Chapter 40

1 0 0
                                    

Chapter 40

Hindi ko alam pero para sa akin, ayon na ang pinakamasayang bagong taon ko. Kaya naman tuwing umaga ay nagiging maganda ang gising ko.

Nang matapos kong gawin ang morning routines ko, saktong tumunog ang telepono ko, senyales na mayroong nagmensahe sa akin.

Kaagad ko itong kinuha at binasa.

It's a text messagw from Zed.

Napanguso ako.

Mukhang napapadalas na ang pagtext niya sa akin.

Arzaih:

Hey!

I smiled and replied.

Me:

Hm, napapadalas texts mo. Miss mo ka ako?

Tumawa ako sa aking tinipa.

Kaagad itong nagreply.

Arzaih:

Sobra:(

Sumeryoso ako ng mukha.

Me:

Edi wow.

Kaagad kong itinabi ang telepono ko.

After that, I heard some knocks on my door.

"Yes? " I said loudly, enough to hear outside my room.

"Ate Yunique, we'll eat our breakfast. " Tinig pa lang ay kilalang-kilala ko na agad. No wonder, it's Eve.

"Bababa na ako. "

Inayos ko muna ang necktie ko bago ako lumabas ng aking kuwarto.

Ngayon na muli ang balik ng klase namin. Kumpara nung nakaraang taon, hindi ako gano'n kaatat na pumasok. Parang mas gusto ko pang manatili na lang sa bahay.

Wala na kasi sila Aveahlyn. They flew away now. Nangako pa nga siya sa akin na tatawag siya sa akin kapag nakarating na sila sa New York. Hanggang ngayon ay nag-iintay ako sa tawag niya.

Naiintindihan ko naman.

Maybe, she's busy.

Since, patapos na rin ang school year, inaasahan ko na, na tatambakan kami ng mga lecturers namin. Sandamakmak na requirements ang kailangan ipasa.

Minsan nga ay naiisip ko na maswerte si Ave dahil hindi na siya magpapakahirap sa requirements, hindi tulad namin.

But, no.

Sa pagkakaalam ko kasi ay mas naunang kinompleto ni Ave ang mga requirements niya bago sila umalis. Rushed nga daw sabi niya, siguro mas mahirap naman 'yun. Yeah, atleast kasi kami ay may panahon pa para gawin 'yun.

I just shooked my head.

"Hm, umalis pala sila Avril at kasama si Ave... " Diskusyon ni Papa.

Tahimik akong kumain.

"Talaga? Alam mo ba ito, Yunique? " Tanong ni Mama. I nod.

Huminga ito ng malalim.

"That's sudden. Sino pa lang makakatulong mo ngayon sa Zamora Inc.? " Tanong pa ni Mama.

"Still, her husband. Hindi naman sumama si Vrielo sa New York. He had stayed here and may meeting pa nga kaming dadaluhan mamaya, " sagot ni Papa.

"Ano naman kaya ang dahilan ng pag-alis nila Avril? Hindi man lang sa akin nagsasabi, " nagtatampong wika ni Mama.

Napanguso ako.

You're right, Mom. Nakakatampo nga.

Ramdam na ramdam ko 'yung tampo ni Mama ngayon.

The Dreamer's Dream(Z Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon