Chapter 3

7 4 2
                                    

"Nasaan ako?"

"Bakit iba na design ng kwarto ko?sa pagkaka alam ko mint green ang kulay noon ha"

"Punyeta sakit ng ulo ko,ano ba nangyari?"

Sunod-sunod na tanong ko sa sarili habang nakahawak sa ulo.Ni hindi ko alam kung anong nangyari at kung nasaan ako.

Hinanap ko agad ang cellphone ko para tawagan yung mga kaibigan ko.

*42 missed calls*

Shit.Lagot.

Halos lahat sila tinawagan ako kaya sa  group chat nalang ako tumawag para ipaalam na okay ako.Sinabi ko na lang na umuwi na ako kagabi sa sobrang hilo.Sure ako na isusumbong ako ni Shin kay mommy kapag nalaman nyang sa iba ako nakitulog.

"Uhm,gising ka na pala.Goodmorning"

"Ay palaka"gulat na sabi ko ng may lalaking magsalita galing sa likod ko.

"Grabe ka naman sa akin,sa gwapo kong 'to?palaka?"natatawang sabi nya sa akin.

Sabagay,gwapo naman talaga sya.Pero bakit naman kasi sya nang gugulat 'di ba?

"Sino ka?Saka nasaan ako?Ano ba ang nangyari kagabi?"sunod sunod naman na tanong ko sakanya dahil naguguluhan pa din ako.

"Here's your breakfast,you should eat your food first."sabi nya sa akin sabay abot ng pagkain.Ni wala man lang nasagot sa tanong ko.

"Sabi k-"

"I'll tell you what happened last night after you finish that"sabay turo sa hawak kong pagkain at lumabas na sya ng kwarto.

Aba bastos to ha,ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.

Pag tapos kong kumain ay ibababa ko na sana yung pinagkainan ko kaso ay nakasalubong ko sya pag labas ko ng pintuan.Kinuha nya na lang para sya ang mag baba.Nagpasalamat naman ako tapos bumalik sa kwarto.

Pumasok ako saglit sa banyo para maghilamos at mag mouthwash.Napansin ko rin na madumi na yung suot kong  bralette dahil na rin siguro kagabi.Wala pa naman akong dalang extra na shirt.

Pagkatapos ko mag hilamos at mag ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto para magpasalamat sa lalaki na hindi ko pa rin alam kung sino.

"Hey"rinig kong sabi nya galing sa baba

Agad naman akong bumaba ng hagdan para makausap sya.

"Thank you.By the way sino ka ba talaga at bakit ako napunta dito sa unit mo?"

"Dinala ka dito ng kaibigan ko kagabi.Hindi daw nya alam kung saan yung bahay mo kaya dito ka sakin dinala.Hindi ka naman nya pwedeng iuwi dahil nasa kanila yung parents nya for vacation."kwento nya habang may hawak na yosi sa kamay pero hindi naman ito nakasindi.

"Oh,so ikaw?what's your name?and also yung friend mo na nagdala sakin dito.Tell him nalang na sorry sa abala and thankyou."sabi ko habang nakatingin sa mga furniture at paintings na naka display sa sala nila.

Inside the wallWhere stories live. Discover now