CHAPTER 11

346 26 4
                                    

Tapos na kaming kumain kaya tinulungan ko nang magligpit si May.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." Suhestyon ko ngunit kanya lamang akong inirapan

Antaray.

"Aynaku Downiee ako na okay? Mabilis lang naman to eh, jan ka lang."

Sabi niya ng kanya ng sinimulan ang pagtanggal ng mga dumi sa mga pinggan, pinagmamasdan ko lamang siya sakanyang ginagawa.

She's really different from the other girls i've known, maybe because of their situation in life na sa murang edad palang ay dapat ng matuto sa gawaing bahay..

Pagkatapos niyang sabunan ang mga pinggan ay kanya na itong hinugasan ng malinis na tubig pagkatapos ay inilatag na sa palanganang walang laman
Kinuha ko ang towel na nakasabit sa gilid ng lalagyan ng kanilang mga pinggan at pinunasan ang mga pinggang tapos nyanang mahugasan. Sinulyapan niya ako saaking ginagawa, ngumiti pasiya't napalingon. Akala ko pipigilan niya ako buti nalang at hinayaan niya ako sa aking ginagawa.

Pagkatpos naming magligpit, iminwersa ni may ang kanyang kamay sa labasan

"Hali ka Donny, labas tayo!"

Agad din naman akong sumunod.
Kita kong may kinuha siya sa gilid ng punong Mangga sa tabi ng kanilang bahay

Isang hagdanan na gawa sa kawayan. Kinarga niya ito't ipinwesto sa gilid ng kanilang bahay, kunektado sakanilang bubong

"Halika sa itaas, Stargazing tayo kahit 10 minutes lang bago ka bumalik sa Resthouse." Paanyaya niya na shempre hinding-hindi ko matatanggihan

I love stars, i love moon, i love everything that's in the sky especially at night. Masarap sila sa mata..

Sinundan ko siya sakanyang pag-akyat at tumambad saakin ang atip nilang medyo sira nang tinatakpan nalang ng mga kartong ginupit-gupit na pa kwadrado.

May isang malaking karton pa sa gilid at yun ang kanyang kinuha upang mailatag sa gitna ng kanilang bubong, hindi naman sira yung parteng iyon kaya't di masyadong nakakatakot maglakad dun.

Pagkatpos niyang mailatag ang karton ay kaagad siyang humilata't tumingala sa langit, Ginaya ko naman ang kanyang ginawa. Halos limang dipa lamang ang aming layo kaya't naamoy kong talaga ang bango ng kanyang mahaba at itim na buhok

Pasimple ko siyang sinulyapan na ngayon ay nakangiti namang nakatingala sa langit

"Ang ganda ng mga bituwin sa langit Donny no?" Aniya

"Tama ka. Alam mo ba na may isang kasabihan sa bituwin, paborito kong qoute yun." Sabi ko

"Talaga?! Ano yun? Shermo naman!" Bibo niyang tanong

"Don't just look at the Star. Be one." Sabi ko ng may halong pagsulyap sakanya, sakto namang nakatingin rin siya sakin kaya nagtama ang aming mga mata

This time, hindi ko iniwas ang aking mga mata sakanya..

"Be like the stars may, wag mong hayaan na hanggang tanaw kanalang sakanila, dream to be that star makakaahon karin." Seryoso kong sabi

Napangiti siya sa sinabi ko

"Shempre naman ano! Pangarap kong maging model Donny, kung papalarin sana nga matupad, aangat rin ako't maiaahon korin sina papajoe sa hirap! Pangako ko yan sa sarili ko." Sabi niya na may halong pagpupursigi.

"Alam ko may." Sabi ko

Muli siyang napatingin sakin

"Alam mo bang may qoute rin ako para sa Moon? Gusto mo bang mapakinggan?" Aniya

Tss. Gaganti pa

Natatawa kosiyang tinignan at inantay ang kanyang sasabihin
Tumikhim pasiya't lalong humarap saakin

"At night when Stars light up my Room. I sit myself and Talking to The moon." Mahina niyang sabi habang matamang nakatitig saakin

Mga katagang muling nagpabilis ng tibok ng aking dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ngumiti siya saakin kaya't napangiti narin ako. Para kaming mga ewan sa itaas ng kanilang bubong.

Lakas magpakilig ng babaeng to.

Lakas din ng kabog ng dibdib ko parang binavibrate sa loob na para bang gusto niya ng lumabas sa sobrang tindi ng kuryenteng nadadama ko.

"May Girlfriend kana ba Donny?" Dinig kong tanong ni may habang nakatitig ng muli sa itaas

Nagtaka naman ako sakanyang itinanong ngunit pinili ko nalamang na hindi yun ipahalata.

"Wala." Maikli kong sagot.

Tumango lamang siya't seryoso ng nakatitig sa himpapawid

Gusto kong ibalik sakanya ang kanyang tanong ngunit mas pinili ko nalamang na tumingala sa itaas, ayokong isipin niya na baka gusto ko o kahit pa alam ko sa sarili kong nagugustuhan ko na siya, Dahil hindi yun pwede. Konti nalang ang panahon ko rito't pagkabalik naming maynila ay mag hahanda na naman ako pabalik ng US para sa pag-aaral ko.

Mahirap pag kilala ang inyong pamilya, sabi pa nga nila nabibilang daw kami sa Royal Family. Kaya't hindi ako pwedeng gumawa ng isang bagay na alam kong mapapag-usapan na naman ng media. Buti nalamang at hindi pa nila ako kilala dahil ni minsan di pa ako lumalabas sa telebisyon o kahit sa media. Sabi ni Dad, at the right time and at the right moment pag tapos naraw akong mag-aral ng kolehiyo saka niya na ako at ang mga kapatid ko ipapakilala sa media.

Mahirap ang buhay na ganito pero nasanay narin naman ako, kaya nga kami pinag-aral ni Dad sa States para mailayo kami sa mga Ususerang Media na parating nakasunod at panay gawa ng kwento.

Napasapo nalamang ako saaking ulo't ipinagpatuloy na lamang ang pagtitig sa mga butuwin.

[MAYDON ]"The Girl I've Once Met" BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon