CHAPTER 10: "Date tayo?" (Part 1)

228 3 0
                                    

"Date tayo?" - Jico

ehhhh????

E di eto ako ngayon, kasama si Jico.

Papunta kaming mall. Manonood daw kami ng sine. Sakto at showing pa ang Breaking Dawn part 2. YESSS!!!! Mapapanood ko na rin sa wakas.

Sa loob ng sinehan.....

Wow!!! Gentleman!!! Pinauna ako sa pag-upo sa upuan dun.

At dahil DATE nga daw ito eh di libre ako nya! Hahaha!!!

Magsisimula na! YEHEY!!!

Tapos ilang minuto rin ang nakalipas at nagsimula na yung movie.

"Boriiiiiiiiiiiing........" - Jico

Aba!!! Ang Breaking Dawn ay boring? Ganda kaya!!!

"Hoyyyy Jico! Sinong may sabing boring? Ang ganda kaya...." - me

"SHHHH.....SHHHHH....." Yan tuloy, nasutsutan pa kami ng mga tao sa loob....... Okay.... eh di ako na ang may kasalanan..... Kasi naman eh, minamaliit ni Jico yung fsvorite ko...... Simula book hanggang movie eh sinubaybayan ko na ang Twilight, New Moon, Eclipse at tsaka Breaking Dawn....... GANDA!!! :D

Oh ayan tuloy.....buti naman at tumahimik na lang si Jico.

Tapos.......sumapit yung part na pumunta sina Bella at Edward sa bahay nila mismo.............. Tapos yung scene................ Oh my!!!! Gusto kong takpan ang mata ko kaso naman eh paano ko maiintindihan ang story.....

Tuloy............parang ang..........awkward.........

Ganon na nga............. AWKWARD!!!!!!!!!

Silence..............

Silencio................

Wahhhhhh!!!!

Tinakpan ni Jico yung mata ko.............

Nakakainis!!!

Ano na ang nangyari?

"Ba't mo tinakpan?" Taray ko no? Aba! Eh kung sayo kaya ang takpan.........tapos favorite mo pa yung movie na yun......

"Eh kasi..........di pwede sayo.......bata ka pa." - Jico

Ahhhhhh!!!! Sabihan ba naman daw ng bata............tuktukan ko kaya to?.............o kaya batukan na lang kaya???

Alam ko na ako ay di medyo katangkaran. Pero syempre, di ba?Sya ang nagyaya na mag-date kami, pero bakit ganon, minamaliit nya ako? Bata daw ako???

Gusto ko tuloy mag-eskandalo dito sa sinehan...........

Tumawa ako ng malakas......

"Hahaha!!!! Anong bata ha? Tatay ba kita?"

"SHHHHH.......!!!!" - mga tao

"Shhhhhhhhh...." - Jico

Hmpp.... Kainis!

Nasita na naman kami......ay este ako pala.....

E di ako na ulit ang may kasalanan. Sya na ang wala.......... Takpan ba naman ang mata ko? Nakakainis lang eh! Di na naman ako bata ah! Di na naman, di ba?

Well, fourth year high school na naman po kami eh....... At di na yun bata, mga dalaga't binata na kami!

Anyways, natapos na naman yung movie eh. Ang ganda talaga! Nakakainis lang nga itong si Jico eh, takpan ba naman daw ang aking mata. Wala syang pakelan dapat! Napaka nya! Ang sarap niyang sampigahin eh! Nasaan na yung sabi niya na he'll fix my broken heart?......... Wag ko na lang kayang bigyan ng pag-asa? Bahala sya sa buhay nya!

Pero................

Parang di ko kaya................

May mga katangian din naman sya na magaganda eh........... Di naman lahat eh pangit.............

"Oy Jico, CR muna ako ha?"

"Sige. Bilisan mo lang ha! Kakain tayo pagkatapos mong mag-CR." - Jico

"Sige.........."

E di nagpunta na akong CR pagkasabi nya nun...........

Pero......ba't parang nahihilo ako?

Naikot talaga ang paningin ko eh...........

Lumabas na ako ng CR kasi parang tutumba na ako ng wala sa oras...............

Paglabas ko.......... Nakita ko na agad si Jico............. Pumunta ako sa tabi nya at kumapit sa braso nya para may suporta ako kung sakali mang matumba ako.

"Ji----co................Nahi----------hilo a----ko........."

"Hala! Upo muna tayo dun........" Tinuro ni Jico yung bench sa may mall.

"Nahihilo ka pa ba?" - Jico

"Di na masyado..."

"Kaya mo na bang tumayo?" Ahhhh..... Concern ang mokong sa akin!

Sinabi ko na lang na oo kahit medyo nahihilo pa rin ako............... kasi naman, di ba? Baka isipin nya na pabigat ako sa kanya.

Eh di ayun..... Tumayo na kami....

Gentleman sya........ For the secon time, napansin ko yun....

Inalalayan niya kasi akong tumayo.

"Kaya mo na ba talaga?" - Jico

"Opo."

So ayun...... Nakahawak sya sa may balikat ko at kamay ko para maalalayan ako......

Hmm....... Sweet nya ha! In fairness!

Tapos...............may nakita ata sya na kakilala nya......... Di ko nakikita ang muka kasi nakatalikod..... Tapos, di pa niya tinawag yung guy sa pangalan........ Ang tawag nya eh 'BRO!'

Pero parang pamilyar....

Humarap yung guy..............

Medyo malabo pa ang paningin ko kasi nahilo nga ako............

Palapit na nang palapit............... Pamilyar talaga yung taong yun eh.........

At..............

*blink*

*blink*

*blink*

LANCE??????!!!!

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon