalawang Adonis sa loob ng silid.Isang magtatangka palang na lumabas at isang nakatayo at nakatanaw sa malaking bintana sa loob ng kwarto.

Wala kaagad na sumagot sa kanya kaya naisipan niya uling magtanong.

"Sino kayo?At bakit ako narito?"

"Nagpapahinga ka.'Mabuti't nagising kana."
Sabi sa kanya ng lalaking nakatayo sa malapit sa bintana ng marangyang silid na iyon.

Lalong naguluhan ang dalaga.
"H-Hindi kita kilala."

"Ano'ng nangyayari sa iyo?"
Sa halip na sagutin siya ng lalaki'y lalo pa nitong pinagulo ang isip niya.Biglaan ang pagsulyap niya sa lalaking nasa pinto.Ngunit bigo siyang mahuli ang mga mata nitong hindi sa kanya naka focus ang atensiyon kung hindi sa lalaki ring nagsalita kanina lang.

"Kamusta kana?Maayos naba ang pakiramdam mo?Wala nabang masakit sa iyo?"

Tanong ng lalaking kanikanina lang ay nakatayo malayo sa kanya at ngayon naman ay nakalapit na pala kaagad sa kanya.

"Anong-?"
Tanong parin niya rito.

"Bakit kaba nagkakaganyan?Kanina lang ay masaya tayong bumabiyahe papunta rito?
Galing ka ng ospital at sabi nila'y ok kana kaya kita iniuwi na rito sa bahay."

"Pero hindi ko alam!"
Sagot parin niya sa lalaki.

"Ang alin ang hindi mo alam?"

"Wala akong alam,wala akong natatandaan,hindi kita kilala!kayo!"
Pinatungkulan niya narin ang lalaking kanina sana'y palabas na.

"Pakitawag mo nga si Manang at papuntahin mo rito tol"

Sabi rito ng lalaki at tila atubili pang tumingin sa kanya bago lumabas.

"Anong nangyari?Sino ka?S-Sino ako?"
Blanko ang kanyang utak at gulong gulo sa mga nangyayari.

"Ikaw si Amor at ako ang asawa mo,si Graham,ano ba ang nangyayari sa iyo hon?"

"A-Asawa kita?May asawa na ako?"

Ngumisi ang lalaking sinasabing asawa raw niya at nakaramdam siya ng pagkailang.

"Halika rito."
Pagkasabi niyon ay kinipit siya nito at hinaplos haplos ang kanyang ulo.
"Saan ang masakit?dito ba?Siguro'y dapat ka uling makita ng doctor baka may naapektuhan sa iyo.

Matigas pa sa bato ang dalaga.Bakit parang mayroong mali sa pakiramdam niya sa pagkakadikit sa lalaki?Bakit parang ngayon lang sila nito nagkaroon ng ganoong sitwasiyon?

"Kailan tayo ikinasal?"
Tanong niyang pabigla rito at bahagyang lumayo sa lalaki.

"June 10 nuong nakaraang taon pa."

"Bakit hindi ko matandaang may asawa at ikinasal na ako?"

"I think there's something wrong with you,dapat ka talagang makita ng doctor."

Hindi alam ng dalaga na unti unti na siyang nauupos at parang gustong umiyak dahil sa kawalan ng magagawa.

"Huuussshh,huwag kang matakot narito lang ako."

Kinabig siyang muli ng lalaki,doon siya nagpaubaya,dahil narin sa kawalang makakapitan.

.

"Anong palabas iyon?"

Nagkibit balikat si Graham bago sumagot sa tanong ni Alech.

"Umaayon ang sitwasiyon.Sana'y intindihin mo nalang ako pare."

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon