Part 1

3 0 0
                                    

She always dreams to have an epic story of her own. Katulad ng mga bagay na nababasa niya. Mga napapanood niya.

She has this certain thing about love-hate relationship and childhood lovestories. Pangarap niyang magkaroon ng ganung klaseng lovestory. Yung tipong mula bata palang kayo magkakilala na. You know each other too damn well. Pero sa kabila nun lagi pa rin kayong nagaaway. Asaran dito. Asaran dun. Pero deep inside di niyo kayang wala ang isa’t-isa, na parte na rin ng buhay niyo ang simpleng asaran araw-araw. Ganun. Ganun ang gustong-gusto niya.

Kaya siguro siya nainlove sa kanya. Classmate sila simula nung elementary at churchmate pa. Pasok na pasok sa category ng childhood lovestory na peg na peg niya. Aso’t-pusa rin sila. Laitan dito. Landian doon. Tuwang-tuwa siya sa ganung set-up nila. At least this dream of her is finally coming true. Coming true na nga ba?

Lahat nalang ata ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki ay na kay Jay na.

Joker 
Childhood friend 
Matalino  
Talented 
Mapagpamahal sa pamilya 
At higit sa lahat mananampalataya 

Hindi nga lang gwapo si Jay pero who cares? Kahit sabihin pa nilang di sila bagay dahil maganda siya, okay lang sa kanya. Hindi naman mukha ang minamahal niya kundi yung buong pagkatao ng lalaki. Kaya dapat lang na tanggapin niya lahat ng flaws nito. Ganun pag nagmahal di ba? Basta para sa kanya si Jay ang epitome ng isang perfect guy.

Pero may isang bagay ata siyang nakakalimutan sa dream lovestory niya. Pano nga naman magiging lovestory yun kung siya lang ang nagmamahal. Lovestory nga. Unrequited naman.

For six long years she waited. Pero walang nangyari. So she decided to finally move on. Then she starts noticing other guys. Pero wala pa ring makapagpafeel sa kanya ng katulad ng kay Jay. Minsan nga naiisip niya na baka sa sobrang choosy niya di na siya makapag-asawa. But then he came and everything changed.

Schoolmate sila ni Andreu, pero hindi magkacourse. She knows him since first year college siya dahil maraming nagkakacrush dito pero never niyang tinapunan ito ng mga tingin. But then the play happened. Nagorganize ang department nila ng isang original play at dahil close ng isa niyang classmate si Andreu ay kinuha nila ‘to bilang isa sa mga artista nila. Panghatak na rin ng audience kung baga.

At first akala niya mayabang ito. He has all the right to be boastful naman kung sakali. After all he got his damn good looks and many girls and even gays are drooling over him. Yun ang dahilan kung bakit di niya ‘to kinakausap, ayaw niyang mapahiya lang kung sakali.

Isang araw habang rehearsal, nasa backstage siya kasama ang ilang orgmates at si Andreu. She couldn’t help her curious self kaya nagtanong na siya. She faced her orgmate and asked “Pano niyo siya naging close?”

“Tanungin mo siya.” Sabi ng orgmate niya sabay turo kay Andreu.

Nagulantang naman si Andreu sa pagkakaturo sa kaniya. So he asked why?

She faced him and told him the question that is running through her mind. “Paano kayo naging close?” Ulit niya.

Andreu just stared at her and said “Ba’t ko naman sasabihin sayo?”

She was shocked. Ganito pala ang ugali ng Andreu na ‘to. Ang sama lang. Even though she was taken aback by his words, she still manage to let out a reply.

“Ah. Nevermind. Don’t know ganyan ka pala.” She said dryly.

She’s about to walkout from him when he started laughing.

“Uy joke lang yun. Peace tayo! Hahaha.” He said in between laughs.

“Ininterview kase nila ko before. Dun nagsimula. Tapos basta. Gusto ko rin kase sana sa field niyo. Ayaw lang ng parents ko. Kaya nakikifriend nalang ako sa inyo. At least di ba!” He continued and smile after.

“Ah. Ganun pala. Sayang naman. Sana pala classmates tayo ngayon.” She said.

She smiled back. Okay naman pala si Andreu. Feeling close para biruin ako ng ganun pero hindi nakakainis. Ang cute niya lang.

At hindi pa doon natapos ang conversation nila ng lalaki. After that moment, lumabas sila ng backstage para panoorin ang preview ng play na pinapakita nila sa adviser nila. Umupo siya sa isang bench sa gilid ng stage at tahimik na nakikinig sa insights ng adviser nila.

“Hindi niyo pwedeng gawin yung ganyang klaseng hug. Masyadong paSPG yan!” sabi ng professor nila na may konting galit sa tono.

She was listening when someone spoke beside her.

“Sus. Dati pwede naman yung mga ganyan eh. Kaya lang masyado ng mga touchy ngayon yung mga estudyante. Tsk. Kahit nga yung ganito bawal na eh.” And he did the unthinkable move. He rested his elbow on her shoulders.

Hindi niya alam ang gagawin at that time. She was shocked. Really shocked. Ni hindi nga siya makagalaw.

“Di ba noh Jers? Dati pwede naman yung ganito di ba?” And he did it again.

“Oo nga eh.” Jers did the same while looking at him. They both laughed after as if it was an inside joke.

Wala na siyang masabi. She just laughed with them. Tawa na kahit papaano ay may konting kilig. Gosh!

After that incident, she came running towards her friends. Kinikilig na kinuwento niya ang nangyari. Hindi naman pala ganun si Andreu. Mabait naman pala ito, sabi niya sa kanila. Inasar-asar tuloy siya ng mga kaibigan na natamaan na kay Andreu. She just smiled at them. Siguro siya na yung taong makakapalit kay Jay. She thought to herself.

******************

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Not Her Perfect LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon