Jezzia's POV
Masayang masaya ako habang naglalakad ako ngayon pa uwi sa amen. Hmmm? Madami akong ikwekwento kay Mama. Madami den kasing nangyari sa first day of school ko sa MIS. Madami akong nakilalang mga bagong tao, madami den akong naging bagong kaibigan.
Habang naglalakad ako sa tabing kalsada habang pa ngiti ngiti ay nakita ko si Mama na may bitbit na basket. Hmmm? Mukhang mamamalingke ata sya. Sumama kayo ako?
"Mama!". Sigaw ko kay Mama. Sa kabilang linya kasi sya. Kumaway pa ako para mapansin nya. Di naman ako nabigo dahil agad nya akong napansin.
"Anak!". Sigaw nya sa aken. Kumaway naman saken si Mama. Sa sobrang excited ko ay tumawid ako sa kalsada pero nagulat ako ng sumigaw si Mama ng— "Nak!". Di ko na alam ang sunod na nangyari. Ang naramdaman ko lang ay may tumulak sa akin at bumagsak ako sa kalsada and everything went black.
"KASALAN MO KUNG BAKIT NA DISGRASYA ANG NANAY MO!"
"KASALANAN MO!"
Hindi..
"KASALANAN MO JEZZIA!"
Hindi...
"KASALANAN MO!"
"HINDIIIIIII!". Agad akong napabangon sa Kama ko at napahawak sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga.
Hindi.. Hindi ako ang may kasalanan di ko alam. Kasalanan to nung Driver na bumangga sa Mama ko. Di sya tumitingin sa dinadaanan nya. Agad akong napa-sabunot sa buhok ko at napa-iyak.
"Hindi! Hindi! Hindi!". Sinabunutan ko nalang ang sarili ko at pinipilit na sinasabi sa isipan ko na hindi ako ang may kasalanan.
Hindi ako... Hindi...
"Anak! Ayos ka lang ba?!". Rinig Kung sigaw ni Papa. "Anak! Juskomaryusep!". Agad na lumapit saken si Papa at inawat ako sa pagsabunot sa sarili ko.
"Hindi ako, hindi ako". Di ko na alam ang gagawin ko. Inuusig nako ng konsensya ko.
"Anak! Anak! Tahan na!". Naramdaman ko nalang ang mahigpit na yakap ni Papa at pinatahan ako. "Tahan na Anak, ayaw ni Papa na makita ang Anak nyang sinasaktan ang sarili nya. Tahan na Anak". Agad naman akong kumalma pero patuloy pa den ang pag agos ng luha ko.
"Sorry Papa.. sorry... Sorry po". Pa ulit ulit kung sambit habang naka-yakap kay Papa.
"Wala kang kasalanan Anak". Sanay na si Papa sa gantong eksena. Alam nya na rin ang ibig kung sabihin. Ilang beses na kasing nangyari ito sa aken. "Tahan na, masamang panaginip lang yun". Ilang sandali pa ang nagdaan ng tuluyan nakong tumahan at ngumiti.
"Sorry po sa disturbo Pa". Ngiti kung sabi kay Papa.
"Ano ba Nak, anong disturbo ka dyan. Ok lang, Papa mo ko". Ngiti rin nitong sabi. Niyakap ko ulit si Papa para maipadama pa lalo ang pagpapasalamat ko at pagmamahal ko sa kanya. Ang swerte ko dahil may ganitong akong magulang.
"Thank you Papa, I love you"
"Welcome Anak, I love you too. Oh sya! Matulog ka na! Alas Dos na! Matulog ka na!". Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Papa.
"Goodnight Pa". Ginulo nya naman ang buhok ko. Paborito nya talagang gawin yan saken.
"Goodnight Nak". Lumabas naman sya sa kwarto ko. Ako naman ay humiga na sa kama ko. Pero imbes na matulog ay sinasariwa ko yung nangyari 3 years ago. Ako ba talaga ang may kasalanan?
Tatawid na sana ako nun sa kalsada ng di ko napansin may padating palang kotse. Sa sobrang bilis ng pnagyayari at dahil na den pagbagsak ko sa kalsada ay di ko na alam ang ang nangyari. Nagising nalang akong nasa isang hospital at may bandage na nakalagay sa ulo.
"Pa? Si Mama? Nasaan?". Tanong ko agad kay Papa pero tanging malungkot lang na tingin ang sinagot nya saken. "P-pa? Nasaan si Mama?! Pa?!". Nagpupumiglas pa ako nun para lang makita si Mama pero agad den nakatawag ng Nurse at Doctor si Papa kaya agad akong tinurukan ng pampakalma. Kumalma naman ako pero dinalaw naman ako ng antok. Kahit ayokong matulog pero mukhang malakas ata yung gamot na tinurok sa akin. Pero bago ko bumagsak ang talukap ang mga mata ko ay nabanggit ko pa si Mama. "Ma", "nasaan si Mama?". At tuluyan nakong naka-tulog.
Ilang araw ang nakalipas nun at nakalabas na ako Hospital. Kunti galos lang naman ang natamo ko pero mas lalo kung ikanalungkot ko ng mabalitaan kung na sa ICU si Mama. Nag aagaw buhay. Sabi ni Papa ay pinutol daw yung dalawang Paa ni Mama dahil sa pagkakasagasa at depota lang! Yung nakabangga kay Mama ay di pa namin alam. For short, biktima si Mama ng Hit and Run. Wala pa ring ideya ang mga Pulis kung sinong hinayupak ang nakabangga kay Mama kahit tatlong taon na ang nakakalipas.
Dahil sa nangyari yun ay nagkanda litse litse na ang buhay namin. Madalang na den akong pumasok sa School para lang bantayan si Mama. Si Papa naman nawalan ng trabaho that time dahil den sa madalang nyang pag aabsent. Nagkanda baon baon na den kami sa utang hanggang umabot sa point na wala na kaming pambayad sa Bill sa Hospital. Pero sadyang mabait ata ang kapalaran samen ng may isang babae ang komontak kay Papa at willing daw syang bayaran lahat ng utang namin at bill at gastusin namin sa hospital. Bibigyan den daw nya ng trabaho si Papa sa isang Coffee shop as Janitor. Janitor lang pero malaki sahod. Pinag aral nya den ako.
Ang babaeng yun ay walang iba kundi si Ms. S. Malaki ang utang na loob ko kay Ms. S kasi sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkakasama pa den kami ni Mama at Papa. Sya ang dahilan kung bakit nakabangon kami ulit. Kahit sa cellphone ko lang naka-usap ay alam kung mabait sya pero nakakatakot pa den kausap. Pero kapalit naman nun ay ang serbisyo ko kay Ms. S ang manmanan si Alexander Ford Monteriño. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko nalang kasi parang yun den anh kabayaran sa lahat ng tulong ni Ms. S saken.
Napa-buntong hininga nalang ako at pinipilit na matulog pero di ko talaga magawa. Litse! Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag Facebook. Pampa-antok kumbaga. Habang scroll lang ako ng scroll sa timeline ko ay may biglang nag pop up na message sa screen ko na ikina-bilis ng tibok ng puso ko.
Ms. S sent you a message...
Nung una parang nag-aalangan pa akong buksan yun dahil sa kaba at takot sa kung anong laman sa message. Alam nyo yung feeling na pag pinindot mo yung Message ay parang may sasabog. Ganun sa feeling. Pumikit pako habang nagloloading yung Message.
From Ms. S:
Magkita tayo sa lugar na to Jovarez St. sa may lumang Building. Exactly 8:00 bukas ng Gabi. See you there..Nabitawan ko naman ang cellphone ko dahil sa panginginig ng kamay ko. Feel ko talaga. Susunduin na ako ni Kamatayan......
Bukas.
-END_OF_CHAPTER_45-
(A/N: Na-eexcite den ako sa sarili kung kwento HAHAHAHA lahat ng nagbabasa nito, mag-ingay! Magkakajowa na kayo bukas HAHAHA charot. Busy ako sa Modules sana kayo den HAHAHAHA
Kaya nyo yan! sus! Nakayanan nyo nga yung iniwan kayo ng walang dahilan eh! yan pa kaya? HAHAHAH [ghoster amp HAHAHA] Basta! Stay Safe, Stay Healthy and always pray to God. "Nasa Tao ang gawa, nasa Diyos ang Awa" Pray lang. Malalagpasan natin to! #labanlang)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Gay
Teen FictionWhat if your friend is starting to fall in love with you? What if? But there's a problem, he is a GAY. What are you going to do? Are you going to stop your feelings? or tell him that you love him? I'm Ivy Perez and he is Alexander Ford Monteriño...