CHAPTER 2

7K 124 7
                                    

Ito ang papa mo

6 years later

"Mama wag ka na po umalis malakas ang ulan" maliit na boses ang humarang sakin sa hamba nang pintuan.

Ito talagang anak ko masyadong nag aalala. Oo nga't malakas ang ulan pero anong magagawa ko? Kung hindi ako maglalako nang tinapa wala kaming kakainin ngayong araw.

Hanggat kaya kung suungin ang malakas na ulan gagawin ko wag lang magutom ang anak ko.

"Anak diba pinaliwagan ko na sayo to'? Sige ka wala akong mapapasalubong na polboron sayo" sambit ko sa anak kong nakasukbit na ang kamay sa braso ko. Mukhang matatagalan pa ko bago maka gayak neto.

"M-ma wag na p-po" alam kong wala pang minuto iiyak nato kaya lumuhod nako sa harap nya para makausap nang maayos.

"Anak kahit bagyo pa yan kayang kaya yan ni mama gagawin ko ang lahat para di ka magutom mahal na mahal kita kaya iingatan ko ang sarili ko, naiintindihan mo na Kira?" Sa wakas sa mahabang pakiusapan unti-unti rin itong tumango tsaka ako pinakawalan.

Sinikop ko ulit ang basket na naglalaman nang mga paninda ko pagkatapos tsaka ko binuksan ang payong na sira sira pero kahit papaano nagagamit ko pa naman.

Muli kong sinulyapan ang anak tsaka ko ito pinatakan nang mabilis na halik sa noo.

"Sige na Kira pumasok kana sa loob dun ka lang sa kwarto manood ka nang tv yung bilin sayo ni mama ha wag na--"

"Wag na wag magpapasok nang kahit na sino" napa ngiti naman ako dahil alam na alam nya na talaga kung ano ang mga habilin ko. Hindi naman na kase kataka taka dahil simula nung pinganak ko ang anak ko ito na ang naging hanapbuhay ko.

Hyst manang mana sa pinagmanahan.

Napakahirap ng buhay namin sa ngayon pero nagpapasalamat parin talaga ako sa diyos dahil may nakakain kami bago matulog.

Sobrang hirap maging ina pero sobrang saya lalo na kapag pinaparamdam sayo nang anak mo na mahal na mahal ka niya. Hindi talaga ako nagsisi na pinakilala ko sa kanya ang mundo pero masakit para sa akin na sa murang edad naiiwan ang anak ko magisa sa munting bahay namin.

"Mag-iingat ka mama ha mahal na mahal din kita!" Sigaw neto bago ko pa man ito malingon narinig ko na ang kalambag nang kahoy na pinto namin hudyat na sinara na ito.

Nilakad ko na ang masukal na daan papuntang palengke pag ganto kasing masama ang panahon duon ko naiisipang pumwesto kaysa maglako at magbahay bahay.

Ilan pang minuto nakarating na ako nang palengke, nalungkot ako nang makita kong kakaunti ang tao, hindi na ako magtataka masama kase ang panahon ngayon kaya siguro tinatamad mag labasan sa bahay nila ang mga mamimili.

Inilabag ko sa may gilid ang basket tsaka ako sumandal sa pader na nasa likod ko, pinagmamasdan ko lang ang mga taong aligaga sa pamimili ng uulamin.

Sa tagal na siguro nang panahon nalimutan ko nang mamili nang masasarap na pagkain nasanay narin siguro ako na puro delata, instant noodles at kung walang wala na talaga itong mga natirang paninda ko ayon ang kinakain namin mag-ina.

"Miss magkano ito" napabalikwas ako nang pagkakatayo nang may kumalabit sa braso ko. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko para hindi ito mapansin?.

Isang hindi katangkaran na lalaki ngunit malaki ang pangangatawan, medyo magulo ang buhok at nakasuot nang itim na t-shirt.

"Ahh kuya 25 pesos lang ang isang balot, ilan ba ang kukunin mo?" Agaran kong sambit dito, nakakahiya unang customer ko pa man din to' baka langawin ang paninda ko dahil ang panget nang bungad.

Sex Lang Ang Habol Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon