Nag-hire si Sam ng isang private agent para sundan sundan sina Sarah at Gerald. Hindi pa rin siya maka-move on sa paghihiwalay nila ni Sarah. Masakit din para sa kanya dahil alam naman niya na hindi niya niloko si Sarah. Oo, nung una pero nung mga sumunod ay napamahal na sa kanya si Sarah.
“Eto yung kailangan niyong sundan.” sabi ni Sam. Nasa isang tagong place sila. Binigay niya yung picture nina Sarah at Gerald.
“Sige ho Boss. Ano bang gusto niyo?” sabi nung agent.
“Gusto kong sundan mo sila kahit saan sila magpunta. Alamin mo kung ano ang ginagawa nila at kunan mo sila ng mga pictures at ipakita mo sa akin!”
“Sige ho. Masusunod.”
“Good! Eto ang paunang bayad.” sabi ni Sam at binigay niya ang isang white envelope na naglalaman ng bayad.
Bilang isang ina, hindi maiaalis sa kanila na mag-alala ng todo sa tuwing hindi pa umuuwi ang kanilang mga anak kaya naman si Divine ay pumunta sa kumpanya dahil hindi pa din umuuwi si Sarah. Inumaga na. Wala man lang text o tawag. Hindi niya alam kung ano yung reason ni Sarah kung bakit siya nasa bahay nina Gerald.
“Mam Sarah si Mam Divine po.” sabi nung secretary at pumasok si Divine sa office ni Sarah.
“Mom?! What are you doing here?” tanong ni Sarah.
“Bakit hindi ka umuwi? Ha? Anong ginawa mo dun sa bahay ni Gerald!!! Bakit ayaw mo sa aking sabihin kagabi?” dire-diretsong tanong ni Divine kay Sarah.
“Teka lang Mi! Easy! Okay first, kaya hindi ako nakauwi kahapon kasi binugbog si Gerald.”
“What?”
“I know this is much for you to take in. Kaya iniisa-isa ko. Kasi nung nag-dinner kami sa restaurant nila, habang kinukuha ni Gerald yung sasakyan sa may parking, may lalaking lumapit sa akin at tinutukan ako ng ice pick.”
“Oh my God!!! Are you okay? Are you hurt?”
“Mom? Calm down! I’m okay! Okay? So next. Nakita ni Gerald yun kaya nanlaban siya. Ayan tuloy siya ang napuruhan. I have to drive him home. Ginamot namin siya ayaw niya kasing magpunta sa hospital.”
“So kamusta na siya?”
“He’s fine. He’s recuperating. Nagkaroon pa siya ng 39 degree Celsius na lagnat kaya I have to be with him 24/7.”
“Now I understand. “
“Kaya dumiretso na rin ako dito sa kumpanya. Actually dapat uuwi ako to change clothes pero tumawag yung secretary ko and I need to sign important papers immediately so I decided to not to go home and dito nalang mag-shower sa office.”
“Okay. The most important thing is ligtas kayong dalawa. Praise God!”
“Mommy Sarah!!!!” sigaw ni Cobbe pagpasok nila ng office ni Sarah.
“Mommy Sarah? San nanggaling yun?” tanong ni Sarah. “Oh?! Anong ginagawa niyo dito?” kiniss niya si Cobbe.
“Good morning ho Tita!” sabi ni Gerald.
“Good morning! I’ve heard what happened sa inyong dalawa last night. Are you fine?” tanong ni Divine.
“Mejo makirot pa po yung mga sugat pero kaya naman pong tiisin.”
“I see. Ang cute mo naman!!!” nag-focus naman si Divine kay Cobbe. “Anong name mo?”
“Cobbe po.” sabi ni Cobbe.
“Nakakatuwa ka naman! Marunong kang mag-po.”
“Opo. Tinuruan po kasi ako ni Daddy eh.”
“Wow. Just call me Tita Divine okay? Mommy ako ni Sarah.”
“Oh okay po Tita Divine. Pero could I call you Mamita?”
“Cobbe?” singit ni Gerald na may pagsasaway ng konti kay Cobbe.
“No, it’s okay Ge.” sabi ni Divine. “Why Mamita?”
“Kasi tinatawag ko pong Mamita si Lola Nhila eh.” sabi ni Cobbe.
“Ay ganun? Sige, Mamita nalang.”
“Yey!!!”
“Nakakatuwa naman pala itong si Cobbe!” sabi ni Divine. “Oh sige na. I have to go. Male-late pa ako sa business meeting ko.” nag-beso beso siya kina Gerald, Cobbe at Sarah at tuluyang umalis.
“Bakit nga pala kayo pumunta dito?” sabi ni Sarah. “Tsaka diba sabi ko naman sayo lalaki ka! Magpahinga ka buong araw baka mabinat ka!!!”
“Diba sinabi ko naman sayo na Superman ako tsaka si Cobbe eh! Kinulit akong mag-lunch daw tayo sa labas.” sabi ni Gerald.
“Is it true Cobbe?”
“Yes Mommy Sarah.” sabi ni Cobbe.
“Teka Cobbe, Mommy Sarah na tawag mo sakin? Bakit?”
“Kasi si Daddy, sinabi na girlfriend ka na daw niya kaya I said, I will call you Mommy Sarah para whenever you got married, I’m used to it!”
“Aba’y hanga na talaga ako sa katalinuhan nitong batang ito. Masyado naring advance mag-isip. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon!!!” sabi ni Sarah. “Ha?! San naman galing yan Cobbe? Kasal agad? Ikaw ha! Kung ano-anong tinuturo mo sa bata ha!!!” sabi ni Sarah kay Gerald.
“Anong ako? Wala! Si Cobbe lang ang may sabi niyan!” sabi ni Gerald.
“So ano Mommy Sarah? Lunch?” sabi ni Cobbe.
“Nako! Ikaw talagang bata ka!!!” pinisil-pisil ni Sarah ang mga pisngi ni Cobbe. “Okay sige na! Mag-lunch na kung magla-lunch!”
At lumabas nga para sa lunch silang tatlo. Para silang one happy family. Pero kasabay ng kasiyahan ay di nila alam na patuloy ang pagsunod sa kanila ng private agent na hinire ni Sam. Patuloy ang kanyang pagre-report kasi from time to time ay tinatawagan niya si Sam para mag-update at take din siya ng take ng pictures.
“Ay baby, malapit na pala ang 5th birthday mo, what do you want? Big party?” tanong ni Gerald.
“Ah talaga? Malapit na pala! Wow!” sabi ni Sarah.
“Yes! I want a big party!!!” sabi ni Cobbe.
“Anong theme naman gusto mo?”
“I want…. Uhm…. Cars?!”
“Wow, cars! Maganda yan! Dapat car din ang regalo nung Daddy!”
“Anong car din? Ni hindi pa nga yan marunong mag-drive eh!” sabi ni Gerald. “Saka na kapag 18 years old na siya!”
“Wow! Oh Cobbe narinig mo yun? 18 years old may car ka na na sarili!!!”
“Yey!!!” sabi ni Cobbe.
“Sige. Ipapaayos ko na agad ang party mo baby.” sabi ni Gerald.
“Yes! Thank you Daddy! Gusto ko maraming maraming cars sa loob! Tapos invite ko yung mga friends ko sa village natin!” sabi ni Cobbe.
Matagal-tagal na ngang nasa ibang bansa si Delfin matapos ang nangyaring aksidente sa Davao nung muntikan nang malunod si Sarah. Binenta niya na rin ang kanyang hacienda at nag-ibang bansa na at dun tumira. Nagtayo siya ng business doon at minsan na lamang siya kung umuwi para bisitahin si Sarah. Magkaibigan naman sila ni Divine.
“Hello?” tanong ni Divine.
“Divine! Si Delfin!”
“Oh Delfin! It’s been ages since you’ve last called! Hinahanap ka ni Sarah. Nagtatampo na!”
“Yeah I know! Naging busy lang sa work at sa business pero sabihin mo wag nang magtampo si Sarah!”
“What do you mean?”
“Uuwi ako dyan!”
“Really?! I’m sure matutuwa si Sarah dito!! When are you coming back?”
“Tomorrow I’d be there.”
“Good! I have an idea. What if surprise nalang natin siya? Hindi niya alam na uuwi ka pala.”
“Good idea. Sige! I’m in!”
“Okay. See you soon!”
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember (Ashrald Fan Fiction)
Hayran KurguIt is a summer that you won't ever forget. A summer that can last forever. Join Sarah and Gerald in their road to love as they met and be in love in an unexpected time and place. How can love go wrong and be so powerful?