Chapter 8 - Stargazing, hot choco and other familiar things

263 9 2
                                    

Pagkatapos namin mag-roast ng mallows ay nag-order naman ng hot choco si Frieda sa Le Chef, ang restaurant ng the Manor. Nung una, nagku-kuwentuhan lang kami sa mga buhay-buhay namin. Nagtanong rin sila tungkol sa buhay namin ni Drew kasi kami nga yung bago sa grupo. Nang ma-exhaust na nila lahat ng dapat tanungin, nagkaroon ng comfortable silence. Nilalasap lang namin yung malamig na pahahon sa Baguio habang umiinom ng hot choco. This is the life! Maya-maya, biglang nag-open ng topic si Paulo.

“Guys, ano yung mga alam niyong ghost stories dito sa Baguio?”

Topic pala na ayaw ko.
Sabay-sabay nagsalita ang mga tao, excited mag-share ng kwento.

“Excuse me, ayoko sa mga ganitong usapan.” bulong ko kay Megan sabay tayo sa kinauupuan ko.

“Ohhh, Cassandra, saan punta mo?” tanong ni Paulo.
“Huh? Uh… magba-banyo” sagot ko.
“Wushu! Natatakot lang siguro yan si Cassandra!” gatong naman ni Frieda.
“Hindi ah! Ano...kasi.. eh, well, baka corny lang yung mga ghost stories niyo kaya matutulog na ko!” sagot ko sabay talikod ng mabilis.
“KJ!” sigaw nila.

Dumila lang ako at lumakad na papunta sa mga tent. Papasok na sana ako sa isa sa mga tent nung napansin ko yung mga extrang kumot. Kinuha ko sila at naisip kong ilatag ang mga ito para makapag-stargazing. Stargazing kahit walang telescope, why not. Umupo muna ko sa kumot at itinabi yung isang extra. Balak kong ubusin muna yung hot choco dahil nag-refill ulit ako tapos kaya mainit-init pa ito. Medyo may kalayuan rin itong pwesto ko sa mga volunteers pero tanaw ko pa rin sila. Tanaw ko pa nga rin si PJ eh. Ops- focus on other things. Like... nature? Ang lamig talaga dito. I looked around, kahit medyo madilim ay may kaunting mga lampposts naman kaya aninag ko pa rin ang mga pine trees. Ang ganda dito talaga, kita rin yung full moon. Teka, may naririnig ako. Kaluskos ba ‘yun? Diba sa mga movie lang ‘yun? Ehhh, ibalik ko na nga lang yung focus ko on other happy things. Like, PJ. Kasi, ayun, tanaw ko siya. Nakatawa siya. Ba’t siya nakatawa eh horror stories yung pinag-uusapan nila? Tinignan ko yung expression nung iba, parang takot naman si Frieda. Si Megan naman parang anticipating something--siguro yung climax nung story. Si Paulo naman nakahawak sa dulo ng kumot ni Frieda. Kagat-kagat din ni Paulo yung mga daliri niya. Ha! Siya nag-open up niyan ha. Tapos si Drew naman...huh? Asan si Drew?

“Boo!”
“WAAAAAA!” sigaw ko. Naitapon ko tuloy sa nanggulat yung laman ng mug ko.
“Cass!!! Mainit!!! Woo!”
“Hala! Hala, ikaw kasi!”
“Cass!!!” sigaw niya.

“Guys?! Okay lang kayo?” sigaw ni Megan mula dun sa bonfire area.
“Oo!” sagot ko naman. Sabay tumingin ako kay Drew. “Hubarin mo na ‘yan para di ka na mapaso!” utos ko sa kaniya.

Pahubad na sana siya ng shirt niya nang napatigil siya, “Teka...Cassandra, are you asking me to undress?”

Binato ko siya nung extra kumot, “Ewan ko sa’yo! Ma-third degree burn ka sana! Bagong refill pa naman yun kaya mainit na mainit”

Naghubad na nga ng shirt si Drew at kinoberan niya yung sarili niya ng kumot. Oo, aaminin ko. Maganda ang katawan ni Drew. Eh kasi naman, part siya ng swim team. Pero, walang kilegs eh. Though, si Maricar, na girlfriend ni Ian, minsan nahuhuli kong naka-nganga pag sinusundo namin si Drew sa mga swim practice niya.

“Andrew James Villanueva, baka ubuhin at sipunin ka niyan sa ginagawa mo.”
“Eh, sabi mo mag-hubad ako. Minsan ko lang marinig sa’yo yun no”

Babatuhin ko sana siya nung mug na hawak ko pero humirit siya, “Ops! Pag nabasag yan, ikaw magbabayad.” Tinabi ko na yung mug at umupo na siya sa tabi ko.

“Drew, malamig nga. Umakyat ka muna at magpalit”
“So, aakyat ako sa 4th floor ng topless? Alam mo ba kung gaano ka-formal ang hotel na ‘to? Bawal nga naka-sleeveless sa resto eh. Tsaka, katamad” sagot niya.
“Katamad? Pag nagkasakit ka, tatamarin din akong alagaan ka ha. Mag-isa ka sa dorm mo.”
“As if, matitiis mo ko. Lagot ka sa nanay ko.”
“I know. Pero eto, kunin mo na ‘tong hoodie mo tapos ako magkukumot. May doble naman ako eh. Ba’t kasi hindi ka nag-jacket eh alam mong magca-camping?”
“Eh akala ko sapat na ‘tong longsleeves eh. Di ko akalaing may baliw na magbubuhos sa akin ng hot choco” kinuha naman niya yung hoodie.
“Hoy” sabi ko, “Tinakot mo kasi ako eh alam mo naman ang lakas ng imagination ko.”
“It’s as if you were asking for it!” tawa niya, “Pupuwesto ka dito sa madilim tapos malayo sa mga tao. I had to do it. Tsaka, ang bilis ng reflex mo ha?”
“Reflex nga eh.”
“Good job. Hindi ka makikidnap agad”
“I know” sabi ko sabay higa na at gumaya na rin siya.
“Ano bang ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Camping, stargazing…”
“Stargazing? Wala namang telescope?”
“Kailangan may telescope pag nag-stargaze?”
“Aba siyempre! Ibang star naman ata yung ini-stargaze mo” sagot niya.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?”
“Anyway, tinawagan mo na si Biancs?”
“Ay, hindi pa. Gusto mo tawagan natin ngayon?” patayo na sana ako pero pinigilan niya ko.
“Wag na. Busy yun sa birthday ng papa niya. Alam mo naman ‘yun, all out sa mga celebrations. Effort kung effort.”
“Yeah.”

Natahimik kami for a few minutes. Pero maya-maya,

“Cass, kantahan mo ko para makatulog ako.”
“Baka umulan nang di oras. Ikaw kaya yung singer diyan!”
“Lakas maka-professional naman nung singer.”
“Pero maayos ka kumanta. Kaya nga music. ed. ka eh”
“Sayaw na lang ako”
“Yuck! Huwag please” sabi kong pabiro na medyo seryoso “Kay Ian na talent yun. Kaniya na yun”
“O sige na, sige na. Ako na kakanta para di tayo ma-bore.”
“Yun naman pala eh, papilit pa”

Nagsimula na siya…

“Sa kaniya pa rin babalik, 
sigaw ng damdamin
Sa kaniya pa rin---”

“Teka! Yan na naman?" sabi ko bigla. "Yan na lang lagi mong kinakanta. Tapos laging chorus agad. May lakad ka?"
“Baliw" sagot niya.
“Tsaka sino ba sa mga ex mo yung gusto mong balikan? Diba yun yung message ng kantang ‘yan?”
“Wala naman”
“Eh bakit yang kanta nga na yan?”
“Cass?"
"Oh?"
"Ang reklamador mo. Makatulog na nga!” sabi nya sabay talikod sa’kin. 

Uh-oh. Minsan lang mapikon si Drew. Rare moment ‘yun. Kung mapikon mo siya, good job. Lucky for me, alam ko kung paano mapa-cool down ang mokong na ‘to.

Why do you build me up?
Buttercup baby, just to let me down?” sinimulan ko yung isa sa mga paborito niyang kanta.

“Alam mo Cass? Buttercup na nga lang, sintonado ka pa” saogt niya pero nakatalikod pa rin siya sa akin. So kumanta pa rin ako pero this time mas malakas na at naka-direct na yung kanta ko sa tainga niya. Yung parang binubulungan ko siya, pero malakas na bulong. Huh, may ganun ba? Nagsimula na siya tumawa kaya bumalik na ko sa dating posisyon ko. Humarap na ulit sa langit.

“Grabe, akala ko mag-iinarte ka pa eh” sabi ko.
“Ako pa maarte? Ikaw nga ang kinakantahan diyan eh”
“Eh ang lungkot kasi ng kanta mo.”
“Malungkot talaga” sabi niya tapos buntong-hininga. “Anong gusto mo? Yung party-party? Parang di bagay sa stargazing”
“Kahit anong kanta bagay sa stargazing”
“Cassandra, no.”
“Anyway, Drew. May tanong ako.”
“Oh?” sabi niya. Humarap ako sa kaniy pero siya nakatingin pa rin sa langit.

“Bakit hindi ka pa nagka-girlfriend since 4th year tayo?”

Hindi siya sumagot.

 “Bakit kahit ang daming babaeng nagpapansin sa’yo, wala kang nagustuhan?”

 This time, humarap na siya sa akin. Kahit medyo madilim, na-realize ko na yung sinasabi ni Megan. Maganda nga yung mga mata ni Drew. Pero, hindi pa rin siya sumasagot. 

 "Andrew James?”
“Cassandra Astrid?”
“Bading ka ba?” 

Napaupo at napahagalpak siya sa tawa. Napalingon naman sa amin yung mga volunteers pero I signalled “ok!” at umupo na rin. Halos maluha-luha na si Drew sa kakatawa. Nung maka-recover siya sabi niya,

“Grabe. Ayos talaga punchline mo, Cass. Panira moment.”
“Anong moment?” sabi ko at turn ko naman tumawa.
“Iba ka talaga. Tulog na nga tayo.” sabi niya at tumayo na.

He offered me a hand. NIligpit na niya nang mabilisan yung mga kumot then pumasok sa isa sa mga tent. He didn’t even say goodnight. I tried to call after him pero sinara na niya yung zipper ng tent so I guess, matutulog na talaga siya. Then I noticed PJ walking towards me. 

“Hi” bati niya.
“Hi” sagot ko.
“Okay lang ba kayo ni Andrew?”
“Huh? Ay, oo. Nag-aasaran lang kami.”
“Aaah… matutulog ka na ba?”

Tinignan ko yung relos ko. 11 pm na pala at maaga pa kami bukas!

“Oo eh. Kailangan natin ng energy bukas”
“Oo nga eh. So...um..sige. Dito na lang din ako sa parehas na tent matutulog kasama ni Andrew.”
“Sige. Uh...dito na ko sa dulo. Yung tent malapit sa mga natirang volunteers”
“Kasi takot ka?”
“Hindi ah!”
“Sus, Cassie”
“Hindi ah!”
“Asus. Oh sige, hatid na kita para di ka matakot”
“PJ, hindi ako takot. Tsaka halos 10 steps lang yun mula sa kinatatayuan natin oh!”
“Osha, osha. Goodnight, Cassie” sabi niya.

 Ba’t kahit ang dilim parang nag-glow yung mukha niya? Or yung ngiti niya? Ako lang ba ‘yun? Pa-check up ko na nga yung mata ko bukas. Pati na rin siguro yung irregular heartbeat ko.

“Uh, ok...sige.. uh, bye” sabay talikod ko.
“Huy, anong bye? May lakad ka?” sabi niyang nang-aasar.
“Huh? Ay, good night pala”
“Good night, Cassie”
“Good night, PJ” at nagsimula na nga ako maglakad papunta sa napili kong tent. Bago ako pumasok sa tent ay nilingon ko siya. Andun parin siya sa kinatatayuan namin kanina at naka-ngiti. Kumaway siya at kumaway rin ako. I finally went inside the tent to sleep. And to dream some more.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon