Happy 12k! Haha! Di ako makapaniwala mga tol! haha.
Part two ng POV ni Tommy the lover boy. haha. Sino ba ang gusto niyong makatuluyan ni Ronnie and why? xD
Essay contest lang ang peg.. haha.. Anyways enjoy reading! Muahh!
---
Tommy's POV
Kinuha ko ang keycard sa unit ni Ronnie at binuksan iyon. Nagulat pa nga ako nung biglang manguna si Ronnie sa pagpasok at dun maupo sa sofa sa sala. Ang hyper talaga niya kapag may tama.
"Tommy! Yuu! I'm hungry!" she pouted while hugging the teddy bear beside her. Nagtago na lang ako ng ngiti habang pinapanood siyang kumilos na parang bata. I think the sugar in her system hasn't worn off yet.
Isasara ko na sana yung pinto pero may kamay na pumigil doon. Pagkatingin ko yung lalaki pala kanina. Oo nga pala kasama pala namin siya.
Pagkapasok niya ay nakita ko na may dala siyang paper bag. Kanina pa ba niya yan dala? Hindi ko kasi masyado napansin.
Nung asa loob na siya ay nagderederetso na siya papunta kay Ronnie. Parang wala ako dito ah.
"Nica, you want me to cook for yah?" tanong nito at agad naman na ngumiti si Nica este si Ronnie. Bat kasi Nica ang tawag nito sa kanya? Masyadong pambabae. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siya sa pambabaeng pangalan pero bakit pinapayagan niya lang to? Baka naman dala lang ng sugar rush niya.
Tumango ito ng sobrang bilis at nakita ko pang hawakan nitong Yuu ang kamay ni Ronnie.
"Eyy, Ronnie gusto mo manood ng tv?" Tanong ko pero sumibangot ito at inilingan ako ng mabilis.
"Do you wanna help me cook?" singit naman nitong kulugo. Hindi yan sasama takot sa kusina yan eh.
"Yup!" nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya. Anong nangyayari dito?
Nakita ko na lang na tumayo siya at nakahawak pa sa braso nung lalaki habang hila hila sa isang kamay yung teddy bear. Basically sa sobrang laki nung bear ay sobrang sayad na nito sa sahig at halos mahiga na to sa panghihila ni Ronnie.
I was about to go after them but Ronnie stopped me before I even move a muscle.
"Papa huwag kang sumunod. Kami lang ni mama dito." she pouted and I smiled.
"Okay baby." sagot ko na lang. I was a little bit worried for where's this little game is gonna take us. Iisa lang naman ang kinahahantungan pag nagkakaganito na siya at nakikipaglaro ng bahay bahayan. Malalaman mo na lang na nag-umpisa na ang laro kapag tinawag ka na niyang mama o papa. I was just thankful that she chose me to be the father this time.
Nakita ko kung paano magpalit yung poker face nung lalaki at mapatingin ito sa akin na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari pero agad din siyang napabawi ng tingin nung higitin na siya ni Ronnie.
Natatanaw ko pa rin naman sila dito mula sa sala kaya pwede ko pang panoorin kung ano ano yung mga gagawin nila. Subukan niya lang na samantalahin ang kalagayan ni Ronnie at ipprito ko yang mukha niya.
Inilabas na niya yung mga laman nung paper bag at napansin ko yung innocence ni Ronnie habang nakalagay yung hintuturo niya sa tapat ng babang labi niya at nanlalaki ang mga mata habang pinapanood si Yuu.
Kinuha ko yung cellphone ko at itinapat sa kanya. Nasa gilid lang sya ng kitchen island kaya kitang kita yung kabuuan niya habang hawak niya pa rin yung bear. Napangiti ako habang tinitignan yung kinuha kong picture niya. Additional photo of my Ronnie Collection, and now she's wide awake and not just asleep. But either way she looks beautiful to me.