Chapter Three
Alam niyo ang mahirap sa pagiging fangirl o fanboy?
Yung tipong kahit anong gawin mo hindi mo maiwasang mainggit ss mga taong may album , may lightstick, at may mga karanasan sa totoong concert.
Yung kahit ilang beses mong pagsabihan ang sarili mo, kahit ilang beses mong itatak sa isip na dapat ay makuntento tayo sa kung anong merom tayo ay hindi sapat.
Sounds immatured pero iyon ang totoo...yung tipong naiingit ka sa kung anong meron sila na wala ka.
Part of growing up 'yon diba? Part na din 'yon ng pagiging matured mo as a fan.
"Hoy, Elle!" Napalingon ako sa kapit-bahay kong plastick.
"Oh?"
"Tignan mo 'to." Nanlaki ang aking mata sa aking nakita.
"Hala, lightstick?!" Gulat kong saad.
"Oo!" Ani niya.
"Saan mo nakuha, bakla?" Tanong ko.
"Sa kaklase ko 'yan, pinadala ko para makita mo." Gusto ko sanang matuwa kaso parang nang-iinsulto lamang siya.
"Seryoso ka ba?"
"Oo naman, concern nga ako sa'yo eh! Tignan mo, pinilit ko pang ipadala sa kaniya para makita mo ng personal ang lightstick na ito."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.
"Dapat ba akong magpasalamat?" Sarkastiko kong saad.
"Oo naman, bakla! Ah-ah! Matapos kong pilitin si Bea na dalhin ito. Hindi mo ako papasalamatan?"
Ngumiti ako ng plastik. "Salamat, Arnesto."
"It's Anias! Not Arnesto—eww." Ngumisi lang ako at hindi na sumagot, akmang lalakad na ako papa-alis nang...
"Bakla, alam mo ba? Kumpleto daw ng album si Bea no'ng paborito mong banda." Natigilan ako.
Edi sana all.
Enjoy siya sa album, may music naman ako...puwede din ako magpatugtog tapos magpapa-print na lang akong pictures. Nasa google at pinterest naman 'yon.
BINABASA MO ANG
A FanGirl's Point of View☑
Teen FictionAno nga ba ang buhay ng isang FanGirl, tuklasin kasama si Elle. Ps: Short Chapters