Chapter 9
Tristan's POV
Tapos na kaming kumain kasama tong patay gutom na chloe na'to kala ko ba mayaman to? Di
lang pala Tulo Laway, parang kargador din pala to kumain, daig pa ako ah! Hahaha
Naglalakad na kami patungo sa sasakyan ko ng maalala ko yung dapat kong gawin hahaha
"Wait, diba sabi mo babayaran mo ako?" Tanong ko sakanya
"Oo naman. Babayaran kita no, hindi ako pulubi! Idaan mo'ko sa bahay, baka may tao na dun! Babayaran din kita! Wag kang atat! Magkano nga ulet yun?"
Grabe talaga tong babaeng to! Sobrang taray at parang machine gun ang bibig! Kawawa ako kung naging girlfrien-- teka teka! Bakit ko ba iniisip na magiging girlfriend ko to! Tss. ASA dre!
"Ayoko ng pera, marami na ako nun!" smirk. Hahaha
"E ano palang gusto mo?"
Lumapit ako sa kanya..... Paunti ng unti. Nakita kong medjo nabigla siya sa ginawa ko! Hahaha sarap pagtripan
Mas lumapit pa ako.
O.O -itchura niya
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni chloe.
I saw the horror in her eyes. Kala siguro neto nanakawan ko siya ng halik. Sus. Pero paano nga pag yun na lang? Arrgh. Sht. Bakit biglang naging desirable si chloe sa paningin ko?! Fck. Isip isip ng iba! Tssk
"I want you to...
Lumapit pa ako.
O.O <-- itchura ni Chloe. Haha sarap talaga lokohin ne'to XD
I moved even closer pero nung mas lumapit ako may kakaiba akong naramdaman. Sht. Ano ba to?!
".....be my
.....Slave"
Ha?! Ano ba tong pinag-sasabi! Tngna. ano daw? SLAVE? San naman galing yun? Tsss.
Pagtitripan ko lang sana pero... Argh. Minsan napaka impulsive ko talaga!
O.O -chloe
*paaaaaaaaak*
"Aray! Sht. Ba't ka nanapak?!"
Sadista talaga tong babaeng to!!! Tsss.
"EH LOKO KA PALA! Ako? Maghanap ka ng iba mong mauuto! Ako, Slave? Gusto mo ng sapak ulet?!"
As expected tatanggi siya pero I enjoyed tricking her! Hahaha ilalabas ko na ang alas! Lol
"Owkay. Ayaw mo? Sige. Di ko rin to ibibigay"
Then I raised her hello kitty wallet! Nahulog niya kanina sa sasakyan. Ibabalik ko na sana kaso nagkandalokoko ang isip ko kaya eto! Akala ko ipagsasawalang bahala niya lang pero mali
"YOU BEAST!!!!! ARGGHH!"
Sinugod niya ako! itinaas ko ng maigi yung wallet! Hahaha sige abot pa chloe! Hahahahaha ang cute niyang tignan habaang inaabot yung wallet niya! Hahaha
"GIVE ME BACK MY WALLET!!! FREAK"
"You know what to do Ms. Chloe" mas tinaas ko pa yung wallet niya!
"ARGGGHH! YOU TRICKED ME! KINUHA MO ANG WALLET KO PARA MAGKA-UTANG NG LOOB AKO SAYO! ARGH. YOU BASTARD!"
"Woah woah! Para ka palang lady tiger. Nice. Alam mo na ang gagawin mo chloe hahahaha"
"Nakngtokwa Tristan! GIVE ME BACK MY WALLET!!"
"BE MY SLAVE OR SAY BYE BYE TO YOUR WALLET FOREVER hahahaha"
Then she stopped getting her wallet. She shot me her death glare. Kala ko matutumba na'ko. Nakakatakot pala to! Hahaha
"FINE! I'LL BE YOUR SLAVE!"
O.O -itchura ko
Chloe's POV
»Saturday«
"TRISTAN SANDOVAL! MAPAPATAY TALAGA KITANG MOKONG KA!!ARGH"
Wag na wag lalapit sakin yung gunggong na yun ang tatadtarin ko yun ng pino!
Tapos padabog na may nag nag bukas ng pintuan ng kwarto niya! Sira ulo talaga to, sisirain pati sariling kwarto! Ghad.
"Ano nanaman ba ang problema mo? Kita mong andami kong ginagawa!"
Loko pala to! Andami dawn'g ginagawa e halos nakatambay lang siya dun sa mahal niyang computer! E kung hampas ko kaya tong mga cd niya sa mukha niya!
"Nakaka-irita ka alam mo ba yun? Inayos ko na to kanina! Bakit mo ginulo ulet?!"
Opo. Nag-aayos lang naman ako ng kwarto ng hudyong Tristan na yan! Di ko nga alam ba't ako pumayag. Hello? Isang chloe saavedra nag lilinis at nag-aayos ng kwarto ng ibang tao?!
"May utosan bang sinisigawan ang amo niya? Nakakarami ka na a! At diba sabi ko tawagin mo akong master! Saan na yun?! Tss"
Tokwa naman o!!
"Yes po master!" Then I rolled my eyes! Shete. Naman.
"Good! Mag-ayos kana jan! Pakibilisan andami pang gagawin e!"
"Teka teka! Ikaw mapapatay talaga kita! Inayos ko na tong CD rack kanina, bumababa lang ako saglit para ibalik ang vacuum tas ngayon nagkandagulo gulo na! ANONG GINAWA MO MASTER TRISTAN?!"
"Ah yan ba, ayoko ang pagkaka-ayos. Ulitin mo."
Grrrrrrrr!!!!!! Nag-uusok na tenga ko pramis!!!!
Paalis na sana siya ng bumalik ulet si MASTER TRISTAN *insert sarcastic voice here*
"At nga pala, gusto ko alphabetical order ha"
O.O
ARGHHHHHHHH TRISTAAAAAAAAN I SO EFFIN HATE YOUUUUUU!
---1 hour after---
*Yaaaaaaaaawwwwwnnnnnn* >O<
Sobraaang nakakapagod!! Tinapa talaga yang Tristan na yan! Ang sama talaga ng ugali! Nakahilata na ako dito sa sahig niya. Buti na lang carpeted saka vinacuum ko na to kanina no!
nakakaduling kayang i-alphabetical order yung mga CD niya, may movie, music n etc. Buti naman at walang porn! Yuuuck. Ano ba tong naiisip ko. Eww.
"O tapos kana? Antagal mo namang mag-ayos! Eto. Baka gutom ka na"
Si tristan pala. Ay MASTER TRISTAN. Tsss. Inabot niya sakin yung isang brown bag na may tatak na McDonalads. Buti naman at naisipan niyang pakainin ako!
"Baka may lason to a!"
"Tanga ka ba? Galing mcdo nga yan, paano ko naman yan malalagyan ng lason!?"
"Aba malay ko! Monster ka naman. Di malayong gawin mo yun!"
"Ano? Ako? Monster? Sino kaya sa'tin parang machine gun ang bibig?! Ewan ko sayo!"
Hmmmmmmmp! Lumapit naman siya sakin ang umupo rin sa carpeted na sahig. Ano nanaman binabalak ne'to?
"O anong ginagawa mo? Ba't mo binubuksan yan?" Tukoy ko sa take out niya.
"Baka gusto mong kainin to ng di binubuksan? Okay naman din sakin. Tutal sa lakas mong kumain di nako magtataka kung pati plastic pinapatos mo. Tss"
Grrrr. Ginagalit talaga ako ng mokong nato! Lecheflan!
"Ewan ko sayo! Akin na nga yan!" Hinablot ko na yung take-out.
WAWOW! Andaming pagkain! Hahahaha dalwang large fries, tas may spaghetti tapos dalawa din yung chicken sandwich, isang coke float tas dalawang McFlurry. Parang andami naman ata.
"Bakit parang andami naman ata netong inorder mo! May darating bang iba?"
"Wala. Bakit di mo ba maubos? Sus. Kaya mong kainin lahat yan!"
"Anong tingin mo sakin baboy?! Tss. Di ko kaya yan! Sayang naman."
"Tsss. Syempre para sa akin yung iba! Di pa ako naglulunch!
Ahhh
...At para sabay tayo"
"Ha? May sinabi ka?"
"Wala! Kumain ka na nga lang!"
May sinabi siya e! Di ko lang narinig ng maayos! Mahina kase! Anubayan!
"May sinabi ka e, ano yun?!"
"Wala nga sabi! Ano ba kakain ka ba o kukunin ko to?!"
"Eto na nga o, kukuha na! Atat masyado e!"
At Sinimulan ko ng lantakan yung chicken sandwich ko! Hahahaha
Nomnom ^__^
Kain kargador ako kase naman ikaw kaya paglinisin ng kwarto di ka ba magugutom! Hahahaha
Kinakain ko na yung McFlurry ko ng mapansin kong nakatingin sakin si Tristan. Creepy!
"Psst! Anong tininingin tingin mo?"
(<.<)(>.>)(<.<)(>.>)(<.<)
"Ah h-ha?! Ako? Nakatingin sayo. Asa! Di no!"
Tas nag-iwas siya ng tingin. Woshoooo!
"Sus! Magdedeny pa e! Hahaha! Siguro na-iinlove kana sa'kin!"
"...baka nga"
he said in a low voice. Almost difficult for me to hear!
"Ha? Pwede pakilakasan?! Anong sabi mo?"
"WALA! Sabi ko ang bingi mo! At ASA ka namang ma-iinlove ako sayo no! Tsss. jan ka na nga! Pssh."
Tapos umalis na siya! Hahaha asar agad e. Pero totoo ba yung nakita ko? He...... He
Blushed? ('.')?
»Sunday«
"Chloe sweetie, bangon na jan"
"Eeerrrrmmmm!! Mommy!! Mamaya na please"
"Anak, bumangon ka na jan. Nanjan si Tristan sa baba"
O.O
Ha?
"HOY BUMANGON KA NA JAN!"
"Nakngtokwa ka talaga Tristaaan! Ano baaaaa?!"
E kasi naman niyugyogyog niya lang naman yung kama ko!! Argggh. Kapagod kayang maglinis kahapon!!! fudgeee
"Bumangon ka na jan babs! Magsisimba tayo!!"
"BABS?!"
"Oo, BABS, short for baboy! Bumangon ka na jan hoy!"
"Arggh! Don't baptize me with such name please. Argh!"
"BUMANGON KA NA KASE JAN! AT MAGSISIMBA TAYO!"
"ANO? Magsisimba tayo? TAYO?"
"Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang talaga? Tsss."
"Ayokoo! Matutulog pa ako! Alas otcho pa lang! Mamaya na akong 4 magsisimba! Tss"
Nagtalukbong na ako ng kumot ko. Asar naman to! Nambubulabog aga aga e! Tss. Then I drifted back to sleep.
(-_-) Zzzzz
*yaaaaaawwwnnn*
Hmmmmm. Nagising ako sa feeling na parang me naka tingin sakin, di kaya me momo dito sa kwarto ko? kyaaaaaah
O.O
Dinilat ko mga mata ko
at
At
O.O
Shete. Si tristan. Nakatunghay sa akin. Fudge. Nasa tabi siya ng kama ko at nakatingin siya sa akin. Sobrang lapit. Omg.
>///////<
"T-tristan?"
"Tulo laway ka talaga kahit kelan"
O.O
"HUDYO KA TALAGA! AARRGHHHHHH!! ARGHH! ARRGHH!"
"Aray ko! Chloe stop it! Masakit na yan! Hooy!"
Pinaghahampas ko lang naman kasi siya ng unan ko! argh. Nakaka-inis! Tsk
"Hoy bangon na jan babs! 3:00 na maghahanda ka pa sa pagsimba! Hoy!"
"Ewan ko sayo! Ba't ka ba nandito?!"
"Hinihintay kang magising! Syempre sasama akong magsimba! Tanga ka kasi, baka ka ma-aksidente! Tss"
"Bahala ka! Maliligo na ako!"
"Pwede sumama?"
O.O
"PERVERT!"
"Hahahahahahahaha!"
Humagalpak lang naman siya ng tawa! Argh, nakaka-inis! Tssssk! Pumasok na ako ng banyo ko. Kainiiisss!
After 30 minutes natapos na ako. Nagbihis na rin ako, buti na lang talaga at nasa loob ng banyo ko ang walk-in closet ko. May sliding door lang na naka separate sa kanila I just wore my yellow flowy knee length dress tas nag headband na color yellow din, some pink neon accessories then lip tint. Ayos! Kinuha ko na satchel bag ko then sinuot pink flats! Lumabas na ako ng banyo
"Ang tagal niyo talagang mag-ayos! Ba't ganyan kayong mga babae? Andaming arte sa katawan! Tss"
Kita ko na yung pagka-inip sa mukha ni tristan habang naka-upo sa kama at nag p-psp!
"Sino ba kasing nagsabing hintayin mo'ko!? Tss. Lika na nga! Mahuhuli na tayo sa misa!"
"Tssss" -__-"
Bumababa na kaming dalawa papuntang garage. nagpa-alam na ako kina mommy at daddy then sumakay na kami sa yellow camaro niya. Sosyal talaga ne'to!
After 10 minutes e nakarating na kami sa simbahan malapit sa'min. Di naman siya malayo, kaya nga lang lakarin e kaso malelate na kami.
Pumasok na kami ni Tristan. Buti na lang talaga may mga upuan pa!
»»
Priest: let us pray the words our savior taught us......
Inilahad ko na yung kamay ko for Our father.
O.O
O.O
Ohmy.
Bigla akong napating kay tristan na nasa side ko. Gosh. Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit. Di ko ineexpect na hahawakan niya kamay ko!
"Hoy. Tulala ka jan? Our father na o! Kumanta ka naman"
Sabi niya sa mahinang boses.
"A-ah eto na nga o...... And those who trespass against us....."
Pero bakit ba ako naapektuhan? Hello?! Our Father yun! Natural lang yung magkakahawak kamay! pero kasi iba. Sobrang iba sa pakiramdaman. Bakeeet? Ano ba to?! Parang gusto ko lagi niyang hawak kamay ko. I feel secured.
Lord, tulong po!
Am I
Am I
Am I
Falling In love with him? ('.')?
__________________________________________________
A/N: ayan may update ulet! :D medjo mahaba siya nawili kasi ako sa pagsusulat hahaha Nagsisimula na silang magkamabutihan XD magtuloy tuloy na kayaaa?? XD mehehehehe :P
VOTE. COMMENT. n SPREAD if you like ^____^
Happy Reading :)
BINABASA MO ANG
My Missing Heart
Teen FictionAnother Love Story, Another Tale of Finding that one true love and Another Story of a different way of meeting your destiny :)