Arman's POV
"Hulaan mo kung sino ako." makulit na sabi ng babaeng tinatakpan ang mga mata ko. Natawa ako ng bahagya sa kanya. Ano bang pumasok sa isip niya at inisip niyang hindi ko siya makikilala eh kahit dulo lang ng hibla ng buhok niya ang ipakita mo sa akin ay kilalang-kilala ko, paano pa kaya ang boses niya?
Paano ko bang hindi makikilala ang babaeng pinakamamahal ko? My beautiful Olive.
"Sino ka ba?! Hindi mo ba nakikitang nagbabasa ako!" inis na sabi ko kahit na sa kaloob-looban ko ay natatawa ako.
Padabog niyang tinanggal ang mga kamay niya at umupo sa kaharap na upuan. Magkasalubong ang kilay niya at nakanguso. Natatawa na lang akong napailing sa kanya.
"Nakakainis ka naman eh! Binibiro lang kita pero ang init agad ng ulo mo." tumingin siya sa akin at ng makita niyang tumatawa ako ay umirap siya.
"Ikaw naman binibiro lang din kita agad ka namang nagtatampo. Halika dito sa tabi ko mahal." nawala na ang pagkakakunot ng noo niya pero nakanguso pa din siya.
Lumipat siya sa tabi ko at tinignan ako. Nagtatanong ang mga mata niya. Sinabi ko kasi kahapon sa kanya na may sasabihin akong importante. Saglit kong pinagmasdan ang mga mata niya na pinakagusto ko sa kanya. Ang ganda kasi ng mga ito. Ang mga mata niya din ang dahilan kung bakit ko siya napansin noon. "Anong sasabihin mo sa akin mahal?" sabi ko na nga ba.
Hinaplos ko muna ang kanang pisngi niya saka ko siya kinabig palapit sa akin para halikan siya sa noo. "I want you to come with me mamaya sa bahay, ipapakilala na kita kina mom and dad." malalim niya akong tinignan.
Napaawang ng konti ang bibig niya at nawala ang kulay ng mukha niya. "W-What? H-Hindi mo sinabi agad, h-hindi tuloy ako nakapaghanda." nauutal na sabi niya. Halatang kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang mga kamay niya na nanlalamig. "Baka hindi nila ako magustuhan dahil puyat ako kagabi at stressed ako sa thesis namin. Ano ba naman yan mahal! Anong gagawin ko?" natataranta at mangiyak-iyak na niyang sabi.
Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa paligid, nakita ko siyang nakahinga ng maayos ng makita niyang busy lahat ng tao dito sa canteen. "Puyat, stressed, haggard o kahit mukha ka pang losyang ay magugustuhan ka nila dahil gusto kita. Wala silang magagawa doon." It's about time na rin para ipakilala ko siya sa parents ko dahil dalawang taon na simula ng maging kami. Magtatatlo na sana kung hindi siya masyadong nagpakipot sa akin, biruin mo pinatagal niya ng isang taon ang panliligaw ko.
I was mesmerized by her gorgeous eyes. Gusto ko na din siyang ipakilala sa parents ko dahil right after ng graduation ay plano kong pakasalan na siya.
*****
"Hey mahal relax. Masyado kang kinakabahan." natatawang niyakap ko siya. Parang yelo kasi ang kamay niya.
"M-Maganda ba ako?" she asked.
BINABASA MO ANG
LHMMS Untold Stories
General FictionStory of Ynna and Gene's loved ones. A love that was not meant to be and A love that was meant to be. Please read LOVING HIM MADE ME STUPID first. It's restricted so you need to follow me first then if it against your will, feel free to unfollow me...