Now Playing: [ THE BEGINNING ]

7 2 0
                                    

It all started when the heavy rain came. Yep. Tama kayo. Ulan. Malakas na ulan. At kapag may ulan, ibig sabihin may tubig. Tubig na hindi galing sa ulap ngunit galing sa aking mga mata. Ang bigat. Sobrang bigat. Wala akong magawa kasi niyayakap ako ng kalungkutan.

Natauhan ako ng niyakap ako ng isang dilag. Sino 'to? Bakit niya ako hinahawakan? Dali-dali akong nagpumiglas.

"Mommy, tama na po. Nandito na ako. Tahan na." Tiningnan ko ang nagsalita. Nagtaka ako sa aking nakita. "Sino ka? Bakit ka nandito?"

"Mommy, ako po ito si Marilag." Marilag? Sinong Marilag? Wala akong kilalang Marilag. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin kaya dali dali akong tinawagan si Makiel.

Si Makiel lang ang tanging taong makakapitan ko. Siya lang kailangan ko.

"Makiel! Makiel!" Walang kasing bilis ang pagpunta ko sa telepono na nakalagay sa may lamesita. Tatawagin ko na sana si Makiel nang bigla akong hawakan ng babaeng nagsabing Marilag daw ang pangalan n'ya. "How dare you?!?!" Sigaw ko sakanya at sabay sampal. "Hindi ikaw si Marilag! Ako si Marilag! Understood?! Baliw ka ba?" Tanong ko sakanya habang nakahawak siya sa kanyang pisngi na namamaga dahil sa pagkasampal ko.

"Mommy, ako po ito. Si Marilag. Anak n'yo po ako. Padating na po si Daddy Aste, ma. Tahan na po." Pilit nitong sinasabi ngunit sasabog na utak ko kaya hindi ko siya pinapansin.

"Nasaan ako?! Bakit walang ibang tao dito?! May pasyente pa akong naghihintay sa clinic ko. Nasaan na ang mga pasyente?" Niyakap lang ako ng babaeng nasa gilid ko kaya naman nagpumiglas ako ulit at pinagbabasag lahat ng bagay na nandito dahil una sa lahat ayaw ko ng hinahawakan.

Hinawakan ako ng dalawang nurse at may tinusok na naman sa akin kaya ako ay kumalma.

"Daddy, mabuti po andito na po kayo. Si mommy pa kasi, umatake na naman po yung sakit niya. Daddy, alis muna po ako. Kailangan ko na rin po pumasok sa school. Naaawa na po ako kay mommy, pakalmahin mo po siya." Dali-daling umalis ang batang may suot-suot na puting damit. Doktor ba siya? Paano niya nasabing anak ko siya? Sa pagkakaalam ko, wala akong anak.

"Oh, mahal. Ano na naman nangyayari sa iyo? Namimiss mo na naman ba ako? May inayos lang ako sa trabaho, mahal."

"Sino ka? Si Makiel ka ba?" Sambit ko.

"Mahal ako nga 'to, si Makiel. Alam ko, mahirap magkaroon ng sakit na Alzheimer's disease pero hindi ako magsasawang ipaalala sa iyo na ako ito, ang mahal mo." Tiningnan ko ang mga mata niya.

"Talaga ba? Ikaw ba 'yan, Makiel? Ang tagal kitang hinanap." Hagulgol ko. "Bakit hindi mo ako hinanap?"

"Mahal, ang mahalaga ay nandito na ako." Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya. Ang tanda ko na pero alam kong hindi mo ako maloloko. Hindi siya si Makiel. Hindi. Kilala ko ang mahal ko. Hinawakan ko ang kanyang pisngi sabay sinampal.

"Huwag mo akong pinagloloko, hindi ikaw si Makiel! Kilala ko ang asawa ko." Wala akong ginawa kung hindi umiyak lang nang umiyak. Tumayo ako mula sa pagkaupo dahil hindi na ako makapagtimpi sa lalaking kaharap ko ngunit bigla nalang tumigil ang mundo at nandilim lahat ng nasa paligid.

Nasaan ako? Bakit ang dilim? Wala akong makita.

"Nurse!!! Tulong!!! Si Ale, nahimatay!!!"

++

Eyow wassup! Chos. Hi guys. Hope you like today's update. Short words lang po tayo per chapter. Thank you so much for supporting!

- ayemsiem ✨

GALIRAMWhere stories live. Discover now