Chapter 25: So Soft
Alas singko na nang hapon at kasama ko ngayon si Zachary papuntang mall para bumili ng mga kakailanganin namin para sa project. Alam kong tatakas yung dalawa kaya sinabihan ko na sila kanina na kapag di sila gagawa ng presentation ay lagot sila sa akin. Kaagad naman silang tumango at magsisimula na raw sila gumawa mamayang gabi.
Napailing na lamang ako. Di na ako magtataka kung ito ang kauna unahang activity na gagawa sila. I mean, pwede silang di gumawa kasi mataas naman ang katungkulan nila pero napaka unfair non. I don't like people using their power for their own entertainment.
Si Shaun naman ay kaagad na umalis pagkatapos ng klase kay Ma'am Serafino kanina at hindi na bumalik. Student Council President pa naman siya pero siya yung nagto-tolerate sa mga estudyante na mag cutting.
Nang papasok na kami sa mall ay nag bow muna yung dalawang guards kay Zachary bago kami pinagbuksan ng pinto. Tinanguan lang sila ni Zachary at sabay na kaming pumasok sa loob.
Di na lamang ako umimik habang nasa likod lang ako ni Zachary. First time kong pumasok dito sa mall ng Sylvian High. Napakalaki nito. Parang mas malaki pa ata eto kesa sa mga mall na napuntahan ko.
Pumasok kami sa isang elevator. Kaagad naman gumilid ang tatlong babaeng nasa loob at halos magsiksikan na para lamang bigyan kami ng space. Pinindot naman ni Zachary ang 2nd floor. I even heard the three giggled.
Nang nasa 2nd floor na kami ay nauna na akong lumabas bago si Zachary. Pasara na sana ang pinto nang elevator nang marinig ko ang sinabi ng isa.
'Gwapo talaga ni Zachary hihihi'
Sumunod na ako kay Zachary na nauna na palang naglakad sa akin. Huminto siya sa isang boutique at kaagad na pumasok doon.
Kaagad na bumili kami ng buto. Di rin kami nagtagal at lumabas na ng boutique. Tamang tamang nasa pinto na kami ay kaagad akong napalingon sa kaliwang bahagi ng pintuan sa labas.
"What took you so long?" isang tanong kaagad ang ibinungad niya sa amin.
"Shaun! Why are you here?" tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagkibit balikat. "Am I not allowed to be in here?"
"I thought you have something to do, Shaun?" tanong ni Zachary sa kaniya.
Bagot lang siyang tinignan ni Shaun. "Yeah right. I just came here to ease my mind pero tila parang mas lalong sumakit ang ulo ko" inirapan niya kami at nilagpasan lang.
Sabay kaming napatingin ni Zachary kay Shaun na ngayon ay naglalakad na palayo sa amin.
"Ano naman gagawin non dito" pabulong na tanong ni Zachary sa kaniyang sarili.
Naglakad na kami palabas nang mall at dumiretso na sa harap ng dorm ng mga babae. Tulad kanina ay nag bow ang guard kay Zachary na tinanguan lang niya.
"Mauna na ako" paalam ko sa kaniya.
"Yeah sure. Bye" aniya. Ngumiti lamang ako at pumasok na sa loob ng dorm.
Nang nasa floor na ako ay kaagad akong lumabas ng elevator at naglakad papuntang dorm ko. Di katagalan ay may nakita akong isang lalaking nakasandal sa gilid ng pinto ng dorm ko. Naka-cross arms siya at nakayuko na tila natutulog.
Tumaas ang aking kilay. What the heck is he doing here?
Tamad niyang ibinuka ang mga mata ng mapansing may tao. Iginala niya ang tingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay.
"What? Aren't you going to let me in?" tamad niyang tanong.
"What are you doing here, Shaun?" kaagad kong tanong sa kaniya.
YOU ARE READING
Sylvian High: School for Underground Society ✔
AcciónAs the reigning top assassin, Keira Donquixote was given the most difficult task she has ever done before-that is to be a spy and seek information to the Darshall's. Ever since her family doubted the Darshall's loyalty to them, she was sent to Sylv...