Lalake/

28.6K 1K 44
                                    

"Gusto rin kita."

Yan ang sabi mo.

Biglaan iyon kung kaya natigilan ako.

Hindi ko nga alam kung nabingi ba ako o ano.

Nananaginip lang ba ako o totoo ito?

Sa sobrang kaligayahan ko sa sinabi mo, hindi ko napigilan ang sarili ko.

Lumabas ako at pinag-sasabi ito sa mga kaibigan ko.

Pagbalik ko, nakita kitang nakaupo sa may upuan mo.

Nagsusulat at nasa sarili mo na namang mundo.

Nalaman ko na lang tuloy na nakangiti na ako.

Nakangiti kasi naiisip kong kasama rin ako sa mundo mo.

Ngayong parehas pala tayo ng nararamdaman sa isa't-isa,

Ano na ang estado nating dalawa?

Girlfriend na ba kita o mag M.U. lang?

Tiningnan ulit kita at hindi na ako nagdalawang-isip pa.

Nilapitan kita at tinanong ka.

Napatitig ka lang at mukhang nag-isip pa.

Wala kang naisagot at umiling na lang.

Hindi ko tuloy alam kung kanina ay isang panaginip lang.

Aalis na sana ako pero ako'y hinawakan mo sa aking braso.

Ikinabigla ko tuloy ito ng husto.

Hanggang sa nagkatagpo ang ating mga mata't ako'y nginitian mo.

Tila nahulog tuloy ang puso ko.

Lalo na nang sabihin mo ulit ang sinabi ko sa'yo kahapon.

Nako, bakit kailangan mo pang ulitin 'yon?

May balak ka bang patayin ako sa tuwa at kilig dito?

At dahil ayokong maging malabo kung ano ba ang ating relasyon,

Sana pumayag ka sa sasabihin ko sa'yo.

Makinig ka at sasabihin ko iyon ng mahinahon.

(Short Story) Yan ang sabi mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon