Chapter 07

3 1 0
                                    

Chapter Seven

Naranasan niyo na ba yung tipong may kailangan kayong tapusin pero pina-prioritize niyo yung mga funny moments ng idols niyo?

Kung Oo ulit.

Apir, patunay na adik na talaga tayo.



Teacher: Bukas na ang deadline.

Korina: seryoso miss?

Teacher: Mukha ba akong nagbibiro?

Jessica: Miss, ayos lang. Matagal nanaman po noong binigay niyo 'yan.

Napairap ako, habang binabasa ang chat nila sa Group Chat. Kahit kailan talaga ay pabibo ang Jessica na iyon.

"Hoy, Ate Elle?" Napa-angat ako ng tingin sa aking kapatid.

"Oh? Problema mo?"

"Yung deadline no'ng module mo, bukas na daw. Kung tapos ka na daw sabi ni Nanay?" Napatayo ako ng maalala ko ang aking module.

"Yari ka! Hindi ka pa pala tapos." Ani niya at tumawa.

Dali-dali kong hinanap sa aking bag ang module. Syempre habang hinahanap ako hawak-hawak ko yung cellphone ko at naka play ang mga funny moments.

Nang makuha ko na ito, ay pinalayas ko ang aking kapatid para makapag-aral ako ng ayos.

Ngunit sa huli... funny moments nila ang nanalo.

Mahal kita module, pero mas mahal ko sila. Sorry ah, godbless.

A FanGirl's Point of View☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon