Love is a sacrifice...
Lahat gagawin mo para mapasaya ang taong mahal mo..
kahit na maging kapalit pa ito ng buhay mo..
Wala eh..ganyan talaga...
Pasado alasdose na pero di pa rin ako makatulog.Sino ba naman ang gaganahang matulog kung sa linggo na ang araw ng operasyon mo pero wala ka pang heart donor? At ang mas malala pa ay kapag hindi ka pa naoperahan ngayong lingo ay wala na...
Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iisip ng biglang tumunog ang aking telepono.
“Ma,napatawag ka,kamusta pala yung paghahanap niyo ng donor?”
“Anthon,sa totoo lang,pumunta na ako at tumawag sa halos lahat ng ospital dito sa Pilipinas ngunit wala pa rin akong nahanap na pwedeng maging donor mo.Tumawag na rin pala ang daddy mo sa mga kaibigan niya sa states para humingi ng tulong sa paghahanap ng puso…Kamusta ka na pala diyan, anak”
“Okay lang ako ma”,matamlay kong sagot.Unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.Linggo na ang araw ng aking operasyon ngunit hanggang ngayon ay wala pang puso na ililipat sa akin.Sabi ng doctor na ang heart transplant na lamang ang tanging pag-asa ko para mabuhay.
“Wag kang mag-alala anak.Gagawa ako ng paraan para magkaroon ka ng donor.Hindi ko kaya na..na…mawala ka sa akin.”,narinig kong umiiyak sa kabilang linya ang aking mama.
“Ma,tama na.i wont die.,kaya wag ka nang umiyak.At saka makakahanap pa tayo.Lunes pa lang naman eh.Sige na ma,tulog na ako”
Pagkatapos naming mag-usap ay pinilit kong matulog.It was seven in the morning when I woke up..Kumain na ako at nagpaalam sa doctor para maglakad lakad.
Pumunta ako sa park para maglakad lakad at makasagap ng sariwang hangin.Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang aking cellphone.Tinignan ko ang mensahe at binasa ngunit dahil hindi ako nakatingin sa daanan ay may nabunggo ako.
“sorry”,Nagkatinginan kami at nagtawanan kasi sabay pa naming nasambit ang mga katagang ito.
“sorry.Hindi kasi ako nakatingin sa daan.”sabi niya habang nakangiti pa rin.
“ Pasensya rin,hindi rin kase ako nakatingin.”
“Ako nga pala si Olivia Monteros.Puwede mo rin akong tawaging Via”,sabi niya habang nakikipagkamay sa akin.
“Ako naman si Mark Anthon Neumann”,pagpapakilala ko sa aking sarili.Halatang nagulat siya sa narinig.
“Neumann?wag mong sabihing ikaw yung tagapagmana ng isa sa pinakamayamang angkan ditto sa Pilipinas.”
“Ako nga iyon..Paano,kaibigan na tayo?”
Naging kaibigan ko si Via.Araw-araw kaming lumalabas para mamasyal at kumain.Habang tumatagal,napapansin kong unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya.Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Via.Mabait,maganda,mapagkumbaba,galling sa magandang pamilya at higit sa lahat ay masarap kasama.Sa katunayan nga ay isang ngiti niya lang ay nakakalimutan ko na ang aking problema.
Biyernes,habang naglalakad kami Via sa mall,naramdaman kong unti-unting nagsisikip ang aking dibdib.Narinig ko naman ang mga tarantang pagtawg sa akin ni Via.
“ Anthon…Anothon….Ayos ka lang ba?”
At maya-maya ay biglang nagdilim ang lahat.Nagising ako sa isang puting kwarto.Teka,ospital to ah….Bakit ako nandito?Anong nangyari? Ang huling natatandaan ko ay kasama ko si Via sa mall.
BINABASA MO ANG
This I Promise you(one shot)
Teen FictionA promise that bounded two peoples heart.....