Prologue

709 18 13
                                    

ONLINE LOVE BATTLE


Love is not a game. But what if you found your love in a game?


Call me desperada, baliw, tanga or what ever you like. Hey, i'm just in love.... in love with a guy I just met in an online game. He's my first boyfriend, my first love.


Pwede pala talaga yun no? Yung tipong kausap mo lang sya lagi, pero hindi mo pa sya nakikita, hindi mo pa nakakasama. Iba na talaga ang panahon ngayon. Say hi to technology. With just a click, mapaparating mo na sa isang tao ang mga bagay-bagay at nararamdaman mo na nais mong sabihin sa kanya, regardless whether it is true or not.


They said this kind of relationship won't last long. Pinagtatawanan pa nga ako ng iba. Ganito na daw ba ako kaatat at kadesperada para lang magkaboyfriend? Papatulan ko yung lalaking di ko kailanman nakita o nakasama man lang? Eh paano nga naman ba magtatagal ang isang relasyong nabuo lang dahil sa online game? Idagdag pa natin ang eksenang long distance, tapos texts at mga social networking sites lang ang tanging communication.


Kahit ako mismo, nagagambala din sa sitwasyon namin. My best friends told me to control myself and my feelings. Baka daw kasi mahirapan akong umahon sa pagkakahulog ko, masakit! Daig pa ang mahulog sa Marianas Trench. But it's too late, nahulog na kasi talaga ako sa kanya. Sa game, kung baguhan ka, may option dun na pwede mong pindutin for tutorial. Pero iba sa love, hindi naman kasi natuturuan ang puso, 'di ba?


Long distance plus epal equals disaster. Ano na kaya ang mangyayari? Kung sabagay, automatic na may kontrabida sa isang kwento. It will be an empty and boring story if an antagonist/s would not exist. Right?


Basta, as long as I know he loves me and I love him, I'm willing to take all the risks. Sana sya rin.


But.... is this love can really survive to the next level? or are we going to reach our game over?



Well, let's just see.

Aleina Paige signing in......

Online Love BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon