Untitled Part 1

9 0 0
                                    

                     Ako nga pala si Paul. 25 years old. Mabait, masunurin pero pag nagalit,  Nakakatakot daw. Alam ko na may mga taong mas maganda ang love story pero narito parin ako at mag hahandog ng aking kwento.

                1st year ako noong una kong nakilala si Fatima. Teka…. San ko nga ba sya nakilala? Ayun! Noong una kong pagsali sa U.N. Kahit na hindi ko gusto sumali doon ay pinilit parin nila dahil napagtripan ako sa room. Pero syempre…. Go parin ako dahil may plus grade daw yun sa subject. Mahilig ako kumanta. Pagdating ng pageant ay sinuwerte dahil isa ako sa mga nakasama sa Final 3. At syempre kaya 1st year palang ako…. Naging 3rd place lang ako sa final… parehas kami ni Fatima na 3rd place. At iyon ang unang moment na nakasama ko siya.

              

                   Minsan may mga taong bigla nalang dumarating at hindi mo namamalayan na mamahalin mo rin sya balang araw. Naniniwala ba kayo dun? Ako dati hindi…. Dahil napa imposibleng magustohan mo agad sya ng ganun lang…. Pero syempre nangyari din sakin kaya naniniwala na ako.

                    Pagkatapos ng pageant na iyon, lagi na kaming nag uusap ni Fatima. Kahit noong magtapos na ang 1st year ganun parin kami….. FYI…. Si Fatima ay 2nd year na. Isang taon ang agwat naming sa isat isa. Noong 2nd year na ako, super close ko na si Fatima…. Parang kapatid ko na rin dahil lagi syang nandito sa tabi ko kapag may problema ako at ganun din naman ang pakikitungo ko sa kanya.

                     Ang pag amin ay may dalawang resulta. Ikaw na ang makakalutas nyun pero siguraduhin mong handa ka sa anumang mangyari.


                        Noong intrams naming habang nasa ikalawang taon na ako ng pag aaral, napagkaisahan kami ni Fatima ng kanyang mga kaklase na itali an gaming kamay na magkasama. Ehh… masyadong mahal ang pagpapatanggal at unlimited time pa ang binayad nila. Sa sobrang hiya naming dalawa, pumunta kami sa isang room kung saan walang tao.

                         Nag share si Fatima ng mga nangyari sa kanya pero… ang pinaka nakaka down na narinig ko ay yung sinabi nya na may crush siyang kaklase nya. Hindi ko narinig yung pangalan pero iisa lang ang malinaw… wala na agad akong pag asa sa kanya.. ang sakit no? kahit na wala pa syang nasasabi na wala nang pag asa pero yun agad ang naisip ko.. so paano na ito? Aamin pa ba ako o isasantabi ko nalang ang nadarama ko para sa kanya?

                         

                          Pinaka masayang mangyayari sa buhay mo ay makasama mo ang mahal mo sa isang araw at tila isang panaginip lang ang lahat ng nangyayari…

                          December 13, 2006. Isa ako sa mga choir member sa school namin. May kaibigan akong mahilig sa tugtugan na kasama rin sa choir.  Ang pangalan nya ay jerwina. So ayun… ilang months na ang nakalipas pero sya parin ang iniisip ko… habang naka sakay kami sa van, nag GM si Fatima.. so ayun… tinake ko ung opportunity na makausap sya.. sa umpisa tinanong ko kung kamusta lovelife nya.. sabi nya ok lang daw.. di daw nya alam kung ipagpapatuloy pa ba nya ang nadarama nya sa isang tao.. pagkatapos nyun… tinanong nya ako… sabi ko okay lang din ang lovelife ko.. yun nga lang hindi ko masabi dahil may pagtingin sa kanya ang aking matalik na kaibigan. Nagtanong ulit sya… sino ba? … kinabahan ako…. Parang ginawa ko nalang na biro kaya sinabi ko kay jerwina na I s send ko na may gusto ako kay Fatima.. pagkapindot ko ng send.. hindi lumabas ang cancel! Eto na! do or die na!...

                 

                       Pinaka masayang mangyayari sayo ay ang malaman mo na parehas kayo ng minamahal mo ng nadarama sa isat isa.

                        30 minutes na syang hindi nagrereply… siguro mali yung nasabi ko… baka naman hindi nya ako gusto? Baka naman iba talaga ang gusto nya… naghintay ako ng reply… nang biglang……. May nag text! Si jerwina masyadong excited.. nag sign of the cross muna ako bago buksan…. Pagkatingin ko sa text… may nakalagay… “ gusto rin po kita “…. Tumigil ang mundo.. siguro 10 seconds… sabay hampas kay jerwina at sabay hiyaw… at ang resulta… napagalitan kami ng teacher na nasa tabi namin.

                        Ilang buwan na rin kami… pero hindi ko akalaing may mangyayaring masama… may sakit pala sya… kung maaga ko lang nalaman… sana nakasama ko pa sya ng matagal.. parang sya parin ang katabi ko tuwing sasakay ako ng bus…

                        May mga taong nakalaan sa atin pero sa bandang huli sila rin ang magpaparanas sa atin ng mga bagay na hindi natin inaakalang mangyayari. Mahal na mahal ko parin sya.. tapos na ba? Kakaibang love story no? kung natapos mo na ay sigurado na nasa langit na ako. Hindi to kabaliwan kaya ako nagpakamatay. Hindi ko lang talaga mahintay ang panahon na makikita ko ulit sya.   

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First and Last LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon