Anong saya nang ikaw ay makilala
Simpleng mundo ko ay agad nag iba
Kahit 'di ako katulad ng kasama mong engkantada
Tila mas lumamang sa kanya ang aking gandaNagsimula ang lahat nang ako'y iyong niligtas
Sa isang malaki at makamandag na ahas
Tila baga huminto ang oras
Nang yakapin mo ako, luha'y naglandasNagulat ako na ako'y kilala mo
Sabi mo madalas ka kasi sa mundo naming mga tao
Nakamasid ka na sa akin mula sa malayo
Umaasang iisa lamang ang ating mundoMagkaiba man ay hindi naging hadlang
Ikaw ang aking nais na makatuwang
Lihim na nagkikita sa isang paraisong parang
Pagtitinginan natin iyon ang lumamangNgunit kahit anong tindi ng ating pagmamahalan
Tutol dito ang ama mong kamahalan
Ginawa natin lahat upang ipaglaban
Ang liwanag sa puso natin na nananahanIsang araw ikaw ay biglang nagpaalam
Pisngi ko'y agad sa mga luha nahilam
Ibinilin mo ako sa isa nating kaibigan
At babalik ka pagkatapos ng isang buwang dadaanTatlong buwan na sinta ang lumipas
Sakit sa dibdib ko'y di na maabot ang antas
Sabi mo'y saglit lamang ang iyong aayusin
Upang magsama na tayo, sumpa man sa mga bituinHanggang isang araw siya ay nagtapat
Ang kaibigan natin ang sa mga luha ko'y aampat
Pag-ibig niya sa akin ay alam kong tapat
Ngunit ang gamitin siya ay alam kong hindi dapatMasasaktan man siya'y aking tinanggihan
Buti na lang tanggap niya at ako'y nginitian
Batid niyang tingin ko sa kanya ay kaibigan
At ang puso kong ito ay sa'yo nakalaanSinamahan niya ako sa isang malaking puno
Alam niyang ito ang lagusan sa mundo ninyo
Kasama mo dating engkantada ay tinulungan rin ako
At sa mundo ninyo ay buong tapang na tumapak akoNagulat ako sa aking nalaman
Talagang natuwa sa ginawa mong paraan
Na ika'y nakiusap sa mahal mong ama
Na maging isang mortal upang ako'y makasamaNagtaka man kung bakit hindi ka nakita
Nasagot iyon nang ikaw ay makaharap na
Sa sinabi mo ay talagang natawa
Ikaw lang ang mamahalin ko, alam mo iyon, hindi ba?Aking saya ay walang katumbas
Daig ko pa ang nakapulot ng malaking hiyas
Mga engkantado ay sa wakas tinanggap ako
At nagpakasal tayo, parehas... sa magkaibang mundo.●●●◎●●●
© January 2015
J.Bree