Ayesha's POV
1 week later...
"Eyy ka muna diyan, Eyy!!" Nakangising sabi ni Mekkah habang inaayusan ako. "Ganda mo teh!! Tangina talaga!! Baka bestfriend ko 'yan!! Pak!! Magpasalamat ka sakin at hindi ka magiging ganiyan kasarap kung 'di dahil sakin!!" Lumapit naman siya kay Aeyza na inaayusan din ni Darrah. "Pak!! Tanginis!! Ganda din ni anteh ko Aeyza!!! Pak!! Litaw na litaw kung bakit kayo kambal!" Komento pa niya.
Tinignan ko ang sarili sa salamin. Humaba ang buhok ko dahil nilagyan ni Mekkah ng hair extension at pinong pino ang pagkaka-straight no'n. I wore a black long dress na hapit sa katawan kaya kitang kita ang kurba ko.
Ganoon din ang style ng hair ni Aeyza kaya naman kapag nakatalikod kami ay para kang sumalang sa guess who is Ayesha and Aeyza? (You can check the photo below)
Hindi lang sila Tito Kal ang nakatanggap ng invitation, pati din ang company ko. Pati nga si Dad ay mayroon din kahit alam nilang wala na si Dad, nananadiyang mangasar.
"Ayesha, Dad and us will wait for your signal, alright?" Bakas sa muka ni Darrah ang matinding pagaalala bago ako tuluyang sumakay sa limousine.
"We will be fine, Best." Sigurado kong sabi.
"You will come back to us, right?" Nagaalalang tanong din ni Mekkah.
"Oo, hindi ako mate-tegi. I promise." Nakangiti kong sabi bago sila muling yakapin.
"Let's go, Muffin." Dumating si Kenneth. Suot ang puting tuxedo na meroong red roses na naka-pin sa may dibdib ng tuxedo.
"We will go now, Guys." Nakangiti kong sabi na parang nagpapaalam kaya kinurot ako ni Darrah at Mekkah sa magkabilang pisngi kaya napa-aray ako.
"Ito ka, oh!" Pinakyuhan ako ni Darrah kaya natawa ako.
"Tanga ka! Hindi ka tatanggapin sa langit kaya 'wag ka munang mamatay!" Inis na sabi sa akin ni Mekkah kaya ngumuso na ako. Minsan lang mainis si ackla, alam nating lahat 'yan. "Be safe, okay? F.O talaga tayong dalawa kapag may nangyari sayo! Iyang ganiyan na kalagayan mo bago pumasok sa loob dapat ganiyan pa din pag labas, huh? If you break your promise, friendship natin break na din! Kingina ka!" Sunod sunod niyang sabi. Seryoso siya ngunit puno ng pagaalala.
"I will come out alive," sabi ko at niyakap muli silang dalawa. "Because you guys will come to aid us."
AMBERFECT
Binasa ko ang nakasulat sa invitation bago tignan ang building na nasa harap. The building has a 15 floors. There's a red carpet sa entrance, there is a two guards guarding the entrance, nakapila din ang mga guest na may dalang invitation na ilalahad sa guards para makapasok.
Nilingon ko sa likod si Aeyza. Wala siyang partner samantalang kapareha ko si Ken. Sa unahan namin ay si Tita Neslie at Tito Kal.
Napalunok ako habang nakatingin sa entrada. Malapit na kasi kami. Hinawakan ni Kenneth ang nanglalamig kong kamay na nakahawak sa braso niya.
"Calm down, Muffin. I'm here." Seryoso niyang sabi at tumango ako. Sabay naming nilingon ang guards na hinanap ang invitation naming dalawa, tinignan niya muna ang names namin sa tablet na hawak bago kami papasukin sa loob.
Pag pasok namin ay dinala kami sa third floor kung nasan ang malaking ballroom. Nasa loob ang round tables. May mga foods and wines sa gilid at sa gitna ay isang stage.
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romansa"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...