Welcome to your first destination! Thank you for visiting...
••✨
C h a p t e r
0 1"Tandaaaaaaaa! Nandito na ako" sigaw ko mula sa labas nang bahay.
"Huwag ka ngang sumigaw'ng bata ka!" Inis na bungad niya sa'kin sa loob ng bahay
Binato ko sa kanya ang dala kong isang pungpong mangga na nakuha kanina. Nasalo naman niya agad ito.
"At saan ka na naman nanggaling aber? Bakit ngayon ka lang at anong oras na, uwian pa ba ngayon ng matitinong babae ha! At saan mo 'to nakuha? Huwag mong sabihing ninakaw mo 'yan?!" sunod-sunod na tanong ni Tanda.
"Relax Tans short for Tanda mas papangit ka nyan sige ka. D'yan lang naman ako sa labas nagpapahangin at isa pa alam nating dalawa na hindi ako matino at matanda na ako Tans, kaya ko na sarili ko. Kaya don't worry." pagmamayabang ko sabay kindat sa kanya habang papasok sa loob ng bahay.
"At hindi ko ninakaw 'yan!"
Napailing na lang ito sa sinabi ko. Well, sanay na si Tanda sa ugali ko sa tagal ba naman ng panahon na nagsama kami dito sa bahay malamang sa malamang kilalang kilala n'ya na ako. Hindi man kami magka dugo pero kahit ganoon s'ya pa rin ang nag-alaga, nagpakain at nag papa-aral sa'kin mula bata pa ako kaya malaki ang utang na loob ko kay Tanda. At tungkol naman kay Tanda? Wala din s'yang pamilya dito at hindi na din s'ya nagkapamilya ewan ko ba sa matandang n'yan napakachoosy kahit madami na akong nireto sa kanya pero kahit isa walang pinatos. Sarap ngang ingudngod e.
"Kumain ka na?"
"Naks! Ang sweet ni Tanda sa'kin ah. Uhh I'm touch.." pang-aasar ko sa kanya pikon pa naman to. HAHAHAHA
"Tumahimik ka nga at kumain na!Naha-highblood ako sayo e." sabi n'ya sabay tinigin sa'kin ng masama habang paakyat sa kwarto n'ya. Nakakatawa talaga siya kapag ganiyan ang reaksyon niya. Source of happiness ko talaga kapag naaasar siya sa akin.
Napahalakhak ako sa inakto n'ya at halos maiyak ako. Pinagmasdan ko s'yang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay habang ang mukha ay nakabusangot at ang noo nakakunot. Pagkatapos niyang mawala sa paningin ko ay nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. Maliit at simple lang 'tong bahay, may maliit na gate sa labas na hanggang bewang lang ang taas tapos may mga bulaklak na nakatanim sa gilid, mahilig kasing magtanim si Tanda gulay man 'yan o bulaklak. Pagpasok mo sa loob ng bahay ay may makikita kang maliit na sala, mapapagitnaan ng kusina at sala ang hagdan papuntang sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto namin ni Tanda. Meron kaming tag-iisang kwarto. Maraming kang makikitang iba't-ibang painting sa loob ng bahay sa kusina man 'yan, sala o sa kwarto, isa din 'yan sa hilig ni Tanda. Sa kusina naman simple lang naman siya may lababo, lutuan at mesa na gawa sa kahoy na si Tanda mismo ang gumawa. Puro gawa sa kahoy ang bahay namin kasi 'yan ang trip ni Tanda. Pinabayaan ko na lang, wala din naman akong pakialam.
Pagkatapos ko pagmasdan ang bahay ay napagdesisyonan ko nang pumunta sa kusina para kumain. Sinabaw na manok at pritong talong ang nilutong ulam ni Tanda.
Uhm.. tamang tama dahil tumunog ang tiyan ko. Tahimik lang akong kumakain habang nililibang ang sa sarili sa mga pagkain na nakahain sa harap ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ito at umakyat na sa kwarto ko. Naligo muna ako bago natulog.
Pero hindi ako makatulog kaya lumabas ako at nagpahangin. Umupo ako sa upuan sa labas ng bahay na yari sa kahoy.
Napatingin ako sa langit, punong -puno ito ng mga kumikinang na mga bituin na pinapalibutan ang nag iisang buwan.
BINABASA MO ANG
THE BURNING FROST (On-going)
FantasyIt's all started with a letter. An invitation. That could bring in change but who knows if it good or a disaster. But she's different. She doesn't like it. She hates it. But she needs it. What do you think? What's your conclusion? What's you notion...