Chapter 49: Campaign (Back to School)

6.7K 295 121
                                    

⛔️ ⚠️ WARNING: ⚠️ ⛔️
Medyo SPG! BAWAL BATA.
Mag-aral muna kayo, Okay? ^_^

****

Nephra's POV

I was busy handing out flyers nearby when I saw Aimee circling Diana like a shark. Agad na lumakas ang pagtibok ng puso ko nung makita ko sya, naging busy kasi kami dahil ngayong araw na ito ang campaign at botohan na bukas. Ngayon lang ulit nagkaroon ng chance makita siya, I'm so happy to see her.

"And what makes you think that I will vote for you huh?" Mataray na tanong nitong si Aimee kay Diana sabay lamukot sa bigay nitong flyer. Nawala agad ang ngiti ko sa narinig.

"Malaya kang iboto kung sino ang gusto mong iboto, Aimee. Rights mo yun." Malamyos at kalmadong sagot ni Diana.

I can't help but smile and admire her from afar. She always knew how to handle Aimee.

"Rights mo yun." Aimee poorly mimicked Diana in a childish manner. Para syang flyer na hawak nya; lamukos ang mukha, "My God! You're super annoying! Alam mo ba yon?!" Iretableng dagdag pa nito.

"Aims, leave her alone." Hindi ko na napigilang isali ang sarili ko sa diskusyon, my voice was low but it held authority; kalmado lang ako pero tinapunan ko naman ng katakot takot na tingin si Aimee. Nakatayo parin doon si Diana, pero hindi ko pa siya tinitignan; I can feel though.. I can feel her eyes on me.

"What?! Are you serious right now, Neph?!—" Parang gulat na sabi ni Aimee nung sumulpot ako. Unlike Diana, kanina pa kami magkasama nitong si Aimee; pati narin ang iba pang barkada. Tinulungan kasi nila akong ikalat ang mga flyers ko.

"Yes, you heard me. Wag mo ng hayaang ulitin ko pa ang sarili ko, Aims." Napahiya si Aimee sa sermon ko, nakita ko kasi ang padabog na halukipkip nito. Wala naman syang magawa, hindi nya ako pwedeng kontrahin.

Anyway.. balik tayo sa mahal ko, "Hi." I said when I finally laid my eyes on her; mahina lang ngunit madamdamin ang ginawa kong pagbati kay Diana. She looks so delicious today, maybe that word is a bit vulgar but yes! Delicious is the right word. Yun lang ang salitang angkop para i-describe siya. Ang gandang tignan sakanya ng student government uniform na ipinasuot nila saamin, including her badge. Nakalugay ang mahaba, shiny at malambot na buhok nito.. just the way I like it. Siguro more than that, she has that glow. Mukhang masaya siya. Kaya yung ganda niya, it's radiating.

Parang nahihiya pa itong ngumiti saakin nung una. Sobrang subtle lang nung ngiti nya pero yung dimples nya lumitaw agad. Muntik ko na siyang halikan right there and then kung wala lang sana si Aimee o kung wala lang kami dito sa school.

"Hello." Bati nito saakin pabalik.

Lumingon ako ng kaunti para tignan ang asungot na si Aimee. Nakasimangot parin ito pero magkasalubong narin ang mga kilay nya.. nag-o-observe ito and she's confused. Confused sa nakikita niya saamin ni Diana.

"Why on earth are you talking to her, Neph?" Asik niya ulit.

Of course I have to defend Diana, she's my girlfriend. Gusto ko sanang sabihin, nang biglang dumating si Buck kasama sina Ian and Rizza.

"Tapos na kami! Nabigay na namin lahat." As usual masaya at puno ng energy na sabi ni Rizza dahilan para mapatingin kaming tatlo sakanila. "Diana! Andito ka rin pala," naagaw agad ang paningin ni Rizza, "..good-luck mamaya sa stage ha?"

"Salamat, Rizza." Nahihiyang tugon ni Diana.

"Hey! Diana, you're here!" Sunod ay si Buck. Abot tenga ang ngiti nung makita siya, sabay yakap pa sakanya, "Namiss kita!" Diana was caught off guard, nanlaki lang ang mata nito at walang nagawa kundi sukliaan ang yakap sakanya ni Buck. Natuwa ako sa nakita ko, maybe because.. gusto kong maging kaibigan din ni Diana ang mga kaibigan ko.

(GxG) Let somebody love you 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon