NEW CHAPTER NINE

3 0 0
                                    

DISCLAIMER: Errors ahead(Babaguhin ko po lahat ng mali pag natapos na yung story). This is a work of fiction. Kung may kamukha, kahawig or ka parehas man ang laman ng aking likha sa totoong buhay ay maaaring hindi ito sinasadya o galing lamang sa aking makitid na pag iisip.

Chapter 9:

Ano kayang magandang isuot? Saan kaya kami pupunta? Napakadaya kase eh, paano ako makakapag ayos ng gamit kung 'di ko alam kung saan kami pupunta. Tss. Magdadala nalang ako ng pang beach at pang summer na damit tutal 'di pa naman tapos ang summer kaya baka magbeach lang kami.

Matapos mag ayos ng mga gamit at  mga anik anik na dadalhin ko para sa 3 days bonding namin,dumiretso na 'ko sa banyo para maligo. Kaylangan kong magmukang sobrang gwapo para madaming sisiw ang mahakot.

"Austhine sasama ka pa ba?!"sigaw ni ate mula sa labas. Kala mo naman ang bilis bilis niya kumilos eh for sure naman 'di pa siya tapos pagbaba ko.

Sinukbit ko sa balikat ko yung bagpack na dadalhin ko. Paglabas ko ng kwarto ay sa sala na ako dumiretso. Naabutan ko naman sila doon, si ate na hindi pa tapos mag make-up, manang na galing 'din sa kwarto niya at sila mommy at daddy na busy sa pag uusap. Ang seryoso naman nila, ano kayang pinag uusapan nila.

"Daddy, saan tayo pupunta?" bungad ko sa kanila dahilan para mapansin nila ang presensya ko at tumigil sa heart-to-heart talk nila.

"We're already complete here so we'll just wait for the others."nakangiting sagot lang nito.

Others?!

"Sinong others?"takang tanong ko na parang matatae pa ang muka sas sobrang pagtataka.'Di niyo ako masisi kasi sabi ni daddy family vacation daw eh kumpleto naman na kami, 'wag niyang sabihin nag imbita siya ng kamag anak namin sa side niya. 'Pag nagkataon,ang dapat na vacation baka maging delubyo.

"Oh hindi nga pala namin nasabi sa'yo kagabi and I know what you think. You're wrong we don't invite them alam naman kasi namin na masisira 'tong vacation natin, so we don't." sagot ni mommy sa tanong ko.

Well, buti naman kasi hindi talaga ako sasama kung sasama yung magugulong 'yon. I will choose to be with my immature friends than to be with my cousins. Yeah right, we're not in good terms so don't expect me to be with them alone, not at once.

*BEEEEEEEEP....

Ang ingay naman nung kotse na 'yon, pasabugin ko gulong mo eh!

Lumabas si daddy para tingnan kung sino 'yon kaya ibinaba ko muna yung gamit ko tsaka umupo sa sofa. Tumingala muna ako at pumikit. Malapit na nga pala ang pasukan,haysss. Kung 'di ko lang gustong makapagtapos tsaka magkaroon ng magandang trabaho, hindi na ako mag aaral. Kaso buti nalang may pangarap ako sa buhay, magkaroon ng malaking mansyon, makapag travel, maging engineer, maraming rest houses sa iba't-ibang lugar alangan namang magkakatabi lang 'nu kaya 'yon?, madaming sis––

SHIT! Yung pinsan ni Cra––

Ano, hindi ba talaga ako matatapos sa sinasabi ko.Kasi naman si daddy pasok ng pasok nagdidialouge pa 'ko dito oh!

"They're here!"sigaw niya pagpasok kaya bigla akong napabalikwas ng bangon, kala ko naman kung ano makasigaw!

"Waaassup madlang pips!"hyper na bati ni Crater.

"Bakit ka nandito?" bored na tanong ko.

"Isn't it obvious bro?! Ininvite ako nila tita kahapon kaya... SASAMA AKO!" sigaw niya sabay taas ng kamay."Oh no no no no,wait let me rephrase.SASAMA KAMIII!"sigaw ulit niya at pati yung pagtaas ng kamay inullit niya 'din.

W-wait?! Kayo? It means....

"Hindi lang ikaw ang ininvite nila?"gulat na tanong ko.

"Yep and...guess what?"fvck this guessing game of my stupid bestfriend. Tinaasan ko lang siya ng kilay."I have a surprise to you! Tita let me invite another one person and you'll be happy if you'll know who."pumapalakpak pang aniya, ayaw pa kasing sabihin eh. Teka, ano kayang nakain nito at puro english?

Curse From The Brilliance of The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon