💙PROLOGUE💙

9 4 0
                                    

Hello mga kaflakt flakt prologue is up.

ENJOYY..!

THE THIRD PERSON'S POV


Sya si Alexandria Narise isang dalaga na may kakaibang ganda na sa ibang tao hindi mo makikita.


Siya'y nagtataglay ng mapupungay na mata,matangos na ilong,magagandang balat,at sa katamtamang tangkad.


Sa gulang na pito marami ng paghihirap na naranasan ni Narise sa kamay ng kanyang tiyahin,kung saan sya iniwan ng kanyang ina,Para magtrabaho sa ibang bansa,pero balibalita na nag-asawa at bumuo na ng sariling pamilya ang kanyang ina,at tuluyan ng hindi kinilala o binalikan si Narise,At ngayon dalaga na sya.


Madami syang pangarap sa buhay,isa na don ang pagiging princesa.


Nagpapakahirap sya at nagtitiis sa kanyang tiyahin at mga pinsan nyang maldita.


Umiiyak sya gabi gabi at laging tinatanong sa sarili kung bakit sya pa.Pero sa paggising nya ng umaga lalaban at lalaban sya para sa kanyang mga pangarap.

A/N:Para saan ka bumabangon:v

"NARISE!!"sigaw ni Savanah.Ang panganay na anak ng kanyang tiyahin.


"PO!"balik na sigaw ni narise.


At nagtatakbo takbo sya papuntang silid ng magkapatid,naabutan nya ang dalawang magkapatid na naka higa sa kani kanilang kama na laging pinapangarap ni narise na mahigaan.


"Ikuha mo naman ako ng tubig narise"malumanay pero may halong awtoridad sa boses ng panganay,na si savanah.


Bilis bilis syang tumakbo papuntang kusina,wala na siyang pakeelam kung madapa sya basta wag syang mapagalitan ng magkapatid.


Mahalaga din sakanya ang bawat minutong lumilipas.


Ayaw magsumbong ni narise sa kahit sino na pinapahirapan sya ng kanyang tiyahin.


Dahil kahit ganon ayaw din nyang masaktan ang kanyang tiyahin.


Isa din yong kaugalian nya na,nagustuhan ng mga kalalakihan.


Madaming nanliligaw sa kanya pero ni isa wala siyang nagustuhan dahil sa isang kaharian nya gustong makita ang tunay nyang mamahalin.


"Ate ito na po yung tubig"malumanay na sagot ni narise kay savanah dahil mas matanda ang panganay ng dalawang taon kay narise.


Kaya kahit ganoon sila nirerespeto parin nya ang magkapatid na maldita.


"Liara...Savanah andito na si mommy ang mga anak ko asan sila"sigaw ng tiyahin ni narise sa baba ng bahay.



Pinagmamasdan ni Narise ang tuwang tuwang si liara dahil meron na naman syang bagong damit.


Pag umuuwi galing sa trabaho ang kanuang tiyahin,palaging may pasalubong ang magkapatid,tanging si narise lang ang hindi nya binibigyan.


Ni isang butil ng tsokolate o kahit ano wala syang natatangkap mula sa kanyang tiyahin.


Nung sya'y bata pa,kalaro nya si liara ang bunsong kapatid ni savanah pero nung siyay nagdalaga,kinausap noon ni savanah na layuan si narise dahil isa syang ulila at walang pinag aralan.



Kung tutuusin magaling sa english si narise dahil tinuruan sya ni liara nong mga bata pa sila.



"Oh Narise anong tinutunga-tunganga mo diyan...magluto kana gutom na kami"galit na sigaw ng tiyahin nya.



"Aliss!"sigaw na sabi ni liara.



Walang nagawa si Narise kundi magluto,hindi na nya nagawang magreklamo dahil sanay na sya sa gawaing bahay.


Uupo na sana siya sa hapag ng ilayo ni savanah ang upuan sa kanya.


"What are you doing?"sarcastikong saad ni liara.


Wala nalang nagawa si narise kundi lumabas nang bahay at magpahangin.


Tinatanaw nya ang mga nag gagandahang bituin sa kalangitan.


Umagaw sa atensyon nya ang dalawang magkalapit na bituin na akala moy pinaglalapit ng tadhana.


Sa isip-isip ni narise kailan kaya sya makakatagpo na tunay na pagibig.


Disclaimer:yung mga mababanggit po is imagination ko lang,at kung may pagkaparehas po sa ibang storya wala po akong intensiyong gayahin.


Please bare with me.

𝓜𝓪𝓰𝓲𝓬𝓪𝓵𝓵𝔂 𝓲𝓷 𝓨𝓮𝓵𝓵𝓸𝔀 𝓭𝓻𝓮𝓼𝓼Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon