Simula

1 0 0
                                    

Bago paman mag simula ang lahat may tatlong bagay na palutang lutang sa kawalan, ang kwintas ng oras , singsing ng kapalaran  at ang kalasag ng tadhana.

Kwintas ng oras na kung saan may kakayahang kontrolin ang espasyo at oras, singsing ng kapalaran na mag kakayahang baguhin ang katotohanan, at ang kalasag ng tadhana na may kakayahang balikuin ang tadhana.

Sa ilang bilyong taon sa kawalan ng tatlong bagay na ito, isang araw naisipan nilang bumuo ng maaaring mag aliw sa kanila.

Isang daigdig na puno ng mga ibat ibang nilalang, ibat ibang ugali at ibat ibang pananaw, bumuo sila ng daigdig na puno ng mga makakapangyarihang nilalang na kaya nilang kontrolin.

Si kwintas ng oras ang buo ng espasyo na pag lalagyan ng mga nilalang na kanilang gagawin.

Si singsing ng kapalaran na kung saan bumuo ng mga nilalang na maaaring makatulong sakanila sa pag buo mula sa kawalan, ginawa nya ang singsing ng limang elemento, apoy, tubig, puno, metal, hangin.

Si kalasag ng tadhana ang bumuo ng mga batas na kailangan nila para mapasunod ang mga nilalang na kanilang gagawin.

Sa loob ng isang araw natapos nila ang kanilang mga kailangan gawin, sa pangalawang araw ay nabuo nila ang unang nilalang na lumakad sa mundong ginawa ng limang elementong singsing.

Sa loob ng tatlong araw napuno ng ibat ibang nilalang ang mundong kanilang ginawa, at masayang pinanuod ng tatlong bagay ang pagtaas ng estado ng pamumuhay ng mga nilalang na kanilang ginawa.

Ngunit makalipas ang sampung libong taon nag simula ang pag kakaroon ng malawakang digmaan ng mga nilalang.

Nahati rin sa apat na grupo ang mga ito, ang mga mahihiwagang nilalang na nakikiisa sa kagubatan enk, ang mga nilalang na naniniwala sa dyos ng araw at apoy Demis, ang mga nilalang na naniniwala sa dyos ng lahat, dyos ng pag gawa Humn, ang mga nilalang na nag mula sa kawalan Khala.

Sa digmaan na ito nag kampiha ang mga Dems at Khala laban sa Humn, habang ang mga enk ay nanatiling walang pinapanigan,

Dahil dito nagalit ang tatlong bagay at sinubukang sirain ang kanilang ginawang mga nilalang, katulong ng limang elementong singsing ay hinati nila ang espasyo sa limang bahagi upang hindi na sila mag simula ng digmaan.

At dahil dito nalaman ng mga nilalang na ginawa nila na may mas malakas pang kapangyarihan bukod sa kanilang mga kakayahan, at dahil sa kasakiman nag kampihan ang apat na grupo upang subukang agawin ang mga kapangyariha mula sa mga bagay na lumikha sakanila.

Makalipas ang ilang libong taon ng pag subok na pag aagaw ng kapangyarihan mula sa lumikha sakanila tuluyang natalo ang mga nilalang, ngunit sakanilang pag katalo ay kasabay na pag ka wala ng tatlong bagay na lumikha sakanila, walang nakakaalam kung saan napunta ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Steph in the school of regulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon