read this!

175 1 1
                                    

Ang Pagibig ay maaring baguhin ang buong pagkatao mo. Ang taong dapat hindi mo kainisan nagiging kaaway mo dahil lang sa simple selos na nararamdam mo sa puso mo. Mga taong dapat kaibiganin ay nagiging kaaway dahil sa iyong nadarama.

Ang pagibig ay nakakasira rin ng samahan ng pagkakaibigan. Hindi naman sa lahat ng oras ngunit kung dahil sa pagibig na yan nakakalimutan mo na sila, hindi mo sila lagging kasama pero pag may kailangan ka dun ka napunta sa kanila. Pero sa tingin mo, ano kaya ang naaa isip nila? Kaibigan mo lang sila pag may kailangan ka? Masakit yun para sa tunay na kaibigan, kahit ilang beses ka nila unawainnandun parin ang pagkainis nila sa iyo.

Hindi niyo maaalis sa isip na masarap magmahal, ito kasi ang nagbibigay libang sa iyo sa tuwing malungkot ka. Pero kailangan may limitasyon ito.

Sa pagibig din ikaw natutong umasa. Na kahit alam mong wala na talagang pagasa, ikaw parin ang nagpupumilit. Minsan kahit isipin mo na mamahalin ka rin niya balang araw bigla ka nalang manlalambot dahil sa mga nakikita mo. Halimbawa, ang lambing niya ngayon, kala mo sa iyo lang siya ganon din siya sa iba.

Diba nakakalungkot? Masakit? At ang usa pa dan, simula nung naranasan mo yun, naguguluhan ka na. "mahal niya ba ako?" "aasa pa ba ako?" "ayoko nang umasa! Masakit lang". Isa yan siguro ang iniisip ng mga taong umaasa. Pero kahit isipin mo man yan, ayun! Todo asa ka nanaman. Sa pagibig hindi talaga mawawala ang umasa.

Pagkatapos mong masaktan dahil sa pagibig syempre gusto mong maka move-on. May tatlong klase ang pagmu move-on sa taong mahalamo.
Una, may mga taong nag mumove-on sa pamamagitan ng paglimot sa kanila, pagbura ng number niya sa phonebook mo, at feeling mo gusto mo nang mamatay siya. Siguro ganyan magmove-on ang mga taong todo masaktan.
Pangalawa, nakapagmove on kana nga pero kaibigan mo parin siya pero hindi mo na siya mahal. Yan siguro ang magandang pagmumove-on na dapat gawin ng mga taong nagmamahal, sobra mang magmahal o hindi gaano. Kaysa nag move-on ka nga, may tao ka namang kinaiinisan. Naging masamang tao ka lang at Pangatlo, ang masakit na pagmomove-on. Ito ay 50% inlove with the person you love. Move-on kanga pero mahal mo parin siya. Labo no?

Tandaan "Ang pagibig ay isang kakaibang nararmdaman ng tao. Masiyahin man o mapagisa. Ito ay dumedepende sa lahat. Depende sa'yo kung itutuloy mo pa ang pagmamahal mo sa kanya o hindi na. Depende din sa iyo kung tototohanin mo ba o biruan lang. Pero lahat ng bagay at nadarama ay may limitasyon"

Its all about PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon