Chapter 4: Going Home

6 0 1
                                    

Parang kahapon lang ang saya-saya ko, pero sabi nga nila, pagkatapos nang saya, lungkot naman ang kasunod. Well, malungkot na ako ngayon dahil uuwi na sila kuya Theodore. Wala na akong kakulitan at ka-asaran. Wala na ding mga maiingay na bata na gigising sa ‘kin tuwing umaga.
Sigh. Ano ba ‘yan? Ba’t ang lungkot ka? Dapat nga mas Masaya ako kasi pabor sa ‘kin ‘to eh!

Muli akong kumagat sa Hamburger ko habang pinagmamasdan ang pinsan kong si George na kasalukuyang inaayos ang kanyang T-shirt. Si George ‘yung tipo ng batang masungit pero  cute. Sa edad n’yang ‘yan, matured na s’ya mag-isip. Dinaig nya pa si kuya Theodore.  Kung ano’ng opinion n’ya, sinasabi n’ya agad,walang pasakalye. Kung nakikita nyo lang ang pormahan nya ngayon, magegets nyo ang mga pinagsasabi ko. Naka suot siya ng T-shirt tapos naka tak-in, naka gel din ata ‘yung buhok nya, naka suot ng relong pula tapos naka rubber shoes s’ya na brown. Iba ‘yung style ng rubber shoes nya eh, ang ganda nga ng style, maghahanap ako ng ganyan na kasya sa ‘kin! Om emm!!

“George? Ilang taon kana  ulit?”tanong ko.
“9 po. Why?” oh ‘di ba? Sosyalerang frog din pala!
“Wala naman” kumagat ulit ako sa Hamburger ko.

“Ugggh!! Ano ba’ng laman nito batit(bakit) ang bigat?!” sigaw ni Brian habang pilit na binubuhat ang Backpack.
“Hay naku bata ka! ‘Wag mo ngang buhatin ‘yan at baka ka mapilayan!”sita ni tita kay Brian
“Pabayaan mong si kuya mo na ang magbuhat nyan”dagdag pa ni mama.

“Tara let’s go guyyssss!!!” masayang wika ni kuya Alec.

“Sige, sige tara na at hinihintay na ako ng mga chicks ko!!” pag sang-ayon naman ni Kuya Theodore

“Bye Tita, bye Ate Graciela!!” paalam ng mga cute kong pinsan.
“Tita, uwi na po muna kami, babalik po kami dito pagholiday ulit.”wika ni kuya Alec
“Bye Tita, bye din Ella!” wika ni kuya Theodore.
“Ah sige, mag-iingat kayo ah?” sagot naman ni Mama
“Salamat Grace ah? Uwi na muna kami”sabi ni Tita.
“Ah sige Ate, balik ulit kayo ah?” sagot naman ni Mama.
“Pasensya kana ulit sa mga kakulitan ng mga anak ko.”sabi pa ni Tita.
“Ay, naku! Nasanay na ako sa mga ‘yan!”naka ngiting sabi ni Mama. Hinatid na namin sila sa Gate at nagbeso-beso pa bago umalis.
“Ella, ‘wag mong papalitan ang password ng wifi ah?” sabi ni kuya Theodore.
“Ehh, papalitan ko ‘yon! Bleeehh!” sabi ko.
“BBYYEEE!”
“Bye din, ingat! :)” I smiled and wave at them.

Pinanood lang naming sila hanggang sa mawala na ang sasakyan nila sa aming paningin.

“Oh, anak ma-ayos kana ng mga kailangan mo sa school bukas at may pasok na bukas.”sabi ni Mama.
“ Sige po ma, sa kwarto lang po ako.”
“Sige. ‘Pagkailangan mo ako nasa Garden lang ako ha?”sabi n’ya
“Opo.” Sagot ko.

Alam nyo ba? Na ang Garden namin ay nasa likod ng bahay? Pinasadya ko kasi iyon noong nadito pa sila Kuya at Papa. Kapag kasi nasa harap, palaging pinipitas ng mga kapitbahy naming bata ‘yung mga bulaklak. Lalo na ‘yung mga batang babae, nakakainis sila kasi pinagtitripan nila ‘yung mga bulaklak kong Rose, Santan, at  Gumamela. ‘Di naman talaga ako mahilig sa mga bulaklak, nahawa lang ako kay Mama kasi  gustong gusto nya ng mga bulaklak. She’d rather choose flowers than jewelries.  Eh, kung ako ang tatanungin nyo, mas pipiliin ko ang alahas kaysa halaman. Pwede ko pa ‘yong ibenta kaysa naman sa mga halaman na mabubulok lang. Amp!!

Pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto ko, tumambad agad sa pagmumukha ko ang Journal kong nakalagay sa kama at nakabukas!

HOLY FATHER OF D*CKS!!!!!!!

Lahat pa naman ng mga hinaing ko sa buhay nakasulat d’yan!  Pati first crush, first boyfriend, mga pinag-gagawa ko sa school,  mga tarantaduhan, pati mga picture ng mga crush kong banda nandito din! Inipit ko ‘yon dito eh, wait lang.... parang nawawala ata ah?

OHH NOOO!!

Ay, eto lang pala sa likod naka taob lang pala, sensya naman! ^__^v

WHO THE FVCK DID TTHHIISSS!

Sobra naman silang mambaboy!

‘Yung mukha ng crush si Brad nilagyan ng bigoteng kulay orange. Si Tristan, nilagyan ng sungay na pink, si Conor naman, nilagyan ng sunglasses na blue. ‘Yung mga damit nila dinrawingan ng duster at happy faces.

AARRGGG!! Kaasar talaga ang dalawang ‘yun.

Pati ang Journal notebook ko, ‘di pinatawad!!

Tang-na, lentik lang ang walang ganti! GRRR! Naiinis talaga ko!

Tatawagan ko na sana kaso na realize ko, wala pala akong load! Kaya naman naglupasay na lang ako sa higaan ko habang hawak hawaka ang binaboy na picture ng mga crushes ko!!

Naiiyak na ako sa sobrang inis!

“Potang enah!! Bakit nyo ginanito? Letche kayo!!!!!!” himutok ko with matching tadyak tadyak pa!

“Potang ena nyo talaga!” himutok ko ulit

Nang ma alala ko, binuksan ko nga pala kaninang umga ang bintana  ko. So that freaking means, baka may nakakakita sa ginagawa kong paglulupasay dito.

 Agad naman akong luminggon at kaboom! May nakakakita nga sa ‘kin dito!

Tang ina lang, naka lean s’ya sa bintana at naka ngiting asong bulol!

“Hanep sa acting ah? Whoo, the best!” at pumalakpak pa ang ulupong.

“Letche, ‘wag ka ngang manood!!” binato ko pa sa kanya ang hawak kung picture kaso, nag backfire lang, malayo nga pala sya sa ‘kin at malakas pa ang hangin kaya bumalik sa mukha ko ang hinagis kong picture.

“BWAHAHAHAHA!!! The best! Whooo!!! “ at itinaas nya pa ang kamay  at saka tumawa ng wagas.

Lumapit ako para isara na ang bintana.

“Letcheeee! Bahala ka nga dyan!!” galit na galit na sigaw ko sabay sarado ng bintana.

Lentik na ulupong na iyon.

Dapat pala may napapahiyang tao para lang ngumiti tumawa s’ya!

Letcheng Matthew na ‘yan! Dumagdag pa sa kabwisitan ko! ARRRGGGG!!!!!!

Girl on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon