Chapter 4

8 4 1
                                    

"Asha?"

"Asha??"

"Gising ka muna,kainin mo muna 'tong binili kong lunch." sabay abot nya sa akin ng dala nyang pagkain.

'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Hindi na yan mainit,kanina ko pa kasi binili yan nung nagbibihis ka.Kaso pag balik ko tulog ka na kaya hinayaan na lang kita"

Tumango na lang ako sakanya at nagpasalamat.

"Paano ba 'ko makakabawi sayo?Na abala pa kita pasensya na" sabi ko sa kanya saka ako kumagat sa chicken joy na binili nya.

Ang sarap.Ngayon na lang kasi ako ulit naka kain ng jollibee,most of the time kasi ay puro samg na kami.

Nakahinto kami sa isang park na hindi pamilyar sa akin.Hindi ko alam kung bakit kami nandit. Si Leigh naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana na parang may inaabangan.

"Ano nga pala ang ginagawa natin dito?may hinihintay ka ba?" tanong ko sa kanya saka ako sumilip sa bintana para tignan kung saan ba siya naka tingin.

"Wala na-miss ko lang pumunta sa park.Palagi kaming nandito ni Papa noong bata pa ako,noong nasa pinas pa kami." kwento nya habang pinagmamasdan yung mga bata na naghahabulan sa may labas.

"Buti ka pa nga may kinilalang Papa,haha." sabi ko sabay tawa ng pilit.

Ano kaya ang pakiramdan ng may totoong ama?

"Oh,sorry" saka sya humarap sa akin.

"No,okay lang.Nasa ibang bansa na kasi yung biological father ko,sabi ni mommy may iba na daw na pamilya."

"Wait me here." sabi nya saka lumabas ng sasakyan.

Binuksan ko yung bintana para maka langhap ng sariwang hangin at tinignan ko kung saan sya pupunta.Dumiretso sya sa may bilihan ng sorbetes.

Ngayon na lang ako ulit nakapunta dito.Pitong taon pa ako nung huli akong nakarating dito.

Labing limang taon na rin pala.

Nakakamiss na maglaro lang dito sa maghapon.Makipag takbuhan at tawanan sa ibang mga bata na doon lang din nakilala.Na hindi pa uso ang salitang stranger.

Lumabas ako at umupo sa may damuhan sa ilalim ng puno.

Gusto ko lang ulit maramdaman na malaya ako ngayon.Na wala akong problema,gaya ng mga bata.

Nakita rin naman ako kaagad ni Leigh at saka siya tumabi sa akin.May dala siyang dalawang sorbetes. Magkahalong ube at keso ang flavor.Mayroon din syang dala na cotton candy at inumin.

"Thank you" ayon lamang ang nasabi ko saka ko kinain ang dala nyan sorbetes.

"Wala ka bang gagawin ngayon?baka may gagawin ka pang importante,hatid na kita" tanong nya naman sa akin

"Wala naman,sulitin ko muna ito dahil panigurado ay di na ito ulit mangyayari sa dami ng aasikasuhin ko next week"

Sana nga ay palagi na lamang ganito.Wala kang pinoproblema at sumasabay ka lang sa agos ng buhay.Gaya ng mga bata,na kapag napagod ay pwede nang matulog o magpahinga.

Hindi kagaya ngayon,sobrang daming kailangan gawin.Review,exams,quizes,project at reportings.

Pwede rin ba akong mag sabi ng taympers kapag pagod na ako at 'di ko na kaya?

Ilang oras din kaming nakatambay sa may park bago siya nag aya.

Ihahatid na raw niya ako para makapag pahinga na ako.

"Dito na lang,lakarin ko nalang para di ka na mahirapan.Malapit na rin naman dito yung condo ko.Salamat ulit" sabi ko saka ako mgumiti at bumaba ng sasakyan nya.

"You're welcome Asha!See you around" nagbaba siya ng bintana para sabihin iyan at saka umalis.

Dumiretso na ako agad sa condo at 'di na bumili ng pagkain para sa hapunan dahil pagod at busog na rin naman ako.

Naligo lang ako at nagpaantok saglit.

Tinignan ko kung mayroong facebook account si Leigh para naman makabawi ako sa susunod.

Mayroon siya kaso nga lang ay private account ito at 'di ko ito ma-add.Tanging profile picture at cover photo lang din ang mayroon.
































Inside the wallWhere stories live. Discover now